Chapter 25

467 22 22
                                    

CLAIRE

Nakatanaw ako sa labas ng bintana mula rito sa guest room ng bahay nila Isha. When I run for my life, dito ako dinala ng mga paa ko. I wasn't really thinking, tumakas lang ako the moment na nagkaroon ako ng chance.

Pinilit kong lumaban na mabuhay para kay Nate, para kay Ian. Ayokong isipin nila na basta ko nalang sila iniwan. Noong sumabog ang barko, kung saan ako isinakay, akala ko katapusan ko na. Pero hindi, mabait parin ang Diyos, malala man ang sugat na natamo ko, nabuhay ako. Hindi ko alam kung may puso pang natitira sa Nanay ko dahil kahit paano ay nagbigay naman siya ng gamot noong mga panahong iyon.

Araw araw ay nakikiusap ako sa kanyang palayain nalang ako, wala na din naman akong silbi sa kanila pero nauuwi lang sa pananakit kapag ipinipilit ko ang gusto ko.

Hindi ako nagtangkang tumakas ni minsan, ayoko silang bigyan ng dahilan para ikadena ako. I waited for the right moment. Kinabisado ko ang bawat galaw nila araw araw, malaya naman akong gumalaw sa loob ng bahay, katulong ang trato nila sa akin. Halos lahat ng gawaing bahay ay ako ang gumagawa.

Noon, marami pa silang tauhan, pero habang nagtatagal ay wala na silang maipa-sweldo sa mga ito hanggang sa ang driver nalang ang natira.

" Claire?" si Isha. Nakabalik na ito, hinatid niya sa labas ang mga magulang.

" Maraming salamat ulit sa tulong ninyo Isha." kung tutuusin ay hindi naman talaga nila ako kaano, ano.

"Claire, I told you, you and Nate are family. Kung hindi ka siguro kinidnap ng Nanay mo, kasal na kayo ni Ian. Who knows, you have a child together now." nalungkot ako at nanghihinayang sa halos dalawang taon na nawala sa amin.

" Luna was so sure, mahal na siya ni Ian." ipinagmalaki niya pa ito noong huling dalaw niya sa bahay. Narinig ko pang malapit na silang magtagumpay sa plano nila. Ang sakit marinig na nahuhulog na ang loob ni Ian sa kanya. Pero naging daan naman ito para makaroon ako ng lakas ng loob para takasan sila.

"I know my brother Claire, Ian won't just sit back after knowing what happened to you." I felt bad for Ian. Hindi niya deserve ang maloko. Mabuti siyang tao kagaya ng pamilya niya.

" Claire?" Pareho kaming napalingon sa pinto. Si Ate Chloe pala.

"Oh my God, I'm so glad you're okay." Hinila niya ako saka niyakap. "I'm so sorry for what happened to you." Napaluha ako, lahat talaga sila likas na mababait. "You're home now; no one will hurt you anymore. nandito kami. " ako na yata ang pinakamaswerteng tao para makilala sila.

" Salamat Ate Chloe. I'm sorry nadin, alam kong naabala ko kayong lahat." nakakahiya kasi talaga sa kanila, sa totoo lang.

" Claire, don't say that. You are family, remember. " pareho kaming napatingin kay Isha nang magsalita ito.

"Ang mga bata, Ate?" tanong niya sa kapatid.

"Theyre safe. Zade is with them. I wanted to bring Nate here, but sabi ni Dad wag nalang muna. I'm sorry, Claire." naiintindihan ko naman.

"Okay, lang po Ate, baka matakot lang siya sa akin, sa itsura ko." Nasunog ang kalahati ng mukha ko dahil sa pagsabog. Kahit sa mga braso ko ay may bakas pa ng trahedyang iyon.

"Its not that, Claire; Nate loves you; isa pa matalino siyang bata. Hindi lang talaga safe pa sa ngayon, for both of you." tumango ako.

" Isa pa, maibabalik naman sa dati sa ang mukha mo. Let me handle that pagkatapos nating masettle ang problema with that bitch Luna. " kinindatan pa ako ni Isha.

Natahimik kaming tatlo nang tumunog ang cellphone ni Isha.

" What? No way! "  medyo napataas ang boses niya. Maging ang kilay niya ay salubong na.

His HEARTWhere stories live. Discover now