Chapter 12

656 33 15
                                    

Troy Adrian

I been thinking for this for quite some time now. I know I'm ready at alam ko din sa sarili ko at sigurado ako na mahal ko si Claire.

I'm ready to settle down with her in my life. People might say that it's too soon but for me it is not.

Some relationships lasted for years and years and yet don't end up together, some just meet and stay together forever like my Mom and Dad. Their relationships started so quick and yet they found love stronger than the many struggles they encounter.

" Anak, anlalim yata ng iniisip mo? " si Mom, she found me here sa terrace namin.

" Mom, do you think if I ask Claire to marry me?, it would be too soon?" she looked at me intently.

" Anak, kung mahal mo talaga si Claire at sigurado ka sa nararamdaman mo, no one can question your intentions. Isa pa, hindi ang opinion namin o ng ibang tao ang dapat mong unahin alalahanin, si Claire ang dapat mong tanungin. Do you think she's ready?" I sighed.

"Honestly Mom, I'm not sure. I know she loves me but I don't know if she's ready like me." what if ayaw niya pala akong pakasalan?

" Ang baby ko, ready na mag asawa? Parang kailan lang Anak, you are a man now huh?" maluha luhang sabi ni Mommy. " Ang Ian ko. I love you Anak."

" Mom, I love you too." She's already crying. I have the best Mom in the world.

" What happened?" si Dad. Hindi namin namalayan ang paglapit niya.

" Ang binata mo, mag aasawa na Kapre." sabi ni Mommy. I smiled, my parents never fails to make me smile.

" Wehh? Di nga Ian?" Dad teased. My Mom smack my Dads arms.

" Anong wehh!? He's ready to settle down Kapre ka, mag aasawa na ang Ian natin." Dad held Mom." Ang asawa ko emotional masyado."

" It's about time, alam mo namang lagi lang kaming naka supporta sayo ng Mommy mo' Anak. Ang kakambal mo nakakadalawa na kaya bilis bilisan mo na Ian. Wala sa lahi natin ang mabagal. " sabay tawa ni Dad.

Mom again smack Dad.

" Bumili ka na ba ng singsing Anak? " tumango ako.

" Good, huwag kang gumaya dito sa Daddy mo, iba ang inuna bago ang singsing."

" Hon naman. Pumayag ka din naman sa ibang bagay na yon." My Mom turns red.

" Enough Kapre. Nakakahiya sa Anak natin." saway ni Mom kay Daddy.

They both laughed and hugged each other. I'd like to have that kind of relationship.

I'm on my way para sunduin si Claire, we plan to spend the rest of the day together. Isa pa, gusto kong sabihin sa kanya ang magandang balita.

" Ready to go Love?" bungad ko pagbukas niya ng pinto.

" Yes, nakina Aling Fely na si Nate. Saan pala tayo pupunta?" hawak kamay kaming naglakad papunta sa sasakyan.

Matamis na ngiti ang isinukli ko sa kanya.

" We're here. " excited siyang bumaba ng sasakyan.

" Wow! Lagi ko naririnig sa iba ang place na to pati na sa mga guest natin but I never been here. Totoo nga ang ganda ng view."

Tops Lookout is a famous attractions and a grand kept secret here in Cebu. it offers a fantastic view in a fortress like viewing deck, it offers panoramic view of the sprawling metropolitan. The best part, its a short drive from the city centre.

" I'm glad nagustuhan mo dito Love. " we sit in one of the bench provided for enjoying the gigantic view. " May update na pala tungkol sa case ng Tito mo, nahuli na ang mga suspek sa nangyari sa kanya, napatay ang pinaka lider nila ng magtangka itong tumakas. Safe na kayo ni Nate, pwede mo ng dalawin ang mga kaibigan mo doon sa dating lugar ninyo, pati na ang dating bahay ninyo.

" Thank you Love ha, halos nawala na sa isip ko ang tungkol diyan. Masaya akong matatahimik na si Tito sa kabilang buhay, nabigyan na nang hustisya ang pagkamatay niya." h, inagkan ko siya sa likod ng ulo niya. I was hugging her from behind.

" About your Mom? Gusto mo bang alamin natin kung anong nangyari sa kanya o kung nasan siya?"

" NO! Hindi na Ian, pinili niya ang iwan kami. Isa pa maraming pagkakataon na pwede siyang bumalik at kahit kamustahin manlang kami lalo na si Nathan, alam niyang may sakit ang kapatid ko noong umalis siya, hindi manlang niya inalam kung buhay paba o okay lang kahit si Nate nalang. " alam kong malaki ang hinanakit niya sa Mama niya.

She told me she left when Nathan was a baby. Bigla nalang itong umalis ng walang paalam hindi nila alam kung saan ito nagpunta. She always gets sad everytime we talked about her Mom. But I'm glad she was able to share it with me.

Inantay naming lumubog ang araw bago umalis. we both enjoy the sunset kahit kung ano ano lang ang pinag usapan namin.

" I have one more place to take you. Pero don't expect much sa Trisha Alexis Villa lang tayo pupunta. " sabay tawa ko.

Nagpahanda ako ng isang simpleng dinner para sa aming dalawa.

" Love? Ano to, pwede namang sa Bahay nalang ako magdinner."

" We won't stay long, alam kong inalala mo si Nate pero natawagan ko na si Aling Fely. Don't worry okay?" simpleng tango ang sinagot niya.

I give her the flowers na inorder at binilin ko sa staff sa Villa. My Mom and Dad knows about these, gusto nilang samahan ako pero I decline, ayokong ma pressure si Claire lalo na at malaki ang respeto niya sa mga magulang ko.

" Love, I want to ask you something at gusto kung malaman mo na kung ano man ang desisyon mo, it's fine." she looks confused.

" Nagkakilala tayo sa di inaasahang pagkakataon pero if given the chance I would never change any of it because that moment lead me to you. Others would probably think its too soon, but what I feel about you is real. You make me happy, much happier, boring ang buhay ko noong wala ka pa, hindi kasi ako kagaya ng iba, I don't socialize that much. But with you, I can do things na akala ko hindi ko kayang gawin. you see Love, you are good for me at sana ganon din ako sayo. Kaya sana," lumuhod ako sa tabi niya.

" Claire Madrigal Gomez will you spend the rest of your life with me? Will you marry me." napasinghap ito pagkarinig sa sinabi ko.

" Ian?" tila hindi makapaniwalang sabi niya.

" Love pakakasal ka ba sa akin?" kinakabahan na tanong ko. What if?

" Oo.. I love you Troy Adrian, oo syempre." umiiyak na sagot niya.

Nanginginig na isinuot ko sa kanya ang singsing. Saka ako tumayo. We shared a passionate kiss. Saka parehong pinahid ang luha ng isa't isa at nagyakap ulit.

At marahil alam ng staff na umoo si Claire, the fireworks went off. malapit kami sa dagat kaya nagliwanag ang part ng Villa kung saan nakaset up ang table namin.

Sabay naming pinanood ang makukulay ng fireworks.

" I'll take care of you and Nathan. Thank you Love." muli ko siyang niyakap.

" Alam ko Love dahil mula paman noong una tayong magkakilala, inaalagaan mo na kami." she kissed me.

We eat our dinner saka ko siya hinatid sa apartment nila ni Nate. Ako narin ang sumundo kay Nathan sa kabitbahay nila.

Tulog na ito kaya maingat ko binuhat at nagpaalam kay Ate Fely. Binigyan ko ito ng extrang pera dahil medyo ginabi na kami. Ayaw pa sana netong tanggapin but I insist. Malaking tulong siya kina Claire.

Pag-uwi sa bahay ay nakaabang na agad sila Mom at Dad pati si Xhan2.

" Basted ka Kuya? Kasi ako talaga ang papakasalan ni Ate Claire." sabi ng loko naming bunso.

" Hah! Akala mo lang Xhan. She said Yes, Mom!" tuwang niyakap ako ni Mommy At Daddy. Pati narin ng loko lokong si Xhan.

" Congratulations Anak. Mana ka talaga sa akin." inirapan naman siya ni Mommy.

" Yes! Mag aasawa na si Kuya Ian. Solo ko na ang bahay pati na si Mommy." sigaw ni Xhan.

" What!! Mag aasawa!?" andito si Isha?

" Yes Ate Ishang, Kuya Ian proposed and Ate Claire said yes. They're getting married. Yay! " tuwang sagot ni Xhan.

" NO!! Are you out of your mind Troy Adrian? Walang kasal na mangyayari!" pasigaw na sagot ni Isabelle.



Itutuloy..

His HEARTWhere stories live. Discover now