Chapter 19

924 39 10
                                    

Troy Adrian

Isang buwan na naman ang nakalipas. She's gone for almost a year and half. Maging si Nate ay padalang na ang pagtatanong tungkol sa kanya. Kilala niya parin naman ito, nilagay ko ang picture nila ng Ate niya sa bedside table niya sa kwarto, to remind him of her face.

" Good morning anak."  halos magkasabay na bati ni Mom at Dad, pagdating ko sa dinning table to have breakfast.

" Morning.."  nakangiti kong sagot. 

Very sweet na naman kasi ang mga magulang ko. Dad finally start his retirement pagbalik niya from Singapore at halos nakay Mommy nalang ang lahat ng atensiyon niya ngayon.

" Alexander tumigil ka na, nakakahiya sa mga binata mo." saway ni Mom kay Dad, nagtinginan kami ni Xhan.

" Honey naman, parang naglalambing lang." maktol ni Dad.

" Kapre' ano ba.."  galit galitan ni Mom..

" It's not to late to have a menopausal baby' Mom and Dad, I don't mind at all."  natatawang biro ni Xhandrei na siya namang ikinalaki ng mata ni Mommy.

" Kontento na ako sa mga pamangkin mo Xhan, don't encourage your Father, he would look it up later baka akala mo, kung pwede nga. " sinamaan ng tingin ni Mommy si Dad.

Itinaas naman ni Dad ang dalawang kamay, habang natatawa. " Not true.." 

Natatawang nagpaalam na ako sa kanila after I'm done with my coffee. Nagmadali ding sumunod sa akin si Xhan.

"  You need to let me have your Condo unit Kuya. Mababaliw ako kina Mom at Dad sa bahay. " ilang linggo na rin niyang hinihiling na ipahiram ko sa kanya ang condo ko para makalipat doon.

" Alam mong anytime pwede ko ibigay sayo ang passcode sa Condo' Xhan. Ang tanong, papayagan ka ba bumukod lalo na ni Mom? Isa pa, as if you could live on your own. " ginulo ko ang buhok niya.

Tumakbo ito palayo saka sumakay sa kotse. He's on his last year in college. Bunso siya kaya lumaki itong spoiled lalo na kay Mommy. He knows basic chores sa bahay pero I doubt kung kaya niya na nga ba mag-isa.

Patungo ako sa project namin sa
Toledo. Papunta narin daw si Enzo doon. Nag-uumpisa na kasi ang construction ng mga housing units na itatayo doon.

Kinawayan ako ni Enzo pagkababa ko ng sasakyan. Napaaga yata ito.

" Ba't ang aga mo naman yata Enzo?"  inabutan niya ako ng puting helmet.

" Ako ang naghatid kay Jacob at Nathan sa Kindergarten."  nakabalik na ang mga ito sa bahay nila and Nathan will stay with them, as per request ni Jacob. Isha couldn't say no, lalo na't gumaling na ang trangkaso ng panganay niya. They moved from Manila para mas malapit sila sa amin.

" Nakipagmeet na ba sayo ang Client natin? " curious kong tanong.

"  Hindi pa Ian. I've heard from the Secretary, they will set a meeting with us soon."  hindi rin kami nagtagal ni Enzo sa site pagkatapos namin kausapin ang Engineers we parted to go to our respective offices.

Pagdating sa Hotel ay ibinuhos ko ang oras ko sa paper works. Ang iba sa mga papeles na hawak ko ay galing sa RGC. Nahati sa aming magkapatid ang trabahong iniwan ni Dad, to which I'm grateful. Malaki ang naitutulong si Ate Chloe at Isabelle sa akin, now that I'm the CEO. I double check the financial statement this month at masaya ako dahil mataas na ulit ang pumapasok na income sa Company after the recess brought by the Pandemic.

Around lunch ay nagutom ako kaya labas ako ng office at naglakad papunta sa Resto, on my way I bumped into someone. Tumilapon ang hawak niyang paper bag.

His HEARTWhere stories live. Discover now