Chapter 29

75 4 0
                                    

"Here's your healthy daughter, Madam." the midwife happily smiled at me.

Maingat niyang tinabi ang sanggol sa ibabaw ng dibdib ko. Hindi ko hinawakan o binuhat man lang. Tahimik lang ako nakatingin sa itaas ng kisame. Exhausted from 5 hours of labor.

Now, here she is. A small figure is hugging me now. She is so light to carry. Ramdam ko sa kaloob-looban ko na kailangan ko siyang yakapin din. Ang lakas ng lukso ng dugo namin dalawa...pero bakit ganoon? There's a part of me that I don't want to carry her. Gusto ko lang siya makita. 

Kinuha ni Oliverio ang bata at siya na ang nagbuhat. "She's beautiful..." mahinahon bulong ni Oliverio. Hinalikan niya ang ulo ng bata. "You look like your mom..."

Nang makita na buhat niya ang anak ko ay agad akong nag-panic. My mind triggers quickly. Napaupo ako pero napangiwi nang maramdaman ang hapdi sa ibabang parte ko. Ang nars ay patuloy pa rin nililinis ang ibabang bahagi ko.

"Humiga ka-"

I gave him a glare, trying to reach out for my baby. "Don't you ever dare your dirty hands to my child..."

Oliverio's jaw clenched. "Anak ko rin 'to, Laura. Bakit? Masama bang buhatin ko ang anak natin? I will not harm her."

It shut my mouth off. Not harm her. I knew him too well. Baka saktan niya rin ang inosenteng bata dahil lang sa akin.

Bumaba ang tingin ko sa anak ko na nagsimulang umiyak. When I heard it, I panic again?

"Huwag mo siyang sasaktan," I whispered in air. "Oliverio! Huwag ang anak ko! Ako na lang ang saktan mo!" paulit-ulit ko 'yon sinigaw at pilit na bumangon pero may mabilis na mga kamay ang humawak sa magkabilang braso ko.

"Nurse," ani Oliverio. Nakita ko ang paglakad niya sa may veranda.

No! No! Baka ihulog niya ang bata! Ang lakas ng iyak ng anak ko. Kailangan ko siyang makuha at maprotektahan sa demonyo na 'yon!

Isang mahabang bagay ang tumusok sa braso ko bago ko maramdaman ang pagkahilo. Unti-unti nang dumilim ang paningin ko. Lagi na lang ba ganito ang matatamo ko sa tuwing inaatake ako ng panic? Hindi ko naman kasalanan na nagkaroon ako ng ganito. It was Oliverio's fault to make me feel like this.

The nurses will inject me midazolam to make me unconscious then I always wake up at night just to eat, take a bath, and to have a touch of life. Dapat ay hindi na lang sana pampatulog ang tinutusok nila sa akin. How I wish they would inject me a drug where I can sleep peacefully forever.

Pero ngayon, impossible. I have given birth to Euphrasia. She was such a good daughter.

"Wear something nice. Fix yourself. Bibisita sina Nanay at Ate Kathrine ngayon. " bungad na sabi ni Oliverio nang makapasok sa kwarto ko. Kasalukuyan kong hinehele si Euphrasia na inosente lang nakatingin sa akin, inaantok na.

Binigyan ko lang siyang tingin. Lumipad na ang isip ko nang marinig na pupunta ang pamilya niya dito.

Kasama kaya nila si Oliver?

Iyon lang ang nasa isip ko habang nagbibihis. Ang katulong muna ang nagbantay kay Euphrasia. Ayoko sana tumayo mula nung nakatulog na si Euphrasia sa mga bisig ko. Casual lang ang sinuot ko dahil wala rin naman ako maayos na damit. Mahabang palda na itim at isang puting t-shirt. Wala naman ako dapat pa pagbihisan ng magarbo, walang espesyal. Hinayaan kong bagsak ang buhok ko.

Tinakpan kong mabuti ang malalim na eyebags ko gamit ang press powder. Patapos pa lang ako maglagay ay bumukas na ang pintuan ng kwarto. Hindi ko na iyon nilingon dahil sa gilid pa lang ng mga mata ko ay si Oliverio 'yon.

Think of Laura ✔️Where stories live. Discover now