Chapter 22

289 15 17
                                    

Troy Adrian

Afternoon that day, ay naayos na ang kotse ni Luna. Nawalan tuloy ako ng rason para sunduin at ihatid siya. She's been busy with her job. She's one of the teachers on the annual field trip for three days at her school.

But luckily, today is Saturday, so I will have the chance. She texted me, she's on the way.

Zions birthday venue was here at Chloe's Haven.

"Bakit parang pusa kang di mapaanak dyan?" ito na naman ang atribida kong kakambal.

"Asikasuhin mo na nga lang ang mga bisita Isabelle, wag ako ang atupagin mo," angil ko sa kanya. 

"Ang sungit ha." Tatawa tawang sagot niya. "Ayan na yata ang hinihintay mo at kanina kapa nakatingin sa entrance." sabay nguso niya. 

She's right. 

A stunning Luna was gracefully walking past the entrance. She's beautiful. 

"Isara mo nga yang bibig mo Troy Adrian." sinamaan ko ng tingin ang kakambal ko. 

"How did you know it was her?" Tanong ko kay Isabelle. Hindi pa naman sila nagkakakilala. Bakit alam niyang ito ang dumating? 

Pero nauna na itong salubungin si Luna. Nataranta tuloy ako. Baka kung ano na naman ang masabi niya. 

"Hi, Luna, right?" dinig kung sabi ng kakambal ko. 

"Yes, hi." nagtatakang sagot naman ni Luna. But she extended her hand in a friendly gesture towards my sister, na tinanggap naman ni Isha. 

"My name is Isabelle, twin sister ako ni Ian." pakilala pa ng kakambal ko. 

"Really, wow! You are gorgeous." tila nahihiyang sagot tuloy ni Luna, itong si Isabelle talaga kahit kailan. 

"Thank you, and so are you. I'm glad you came." Isabelle added; she sounded sincere, though. 

"Tita Luna! Yay!" siyang sulpot ni Maui sabay yakap kay Luna. 

"Hi Maui." Niyakap niya din ito pabalik. Maagap ko tuloy kinuha ang dala niyang paper bag na sa tingin ko ay regalo niya kay Zion. Nakangiti namang nakamasid sa kanila si Isabelle. 

"I'm so happy Tito Ian invited you. Let's go; I'll introduce you to Mom and Dad." pinigilan ko si Maui sa paghila kay Luna. 

"Calm down, Maui, kadarating lang ni Tita Luna mo. We will do that later, okay?" Pigil ko sa hyper kong pamangkin. 

"Okay, lang, Ian. I don't mind. "Nakangiti namang sagot ng bisita ko. 

Her smile is refreshing. 

"Maui come, mukhang mga kaklase ni Zion ang dumating; let's welcome them." Hinila ni Isabelle si Maui palayo sa amin. Kumindat pa ito bago umalis. 

"Pasensiya kana sa kanila. Let's have you seated. Thank you, sa pagpunta, by the way. "Iginiya ko siya sa table malapit sa swimming pool. 

"Ang galing may kakambal ka pala; your twin seems nice. And Maui is adorable like the last time I've seen her." Mukhang maganda ang first impression kay Isabelle this time, sana lang wag niyang sirain. 

"Brace yourself; there's more of us. Baka papunta palang sina Mom and Dad and my other siblings. " Warning ko sa kanya. 

"That's fine. Ian, this is for your nephew, nga pala. I hope he'll like it. Thanks for the help." tinanong kasi niya kung anong hilig ni Zion while we were texting the other day, and I told her, Zion likes cars. 

"Anak." 

Sabay kaming napalingon. Si Mommy pala. Malapad ang ngiti na lumapit siya sa amin. 

My mom, although she aged, is still beautiful to me. 

His HEARTWhere stories live. Discover now