Chapter 2

93 5 0
                                    

Kinuyom ko ang kamao ko nang marinig ang sinabi nito.

Anong mahilig manilip?! I was just curious lang! Ang laking difference ng dalawang iyon. 

"Sige ka, magkakakuliti ka niyan bukas." aniya. 

"Hindi kita sinisilipan!" Matapang kong depensa. Luminga-linga pa ako sa paligid kung may iba pa ba kaming kasama rito pero wala naman. Kaming dalawa lang talaga. Humampas ang isang malakas na hangin na ikinatayo ng aking balahibo. 

Hindi ba siya nilalamigan? Wala pa man din siyang suot na pang-itaas. 

Inirapan ko na lang ang lalaki. Narinig ko ang mahina nitong tawa na para bang nangungutya. Nabaling ko muli ang tingin sa kanya. His dark eyes stared up and down like he's scanning my body. 

I quickly cross my arms to my chest. Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa paraan ng titig niya.

"Manyak ka noh?! Manyak! Tulong! May manya-" Naitigil ko ang pagsigaw dahil tinakpan nito ang bibig ko gamit ang kanang kamay niya. Ang isang kamay nito ay nasa likuran ng ulo ko. Nanlaki ang aking mata. Mas lalo lang ako kinabahan. 

Marahas kong tinanggal ang kamay nito sa bibig ko. 

"Hindi ako manyak, Senyorita. Gabi na pero," tiningnan muli ako nito pababa 'tapos ay bumalik ang tingin niya sa kain. "Bakit ganyan ang suot mo?" he asked.

Tiningnan ko ang pananamit ko. Pink shorts, white spaghetti sando and a faded jacket. Inangat ko ang tingin sa kanya saka tinaasan siya ng kilay. 

"Okay naman itong suot ko. Huwag mo nga akong pangaralan d'yan! Wala kang pakialam kung anong susuotin ko." 

"Nag-aalala lang naman ako. Baka kung ano ang mangyari sa magandang dilag na tulad mo sa gitna ng madilim na gabi. Bakit ka nga pala narito? Hindi ba dapat ay nagpapahinga ka na sa loob ng inyong mansion?" 

Hindi ko pwede sabihin sa kanya na gagala ako. Baka mamaya ay isa pala itong tauhan ni Dad. Mayayari talaga ako. 

Si Einy naman kasi e! Ang tagal dumating!

Malakas akong tumikhim. "Nagpahangin lang ako,"

He scoffed. "Nagpahangin? Na ganyan ang suot mo?"   

"Why do you care ba? It's none of your business." iritado kong sabi. 

The guy shrugged his shoulders nonchalantly. The smirk on the side of his lip did not go away. It seems like he is teasing me in other way round.

This is the first time I saw a face like him. Baka nga naligaw lang ito na mula sa kabilang lungsod tapos ay pumunta lang dito para maligo. Usap-usapan kasi na malapit na naman ang pagputol ng tubig sa mga kasaping lungsod namin.

"Okay. Kung 'yan ang gusto mo, hindi kita pipigilan. Pagpapatuloy ko ang pagligo ko na naudlot nang dahil sa'yo," he faced his back at me. "Silip well, Senyorita Laura." he raised his right hand and slowly walked away. 

"W-what-Urgh!" I screamed in irritation. "Susumbong kita kay Dad!" 

Tumigil ito sa paglalakad pero hindi siya humarap sa akin. Nanatili pa rin itong nakatalikod.  

"E di sumbong mo," tumawa pa ito bago nagpatuloy sa paglalakad. 

Ako ba talaga ang hinahamon niya? Susumbong ko talaga siya! 

Saktong pagharap ko ay ang pagkita ko kay Einy na nakangiti sa akin. Muntikan pa akong mahimatay sa gulat dahil sa kanya. Ang kapal kasi ng foundation. Sobrang puti na nga niya, naglagay pa ng baby powder tapos ay hindi pa pantay sa kulay ng leeg niya. 

Think of Laura ✔️Onde as histórias ganham vida. Descobre agora