Chapter 26

44 4 0
                                    

Kahit kailanman ay tama ang mga desisyon ko. Hindi ako nagkamali sa lahat-lahat. Gusto kong patunayan sa kanila na hindi sila ang masusunod. 

Rebelde na kung tawagin. Pagod na ako maging sunud-sunuran sa kanila!

Sinundan ko ang bawat hakbang ni Oliver. Dala-dala niya ang isang bag na naglalaman ng mga gamit niya. Bago kami umalis ay dumaan kami sa bahay nila para lang makuha ng mga damit. Habang hinihintay ko siya sa labas ay alam ko nang gusto niya rin ang naisip ko. 

Nang sinabi ko na magtanan kami ay tinitigan niya lang ako nang matagal. Tila naghahanap pa ng kasiguraduhan sa buong mukha ko. Pero isang mabagal na tango ang sinagot niya na ikinatuwa ng puso ko. 

Finally! Wala ng makakaabala sa amin. 

Dumaan kami sa isang mataas na lupa. Para nga akong umaakyat patungong itaas ng bundok. Sagana sa halaman at puno ang lugar na nilalakad namin.

Kung sa ibang tingin talaga ay para itong probinsya na. Hanggang sa nakalabas kami ay napag-alaman ko nga na sa taas kami ng isang bundok.

Napukaw ng atensyon ko ang isang maliit na bahay sa gitna. Lumang bahay na kumbaga. May pagkakahalintulad sa bahay ng mga Sandoval pero ito ay sadyang maliit nga lang. 

Pinisil ni Oliver ang kaliwang kamay ko na hawak niya. Siya na ang nanguna sa daan.

Yumuko ito at may kinuha sa ilalim ng isang basahan sa baba ng pintuan. It was a key. May kalawang na rin ang susi na iyon pero nabuksan ang kandado. 

Binigyan muna ako ng isang tingin ni Oliver bago kami pumasok sa loob. 

Ramdam na ramdam ko ang lungkot na binibigay ng bahay na ito. Mukhang walang nag-alaga. Pinabayaan na lang. 

"Maliit lang pero sa tingin ko ay kakasya na sa atin 'to." ani Oliver. Inabala ko ang tingin sa maliit na bahay na pinasukan namin. Ang mga gamit ay puno ng alikabok. 

"Binili mo ba 'to?" 

"No. Pinamana ito ni Lola kay Tatay. Dito rin nanirahan pansamantala ang mga magulang ko nang pinagbubuntis ni Nanay si Ate. Hindi lang 'to nabisita pa nang namatay si Tatay. Napabayaan na."

"Pero...paano kung malaman ng Nanay mo na nandito tayo at sabihin kila Mommy at Daddy?" kinakabahan kong tanong. 

He reached out for the both of my hands. "Wala ka dapat ipag-alaala. Kilala ko si Nanay."

"Teka...alam ba ng nanay mo na nagtanan tayo?"

"No,"

"Sigurado na hahanapin ka—"

He suddenly kissed me. Pinisil niya ang magkabilang pisngi ko. Tiningnan ko lang siya. Halata sa hitsura niya na hindi siya namomoblema sa pagtatanan namin.

"Will you stop thinking about our parents, sweetheart? Nakalimutan na ni Nanay ang lugar na ito. Ako lang ang napagsabihan ni Lola na buhay ang bahay na ito." Oliver smiled.

Marahan akong tumango.

"Ang mga gamit mo nga pala..." pag-aalala niya.

Huminga ako ng malalim. I licked my lips.

"E di, yung mga damit mo na lang ang suotin ko habang wala pa ako gamit. It's not a big deal naman sa'yo, right?" tinaas ko ang kilay at nilipat ang tingin sa kanya. 

He stared at me before chuckling softly.

"Seeing you wearing my shirt makes me turn on, Laura. Araw-araw akong magpipigil..." Aniya.

Tumawa ako. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko pero tinago ang nadarama sa pamamagitan ng malditang pag-ikot ko ng mata ko kay Oliver.

Nilinis muna namin ang maliit na kwarto para sa tutulugan namin. Gumagana din pala ang electricity sa bahay na ito. Siguro may tumitingin-tingin naman dito kaso hindi nga lang nalilinisan ang loob?

Think of Laura ✔️Where stories live. Discover now