Chapter 15

39 3 0
                                    

I took care of Oliver for three weeks. Before attending my class, I'll take a visit at him. Kapag dismissal naman ay pinupuntahan ko rin siya, at doon ko siya inaalagaan.

Kasama ko ang pamilya niya na mag-alaga sa kanya. Madaling araw na ako nakakauwi sa bahay. Hindi alam nina Mama at Papa ang nangyari kay Oliver, at ang late na late kong pag-uwi sa bahay.

Binabayaran ko ang guard kaya dapat niyang itikom ang bibig niya o mawawalan siya ng trabaho.

Kasi kung malalaman din naman nila hindi nila ako papayagan na alagaan itong si Oliver.

Niligtas na nga ako ni Oliver. Kaya itong pag-aalaga sa kanya ay way na rin ng pagbibigay utang ng loob ko sa kanya.

"Kaya mo naman na siguro maglakad?"

It's his discharged. My left arm wrapped around to the other side of his waist, while his right arm is resting on my shoulders.

Ang bigat-bigat kaya niya! Tsaka hindi naman paa ang injured sa kanya ah. Bakit need ko pa siya na alalayan?

Oliver smugged. "Ba't ganito ang treatment mo sa akin? Okay lang sa akin na huwag mo akong alalayan. Pagkatapos kitang iligtas—"

"Oo na, ito na. Ang drama mo naman," suplada kong sabi.

Narinig ko ang mahinang tawa niya.

Pinahatid ko na siya sa driver namin. Hindi na ako sumabay. Kasama naman niya ang Nanay at si Ate Katherine sa van.

May pasok ako. Dinaanan ko lang talaga si Oliver.

Pagbaba ko pa lang sa van ay luminga-linga ako sa paligid. Sakto na nakita ko si Clea, kasama ang mga barkada niya.

"Clea!" I waved my hand at her. Her eyes drifted on me. I smiled at her. Lalapitan ko na sana siya pero lumihis sila ng lakad palayo sa akin.

Ni hindi ko man lang nakita na ngumiti siya pabalik.

What's wrong?

Ngayon ko na nga lang siya nakita. Last na pagkikita namin ay yung sa restaurant kasama ang boyfriend niya na ex-boyfriend ko.

Ang akala ko ay hindi na masusundan iyon pero tuloy-tuloy na ang hindi pagpansin sa akin ni Clea na umabot ng 4 na araw. Kapag gusto ko siya kausapin ay umaalis siya agad kasama ang mga babae niya.

May nagawa ba akong mali sa kanya?

Kailangan ko talaga siyang makausap. Binabagabag talaga ako ng isipan ko kung ano ang dahilan ng hindi niya pag pansin sa akin.

"Ayoko talaga sa PE! Hindi na nga ako magaling sa arts, hindi rin ako magaling sa sports!" reklamo ni Galen.

Pinaikot-ikot ko na lang sa kamay ko ang hawak na badminron racket. Nasa sports gym na kami ngayon.

I am wearing a navy jogging pants, and a white rounded-neck t-shirt. Nakatali paitaas ang buhok ko para hindi maging sagabal.

"Okay class! Mag-me-merge ang section natin sa Class 3 ng Electrical Engineering." saad ng professor namin.

Nagtilian ang mga kaklase ko dahil sa makakakita sila ng bago raw nila target na mga engineers. Usap-usapan kasi na maraming magandang estudyante sa mga engineering courses.

Pangalawa ang business and accountancy.

Wala naman akong pakialam.

Nalipat ang tingin ko nang pumasok ang Class 3 ng EE. Tumahimik kami at sinundan sila ng tingin.

Nanlaki ang mata ko nang makita si Clea na sinusuklay ang dulo ng buhok niya gamit ang mga daliri niya.

Nakita niya ako pero iniwas niya lang ang tingin.

Think of Laura ✔️Where stories live. Discover now