Chapter 7

42 4 0
                                    

"You can't force love, Oliver." hinawi ko ang kamay niya na nasa panga ko saka tumayo.

Magulo pa ang sitwasyon ko ngayon. Ayoko munang pumasok ulit sa isang relasyon na hindi naman sigurado. 

Tumayo na rin si Oliver. Nakita ko sa gilid ng mata ko na nilagay na niya ang panyo nito sa bulsa ng pantalon niya. 

Bakit ko naman iyon tatanggapin? Baka mamaya, may nilagay siyang gayuma sa panyo niya. Mas mabuti nang nag-iingat.

Naglakad ako pabalik sa field. Oliverio was not there. Nagkibit balikat na lang ako saka tamad na umupo sa grass.  I just feel exhausted. Naging kalmado ako dahil sa malamig na simoy na hangin kahit tirik si haring araw, ang maliliit na huni ng ibon  na malayang lumilipad sa kalangitan. 

Masarap siguro maging ibon? Tamang lipad ka lang sa langit, makikita mo lahat sa ibaba. Makakapunta ka pa sa iba't-ibang lugar...malayang-malaya sila. 

I felt Oliver's presence beside me. Tiningnan ko siya ng isang beses bago binalik muli ang tingin sa harap. Nakatukod ang dalawang kamay niya patalikod. Ako naman ay nag-indian seat na lang. 

"You're still beautiful even when you are crying," he chuckled. "Hindi ka ba uuwi? I bet, hinahanap ka na nila ngayon." 

"Kapag uuwi ako, paniguradong nandoon ang Kuya mo. Makulit 'yon, e. Tsaka kapag nakita nila 'to," pinakita ko ang galos sa siko ko. "Paniguradong sermon. Baka nga mag-over react pa yung dalawa na 'yon."  

My body stilled for a moment when his big, calloused hands reached out for my elbow. Gulat ko siyang tiningnan nang pinalibot niya ang panyo niya sa siko ko. Nang matapos ay umangat ang tingin niya sa akin. 

I got a weird but tickled feeling when his eyes stare at mine. 

"Matagal ko ng alam na niloloko ka niya, Laura."

Nalunok ko ang sariling laway. "Why didn't you tell me?" 

Marahan niyang binitawan ang siko ko saka bumalik sa posisyon niya kanina. 

"Ayokong makisawsaw. Baka isipin mo rin na sinisiraan ko lang kayo. Para kasing may galit ka sa akin , e," he chuckled a bit. "Maganda pa rin na sa kanya magsisimula, o ikaw mismo ang makakita. One time, natanong  ko sa'yo kung sigurado ka na ba kay Kuya Oliverio. Hindi ka nagdalawang isip na sumagot kaya hinayaan ko na lang, pero...gustong-gusto ko na sabihin iyon dahil naawa ako at masasaktan ka." 

I remained silent. Maski nga si Einy ay nataboy ko nang sabihin niya sa akin na niloloko ako ni Oliver. I just can't believe that Oliver can do that to me. Ang akala ko ay sapat na ang apat na taon na relasyon namin-I mean, commit na kami kaya malaki ang expectation ko na hindi niya ako magagawang lokohin. 

Pero ginawa niya pa rin. 

"Kuya has been into different women while he has a relationship with you. Ewan ko kung bakit niya nagagawa iyon. Sinabihan ko na siya noon na tumigil na siya pero natutuwa na raw siya makita na nagiging laruan niya ang mga babae." ani Oliver. 

"Pakisabi sa Kuya mo, tangina niya at gago siya. Gwapo lang naman ambag. Maliit naman bayag." 

"Your mouth, Laura." Oliver's deep voice said, almost like he is warning me. 

Tumaas ang kilay ko. 

"What? I am telling the truth, Oliver. Your Kuya is such an asshole. Someday, he will meet his karma and cries in regrets." mapait akong ngumiti. 

Hahayaan ko na lang muna ang sakit ngayon na mawala. Aabalahin ko na lang ang sarili ko sa ibang bagay katulad ng training ko saka sa darating na pasukan. 

Think of Laura ✔️Where stories live. Discover now