Chapter 23

277 11 6
                                    

LUNA

Everything was going according to plan. I wasn't expecting things to be this easy. But everything is falling in place. Soon, I will be one of the richest woman in this town. Heck, I'm very sure am will be Mrs. Luna Enriquez Rosales, wife of Troy Adrian Rosales. Tagapagmana ng chain of Hotels, not to mention real estates and other booming business of the Rosales. But then again, ang pesteng babaeng yon ngayon pa naisipang gumawa ng kalokohan.

" How the hell, did she manage to escape?" sigaw ko sa madrasta ko. She's fucking useless, my Dad was in the fucking wheelchair because of her.

" Hindi ko din alam, and dont you dare blame me, when it was your idea na dalhin siya dito sa lungsod." Seryoso ba siya.

" Kahit kailan talaga palpak ka." She's useless. I can't believe it! Kasalanan ko pa talaga ngayon, samantalang siya itong na takasan ng anak niya.

I needed her close para madali kong malaman ang mga impormasyong kailangan ko, to win Ian. And besides, wala na kaming babalikan sa isla. Ang alam nila my Dad and my stepmother died. I sold all our property pati na yong iniwan saakin ni Mommy, para mabayaran ang pagkakautang nila Dad sa sugal. Ayaw akong tantanan ng mga pinagkakautangan niya. They don't want that bitch too, she's freaking ugly nga naman.

" You have all the time in the world bakit hanggang ngayon ay hindi mo nagagawa ang parte mo?" Dagdag niya pa. " Akala ko ba ay nahulog na sa sayo ang loob ng lalaking yon?" akala ba niya ganon lang kadali.

I have to make sure na walang butas at sigurado ang mga hakbang ko. Salamat sa babaeng yon at kahit papaano napakinabangan ang mga impormasyong galing sa kanya. Yon nga lang ay kailangan pa siya takutin gamit ang kapatid niya. Alam naman naming kapatid niya ang weakness niya.

" Hanapin niyo nalang yong anak niyo bago pa niya masira ang lahat ng plano natin at mauwi sa wala lahat ng pinaghirapan natin." I hissed.

Simula ng dumating siya, nagkanda leche leche na ang buhay namin ni Dad. Siya talaga ang malas sa buhay namin. I don't even know kung anong nakita sa kanya ng Daddy ko. She's nothing but a face.Kaya kailangan niya mahanap ang anak niya. Dapat kasi matagal na namin denidespatsa ang babaeng yon.

I wouldn't let her ruin things, lalo na ngayon, Ian likes me already. I can feel it. It's only a matter of time, mapapaikot ko na siya sa sarili kong mga palad.

I went to see my Dad. Naawa ako sa kalagayan niya, siya ang napuruhan sa nangyaring pagsabog. While my good for nothing stepmother managed to escape with minor injuries, pero quits lang kami, Malala din naman ang pinsalang natamo ng anak niya. Nobody would want a face like that.

" Malapit na Dad, hindi na magtatagal, I could bring you to the US para mapaopera natin yang mga paa mo." nakatingin lang ito sa malayo. Masyado niyang dinibdib ang pagkaparalisa, the next thing we know, nilamon na siya ng depression. He started not talking and responding to all of us. Pero maipapagamot ko nadin siya soon.

I texted Ian. I left the party in a hurry because of the news na nakatakas ang babaeng yon. Panira talaga kahit kailan.

Hi, I'm so sorry for leaving in a hurry last night, family emergency.

Ngayon na alam kong posibleng magkita sila ulit ng babaeng yon, I need to be around him all the time. He wouldn't recognized her anyway.

Tumunog ang cellphone ko. Napangiti ako, nagreply siya agad. Sign na he's also into me.

Is everything alright? Just let me know if you need my help.

Who wouldn't like a man like him. Mabait na sobrang yaman pa. When my stepmother told me about this plan, I wasn't so sure pero ngayon mabuti nalang pala at pumayag ako. I'm starting to fall for him and I'll make sure akin lang siya.

His HEARTWhere stories live. Discover now