Chapter 14

568 27 6
                                    

Claire

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa mga salitang binitawan ni Miss Isabelle, alam ko naman na ayaw niya sa akin para sa kakambal niya pero hindi ko akalain na magagawa niyang presyohan ang relasyon namin ni Ian.

Alam ko naman na yayamanin sila.

Bumabalik na naman ang dating sama ko ng loob ko sa mga mayayaman. Bagay na nalagpasan ko na sana dahil sa kasintahan ko.

Iniwan kami ni Mama dahil sumama ito sa isang mayamang nakilala niya nang minsang mamasukan itong katulong.

Sawang sawa na daw ito sa pagiging alila at paghihirap namin sa buhay. Baby pa noon si Nate. Kahit anong gawing pagmamakaawa namin ni Papa sa kanya, umalis parin ito. I pinaglit niya kami sa pera.

Hanggang sa nawalan na kami ng balita tungkol sa kanya. Kaya hirap akong magtiwala sa mayayaman. Problema lang madalas ang dala nila pero iba si Ian. Mabuti ang puso niya kagaya ni Tita Trisha kahit si Tito Xander ganoon din. Kahit minsan hindi ko naramdaman na itinuring nila akong iba sa kanila sa istado ko sa buhay.

Hindi kagaya ng mga naging amo ko noong namamasukan din akong katulong. Manliliit ka sa trato nila sayo.

" Claire, I'm so sorry." si Ate Chloe. " Hindi ko alam kong anong nangyayari kay Isabelle, she's impossible. Pero umuwi na siya. I called Mom at si Mommy na ang bahala sa kanya." bakas sa mukha ni Ate Chloe ang pagkabahala.

" Wag nalang natin sabihin kay Ian ang nangyari Ate Chloe. Ayokong lalo kayong magkagulo." baka tama ang kapatid nila. Ginugulo ko ang buhay nila.

" Claire don't listen to her, hindi ikaw ang problema. Sooner or later Isabelle will realize her mistakes. Huwag mong sukuan ang kung anong meron kayo ni Ian, nakikiusap ako sayo. My brother loves you at nakikita ko yon. Nakakabuti ka sa kanya." niyakap ako ni Ate Chloe
Gaya ni Tita Trisha napakabait din niya.

Saan kaya nagmana si Isabelle? Kakaiba ang ugali ng isang iyon.

Pinayagan ako ni Ate Chloe na mag early out dahil sa nangyari. Napatingin ako sa cellphone ko dahil sa daming missed call doon, si Ate Fely. Kinabahan ako,  naisip kong may nangyari kay Nathan.

Agad akong dumeretso kina Ate Fely. Naabutan ko itong umiiyak. Lalo lang akong kinabahan.

" Wala akong nagawa Claire. Kinuha nila si Nate. May mga baril sila."  luhaang sabi ni Ate Fely.

Nabalot ako ng takot.

" Sino sila Ate Fely? Sinong kumuha sa kapatid ko?" ang mga pumatay kay Tiyo agad ang naisip ko. Pero ang sabi ni Ian, nahuli na sila.

" May kasama silang babae, Mama niyo daw siya. Ayokong ibigay si Nate sa kanya pero may mga kasama siyang armadong lalaki. Nakiusap akong antayin ka pero hindi niya ako pinakinggan. " may iniabot si Ate Fely sa akin na sobre.
" Ibigay ko daw ito sayo."

Nanginginig na binuksan ko ang sobre.

Claire anak,

Miss na miss ko na kayo ng kapatid mo. Nasa akin si Nathan wag kang mag-alala. Anak puntahan mo siya para mabuo na tayo.

Mama

Agad akong nagpaalam kay Ate Fely. "Aalis na po ako, susunduin ko si Nate."

" Hindi ba delikado yang gagawin mo Claire? Tawagan mo kaya muna si Ian?" umiling ako.

" Busy po si Ian ngayon Ate Fely, marami po siyang inaasikaso." Pagsisinungaling ko.

Ayokong abalahin pa si Ian. Kung totoong si Mama ang kumuha sa kapatid ko. Hindi niya naman siguro kami sasaktan.

His HEARTWhere stories live. Discover now