Chapter 15

547 30 2
                                    

Troy Adrian

Kagabi ko pa tinatawagan si Claire pero hindi ko siya makontak. Nag aalala na ako. Sabi ni Mark, hindi bagay sa akin ang maging clingy. At hindi bagay sa lalaki ang maging clingy in general. Pero ano bang magagawa ko kung namimiss ko siya.

Nag decide ako dumaan sa Apartment niya. Clingy na kung clingy. Bumili ako ng breakfast para sa kanila ni Nate.

Pero sarado at walang tao ang unit niya. Magtatanong sana ako kay Ate Fely pero wala daw ito sabi ng anak. Umuwi ng probinsya dahil ikakasal ang kapatid niya.

Sunod kong pinuntahan ang Chloe's Haven. Baka maaga lang itong pumasok sa trabaho.

Sinilip ko siya sa office niya pero wala ding katao tao doon. I decided to wait for Ate Chloe. Wala pa kasi ito.

" Araw araw ka nalang nandito Ian' ah. Iba na talaga pag inlove ano?" biro ni Ate. Napakamot ako sa batok ko.

" Ate nagpaalam ba sayo si Claire? Galing kasi ako sa Apartment niya pero wala siya doon. I thought she's here kaso wala din siya dito sa Resort. " parang biglang natense si Ate.

She's acting strange.

" Ate bakit?" does she knows something?

" Kahapon kasi Ian, pumunta dito si Isabelle, she said things to Claire. " ekwenento sa akin ni Ate ang nangyari.

" I swear Ian, I talked to Claire, she seems okay though. Maaga ko pa nga siya pinauwi para makapagpahinga siya after her encounter with Isha. " and no one told me about it.

" Bakit hindi mo manlang ako tinawagan' Ate. This isn't something small." frustrated na sabi ko.

" Nakiusap sa akin si Claire na huwag na bangitin sayo ang nangyari. I'm sorry. " typical Claire. Pagtatakpan na naman niya ang kamalditahan ni Isabelle.

" Look, baka nag isip-isip lang si Claire' okay. Calm down. " I can't at isang tao lang ang dapat sisihin.

Umuwi ako sa bahay. Nandoon siya, sila ng mga bata dahil nag out of the country si Enzo. She's managing Zhoe Grand through our main office sa RGC. Kung alam ko lang na gulo ang dala niya, nanatili nalang sana siya sa Manila.

Naabutan ko siya sa may swimming pool. Wala na naman yata itong balak pumasok sa trabaho.

" Let's talk!" nagulat ito.

" Arrrgg! What do you want!" nasa laptop nito ang atensyon.

" Kailan ka ba titigil sa pangingialam sa amin ni Claire' Isabelle?" padabog na sinara nito ang laptop.

" Hanggang sa marealize mo kung anong klaseng babae si Claire. " tumayo ito.

Hinaklit ko siya sa braso." Stay away from Claire and from our relationship' Isabelle kung ayaw mong kalimutan kong magkapatid tayo. "

" Ian! Let me go! Nasasaktan ako, Ano ba! " inuubos niya talaga ang pasensiya ko.

" I'm warning you. Hindi mo gugustuhing magkagalit tayo." binitawan ko ang braso niya.

" Anong nangyayari dito? Nag aaway ba kayo? " si Mommy. She wasn't supposed to see this. it will upset her.

" Ian is hurting me because of Claire'Mom. You see, she's not good for him." akala niya talaga eepekto sakin yang drama niya.

" Isabelle went to Chloe's Haven yesterday ' Mom, she said nasty things to Claire at hindi pa siya nakontento she offered her money para lang layuan ako. " tila nagulat si Mommy sa mga sinabi ko.

" Totoo ba' Isabelle?" but my Mom won't tolerate bullshit.

" Pinagpapasensiyahan kita Isabelle dahil kapatid kita but this is just to much, you're being unreasonable already! This is the last time that I'm going to warn you, stay away from Claire. " iniwan ko sila ni Mommy. Narinig ko na pinagsasabihan niya ito.

His HEARTWhere stories live. Discover now