Chapter 17

691 34 5
                                    

Troy Adrian

Paano mo ba hahanapin ang isang taong tila ayaw magpahanap?

She just vanished.

Bigla nalang siyang naglaho na parang bula.

I did hope na babalik siya for a while. Kasi iniwan niya sa akin si Nate. Ang kapatid na mahal na mahal niya. But it's been a year.

" Hanggang kailan ka magiging ganyan ha! Till when are you going to ruin your life? I know nasasaktan ka parin sa pagkawala ni Claire pero tang' ina naman Troy Adrian, isang taon na. " parang mabibiyak ang ulo ko sa bunganga ni Isha,  did she just swear on me?

" Do you think babalik siya sayo sa sitwasyon mo ngayon? Do you really think by getting wasted almost every fucking night she will magically appear? You don't even know kung buhay paba siya or safe ba siya? Kasi basta ka nalang sumuko." and now she cares.

Really Isabelle?

" Stop acting like you care about her! For all we know, may kinalaman ka sa pagkawala niya! " sigaw ko.

" You don't mean that. We already talked about this. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala akong kinalaman sa pagkawala niya. If I know where she is, do you really think I wouldn't drag her back to you, for pete' sake Ian, you've been giving me hell this past year and I would bring Claire in front of you in a heart beat kung alam ko lang kung nasan siya! " sapo ang dibdib na naupo siya sa kama ko.

" Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan, si Mom, you don't even care anymore sa nararamdaman niya. She's worried Ian, tingin mo ba hindi siya nahihirapan, you didn't noticed that you're hurting Mommy every time she sees you in a bad state. Si Dad, he supposed to retire and rest pero nasaan siya? Do you even know kung nasan siya? He's in Singapore para sa Business trip na ikaw dapat ang pupunta. Si Ate Chloe, she's barely home sa mga anak niya kasi she needs to manage Adrian Suits kasi lagi kang wala, lagi kang laseng. " pinahid ni Isha ang mga luha niya. Umiiyak si Isabelle?

I was stunned hearing about the things I neglected.

" Kaya nagmamakaawa ako sayo' Ian. Ayusin mo yang sarili mo before every one in this family fall apart because of you. " lumabas na siya ng kwarto ko.

I didn't know na pinapahirapan ko silang lahat. All I know is that nasasaktan ako sa pagkawala niya. I did try looking for her but maybe Isha was right, I didn't try harder.







Alexa Isabelle

Sinundo ko si Jacob at Nathan sa kindergarten, two hours lang naman ang pasok nilang dalawa. Nagulat ako sa naabutan ko sa sala namin.

Ian was holding Lexine. Nilalaro niya ito. I can't remember the last time na nagkaroon siya ng oras sa mga bata. He's barely home. Mukhang bagong ligo din ito. Maybe, I did a number on him sa usapan namin kanina.

" Tito Iannnnnn.."
" Kuya Iannnn.." halos sabay na tili ng dalawa.

" Hindi ka alis?" nakayakap sa binti niya si Nathan.

" Huh? Anong sabi mo Bud." binigay niya sa akin si Lexine.

" Lagi ka alis, lagi ka wala Kuya Ian. I miss you." niyakap siya ni Nate.

" Me too. Miss you Tito Ian. " si Jacob.

Napatingin siya sa akin. Malungkot na ngiti ang sagot ko sa kanya.

I hope this will remind him of how he changed the past year. Sobrang close niya sa mga bata, hindi niya namamalayan he wasn't been home.

Inaya ko ang dalawa na magpalit muna ng damit. Saka ko pinatulog si Lexine. Mukhang inaantok na kasi ito.

His HEARTWhere stories live. Discover now