Chapter 17

26 1 0
                                    

It feels like I'm not in my own body anymore and I'm in another universe floating. It feels like I could get lost forever in him. This man in front of me wants to kiss me.

In a flickering moment, I feel his lips on my forehead then on my right cheek.

Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko para salubungin ang tingin niya.

I thought he would kiss me?

Ngumiti siya habang marahan na hinahaplos ang pisngi ko.

"I'd like to kiss you without asking permission, but I can't..."

I couldn't control the flutter within, the lump in my throat, the violent heartbeat.

"I shouldn't..." He swallowed hard as his hand slightly squeezed the side of my waist. "I won't kiss you...I don't want to take advantage of you. Nililigawan pa lang kita. Pasensya ka na, nagpadalos ako sa damdamin ko." he parted to look at her.

I was ready for him! Iniwas ko ang tingin sa kanya. I know I am blushing! Kung ibang lalaki lang siguro ang gagawa ay tinuloy na pero si Oliver, hindi.

He stopped himself from kissing me because he thinks I don't want to, and we are not in a relationship to do that.

He is really a man. A respectful man.

Oliver still pinned me in his cold, and wet chest. Tiningala ko siya. It was good to see him up close.

He slightly bend down his head to me. "Sa susunod na hahalikan kita, hindi na kita tatanungin dahil alam kong sa akin ka,"

Inalis na niya ang pagkakahawak sa akin. Sinandal niya ang likuran niya sa 'di kalakihan na bato habang may gayak na ngiti sa labi niya, not breaking our eye contact.

I was about to talk to him but I felt my feet numb. Holy crap! Cramps attack me! Dahil siguro ay sa tagal na ng mga paa ko sa malamig na tubig.

Ngumiwi ang mukha ko.

Oliver looked down. He noticed it.

I bit my bottom lip, stopping myself to scream out loud because of pain.

Mabilis niya akong nilapitan. Binuhat ako sa mga bisig niya paalis sa tubig. Pinaupo ako nito sa ibabaw ng bato. Hinawakan niya ang kaliwang paa ko. Ang likod ng palad ng paa ko ay tinaas niya ng kaunti.

Mahina akong sumigaw sa sakit.

"Is it hurt too much?" he asked, while slowly rotating my feet in a circular motion. Minsan ay minamasahe niya ang binti ko.

"A little," sagot ko. Ang masaklap ay hindi pa ako makakatayo ng maayos. Ramdam ko pa rin ang bigat ng muscle cramp sa loob. Mga ilang minuto pa ang hihintayin ko bago mawala iyon.

Nanginginig na sa lamig ang labi ko.

Nakaramdam ako ng mainit na yakap mula sa kanya. Umupo si Oliver sa tabi ko. Ang init na nagmumula sa katawan niya ay sapat na para sa akin.

He was so warm...

"This...is, better..." bulong ko. Tahimik kong pinapanood ang pag-agos ng tubig sa batis. Sina Trotter at Trigger ay nagpapatuyo na lang. Siguro ay boring na rin sila at nalalamigan na. Kailangan na nila bumalik sa barn nila.

"Pipilitin ko na ako ang pipiliin mo, Laura. Hindi kita bibitawan, hindi kita susukuan, hindi rin kita bibiguin." aniya.

I smiled. Siguraduhin mo lang talaga Oliver dahil unti-unti na naman lumalambot ang puso ko na nangako noon na takot nang sumugal muli.

After a long minute of embracing each other's warmth, he carried me in a bridal style. I wrapped my hands around his neck.

Babalikan na lang daw niya ang dalawa 'pag nahatid na niya ako sa amin.

I was looking at him entirely while he carried me. Diretso ang tingin nito sa nilalakad namin. Tirik pa rin ang araw pero 'di iyon alintana para itigil ang paninitig sa kanya.

He suddenly stop his walk. Para itong nagulat sa nakita. Inalis ko ang tingin sa kanya at nilipat iyon sa harapan namin.

My eyes widened in fear.

"Bitawan mo ang anak ko," ani Daddy. Nang hindi ako binaba ni Oliver ay siya na ang nagpababa sa akin. Marahas niya akong hinila papunta sa likod. Hinawakan ako ni Mama sa braso.

"Dadd—" I gasped. He punched Oliver. Natumba si Oliver sa marumi at maputik na daan. "Oh, god! Daddy! Ano ba ang ginagawa mo?!"

Walang sabi na hinarap ako ni Daddy at hinila ako palayo kay Oliver. I looked at the back to see him watching me getting far away from him, wiping a small stain of blood on his side lips.

Maluha-luha ko siyang tiningnan.

Padarag akong binitawan ng mga magulang ko pagpasok pa lang sa loob ng mansion.

"Ang tigas din talaga ng ulo mo! Bakit ba hindi mo ako sinusunod, Laura, ha?!" galit na sigaw ni Daddy.

Nasa likod lang si Mommy, tinitingnan lang ako na pagalitan ako ni Daddy.

Pinigilan ko na tumulo ang luha ko. Bigla na lang ako naging emosyonal lalo na nung marahas niya akong inilayo kay Oliver.

"I am tired following all your orders, Daddy. For once naman, ang gusto ko naman ang susundin ko."

"Lalayuan mo ang lalaking iyon? O ikakaladkad kita papuntang airport at tumira ka na habangbuhay sa Switzerland? Mamili ka, Laura."

"Wala akong pipiliin," matapang kong sagot.

Dad's eyes became darkened when I said those words.

"Bakit ba? Galit na galit kayo sa kanya? Bakit, Ma, Pa?! Mabait siyang tao!" dagdag ko.

"Mabait?" mapait na natawa si Mama. "Nasasabi mo lang 'yan kasi nagpapakita kasi siya ng kabutihan sa'yo. Pero alam kong may masama pa siyang binabalak sa'yo."

Nanginig ang labi ko. Nakita ko si Kuya Jynx na kakababa pa lang galing sa taas. Tumakbo ako sa kanya dahil siya lang naman ang kakampi ko sa loob ng malaking mansion na ito. 

"Pinagkakaisahan nila ako, Kuya..." humikbi ako habang mahigpit siyang niyakap.

He patted my back. "Go to your room. I'll talk to them." Kuya said.

Inangat ko ang tingin sa kanya na may nakakaawang tingin. Isang maliit na ngiti ang pinakita niya sa akin.

"I'll grab one box of ice cream later to your room. For now, iwan mo muna kami para hindi lumaki ang gulong 'to, okay?"

I nod my head. "Sige, Kuya. I'll wait for you na lang sa kwarto."

Nilingon ko sina Mommy at Daddy na nakatingin sa direksyon namin. They are giving their fury eyes at me.

Ang sunod na sinabi ni Daddy ay siyang nag panginig sa mga tuhod ko at pinuno ng takot ang puso ko. 

"Sa susunod na makita kita na kasama mo ang lalaking iyon, bala na ng baril ang ipapatama ko sa mukha niya. Tandaan mo ang sinabi ko, Laura." ani Daddy at umalis.

Think of Laura ✔️Where stories live. Discover now