Chapter 5

3.8K 129 47
                                    

Claire

HINDI ako nagkamali, noong una palang alam ko na hindi libre ang pagtulong niya sa amin. Walang mayamang basta nalang magaaksaya ng salapi ng wala silang makukuhang kapalit. May dahilan ang lahat ng tulong niya, pero bakit ako pa? Bakit ang isang katulad ko?

Malungkot na napatingin ako sa natutulog kong kapatid. Pero ano bang choice ko? Wala naman akong pagpipilian kundi ang sumunod sa kung anong gusto ni Sir Ian. Kailagan maoperahan ni Nate at tanging siya lang ang maasahan namin sa ngayon. Masakit tanggapin na pagmahirap ka, kahit ang paninindigan mo kailangan mong tapakan para lang mabuhay sa mundong ito na hindi kailanman naging patas.

Pilit ipinaintindi sa akin ni Sir Ian na hindi niya ginusto na mapunta kami sa ganitong sitwasyon pero napakahirap paniwalaan ng mga salita niya. Ang alam ko sa ngayon, ako ang magiging pambayad sa lahat ng tulong niya sa amin ng kapatid ko. At wala akong choice kundi ang tanggapin yon.

Nagpaalam ito ng mag uumaga, na aalis saglit para bumili ng pagkain, wala na akong lakas para tutulan ang ano pang gusto nito, ang nais ko nalang sa ngayon ay gumaling ang kapatid ko.

Pero hindi ito nagiisa ng bumalik, may kasama ito., nakangiti at maaliwalas ang mukha ng babaeng kasama niya.

" Ikaw ba si Claire?" malumanay itong magsalita.

" Opo.." maikling sagot ko.

" Ako nga pala si Trisha, pwede mo akong tawaging Tita Trisha, ako ang Mama nitong boyfriend mo. " gulat man ay sinikap ko itong ikubli. Pinilit kong ngumiti saka makikipagkamay sana, nang yakapin ako nito.

Napakamot naman sa batok si Sir Ian habang nakamasid sa amin.

" Mabuti nalang inagahan ko ang pagpunta, nagkasalubong kami nitong si Ian na bibili daw ng pagkain, hindi na kailangan, may dala akong pagkain ninyo. Kung hindi ko pa siya kinulit kung nasan kayo hindi pa niya sasabihin. Siya ba si Nate?"  Lumapit ito sa tulog pading si Nate.

" Napakagwapong bata, kawawa naman, napakabata pa niya para magkasakit sa puso. " napansin siguro niyang nakatingin lang ako sa kanya.

" Sorry Claire, napakadaldal ko, pasensiya kana." tila nahiya ito.

" A- ayos lang po Ma'am. " automatic na yong Ma'am. Paano naman kasi napakaganda nito kahit may edad na. Pwede na siyang pagkamalang artista.

" Ano ka ba naman, sabi ko sayo diba Tita. Hala, sige na kumain na kayo ni Ian." ito pa mismo ang nagayos sa table ng dalang pagkain. Mabilis ko naman siyang tinulungan.

" Troy Adrian, ano? Tatayo ka nalang ba dyan?" nagulat pa si Sir Ian sa pagtawag ng Mama niya.

" Mom, I told you not to come. Pwede naman kaming bumili ng pagkain sa labas. " tila nahihiyang napatingin ito sa akin.

" Nako Ian, wala ka ng magagawa, nandito na ako. Pagkatapos n'yo kumain, umuwi na muna kayo, ako na muna ang magbabantay kay Nate." tila ba kaswal lang na sabi nito.

" Nako' hindi na po Ti- Tita, nakakahiya po sa inyo." sagot ko.

" Ano ka ba naman Claire, hindi ka dapat mahiya sa akin. Girlfriend ka ng anak ko kaya Pamilya na ang turing ko sa inyo. Sige na, kumain na kayo." pareho kaming akward na naupo ni Ian sa harap ng table kung saan nakahain ang pagkain. Buti nalang may nagring na cellphone na siyang bumasag sa katahimikan.

"  Ang Daddy mo siguro ito Ian, tulog pa kasi yon ng umalis ako kanina. Tulog mantika ang kapreng yon kasi. Hello Hon', oo, nandito ako sa Hospital, nagbilin ako kay Manang kanina ah, naihanda ko na ang isusuot mo kamahalan, nako! Ikaw talagang kapre ka, puro ka kaartehan. Huwag ka ng sumunod dito, sige na. Bye." ngumiti itong muli sa amin pagkababa ng telepono.

His HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon