Chapter 2

4K 150 42
                                    

Claire

SA LABAS palang ng condo alam ko ng pangyaman ang lugar na ito. Kaya hindi na ako nagtaka na ang loob mismo ng unit ni Mister Rosales ay sumisigaw ng karangyaan. Magagarang mga furnitures, may mga paintings na nakakabit sa dingding na hula kong may kamahalan ang presyo, makabagong appliances, balanse din ang kulay na puti, gray at brown, na halatang  idenisenyo para sa isang lalaki. Sa TV at magazine ko lang madalas makita ang ganitong klaseng condo at nagtataka padin ako kung bakit niya kami dinala dito at kung bakit niya kami tinulungan sa totoo lang, ni hindi niya naman kami kaano ano.

     Napaupo ako sa tabi ni Nate, abala ito sa laruang binigay sa kanya ni Mister Rosales. Maging iyon ay halatang mamahalin.

" Paano na tayo ngayon Nate? Iniwan na tayo ni Tiyo, sigurado akong tauhan ni Sebastian ang gumawa non sa kanya." hinaplos ko ang mukha ng kapatid ko.

Wala itong kamalay malay na ulila na kaming lubos. Si Tiyo nalang sana ang pamilyang meron kami. Pero pati siya iniwan narin kami. Minsan gusto ko ng sumuko, hirap na nga kami, may sakit pa sa puso si Nathan. Lahat ng kinikita ko sa pinapasukan kong mga trabaho nauubos lang madalas sa gamot niya. Kung sana ay buhay pa si Tatay, kahit papaano ay makakaraos kami dahil may katuwang ako. Pero may dalawang taon narin siyang patay dahil sa Pneumonia. Unfair ang buhay, kami na nga itong mahirap kami pa itong lalong naghihirap. Samantalang may mga taong biniyayaan ng kagaya nitong si Mister Rosales na halatang sagana sa lahat ng bagay.

" Hindi tayo pwede magtagal sa lugar na ito Nate. Ayokong magkautang na loob sa taong hindi naman natin lubos na kilala. Isa pa, pareho pareho lang ang mga mayayaman, sa huli yaman lang nila ang mahalaga sa kanila." saglit akong tinignan ni Nate at muling bumalik sa paglalaro. Ano nga bang malay ng dalawang taong gulang na bata. Sana bata nalang tayo habang buhay, yong walang inaalala, malaya at hindi alintana ang pangit na nangyayari sa mundo.

Napansin ko ang malaking orasan na nasa dingding, pasado alas onse na.
" Nate doon ka maglaro malapit sa kusina, baka makabasag kapa dito sa sala. Sabi naman ni Mister Rosales maghagilap ako ng makakain natin dito."

May frozen chicken sa Ref at may bigas din na nakastock sa Kabinet kaya may mailuluto ako. Hindi rin mahirap gamitin ang electric stove niya dahil minsan na akong nakagamit nito noong nagpartime akong maging kasambahay. May toyo, suka at ibang pang sangkap para sa adobo na magagamit pa naman. Alasdose emedya ay nakaluto na ako, natagalan lang sa pagdefroze ng manok. Naghahain na ako ng dumating si Mister Rosales. Marami itong bitbit na mga plastic bags.

" Tamang tama, may dala akong lutong pagkain dito. Idagdag n'yo na sa tanghalian ninyo." Inilapag nito sa lamesa ang isang supot.

" Hindi kana sana nagabala, may pagkain naman dito, nagluto ako. Hindi kana dapat gumastos pa." Marami itong mga pinamili.

" Kaunti lang naman ang binili ko, hindi kasi ako sigurado kung may mailuluto ka para sa lunch." inilabas nito mula sa supot ang ilang lutong pagkain.

" Wow! Ken.. " pareho kaming napatingin kay Nate na pumaplakpak pagkakita ng fried chicken.

" Yes, chicken nga ito Buddy. Kain kana.." Ito na mismo ang naglagay ng isang piraso ng manok sa plato ng kapatid ko.

" Ako na ang bahala sa kanya." nagkibit balikat lang ito. Nagulat kami pareho ng bumaba si Nate at hinila siya sa katabi nitong upuan.

" Gusto mo bang sabayan kita kumain?" nakangiting tanong nito sa kapatid ko. Tumango naman si Nate, na siyang nakapagtataka, mailap ito madalas sa ibang tao.

Ikinuha ko na din siya ng plato. Sadyang dinamihan ko ang kanin para sana hanggang mamayang gabi. Nag umpisa na kaming kumain. Magiliw ito kay Nate habang kumakain, tila ba sanay na sanay ito sa bata. Di kaya may anak nadin siya? Napansin ko na nakailang dagdag ito ng adobong niluto ko.

His HEARTWhere stories live. Discover now