Chapter 18

31 1 0
                                    

I chew my lower lip while hearing them arguing downstairs. I cannot believe that Dad will say those dangerous words! Like, it was normal to him to say it!

Ang gulo na ng utak ko. Si Oliver! Kumusta na kaya siya? Malakas ang binigay na suntok ni Daddy sa kanya. Nakita ko pa mismo ang dugo na nasa gilid ng labi niya.

Should I call him? Or maybe a text na lang?

I let out a shaky breath. Sakto na bumukas ang pintuan. Si Kuya na may dalang pulang container ng ice cream.

Lumapit siya sa akin. Tumabi sa akin at naupo. Nilapag ang ice cream na pinaggitnaan namin dalawa.

Then he crossed his arms over his chest, not looking at me. His thoughts are somewhere.

"I don't understand them, Kuya! Bakit ba ayaw nila na maging malapit ako kay Oliver?" bungad ko sa kanya.

Tahimik lang ito nakatingin sa kawalan.

Pabiro kong binangga ang braso niya kaya nalipat niya ang tingin sa akin.

"You know the reasons? Sabihin mo na sa akin. Enlighten me." pagpupumilit ko.

"Hindi dapat ako ang nagsasabi sa'yo ng rason kung bakit ayaw nila na maging malapit ka kay Oliver. Sa kanila ka lumapit."

"Sa tingin ko naman ay hindi masamang tao si Oliver. He was a good man kaya."

"Oh... So, you like Oliver, princess?" Kuya Jnyx teased me.

"H-hindi kaya!" mabilis kong sagot. Tinaas ni Kuya ang kaliwang kilay nito, may mapanuyang ngisi. I deeply sighed and let out a little groan of irritation.

"Okay! Fine! H-he's cute, and I like his deep words, and his conservative actions..." humina ang boses ko sa dulo.

Naalala ko na naman ang pangyayari kanina. Mariin kong pinikit ang mata at iniling ang ulo para mawala ang scenario na iyon sa utak ko.

Tinigil ko ang pagbabasa nang kalabitin ako ni Klarisse, ngumunguya pa ng bubble gum. Nagkulay asul ang dila nito at ang inner lips niya.

"Why?" she's bothering me.

May itinuro siya sa pintuan. Nakita ko si Prof. Lortis na hinihintay ako lumabas. Sinarado ko ang book na binabasa ko which is about sa contemporary arts tsaka ako tumayo, naglakad palapit sa kanya.

"Yes, Prof?"

"Can we have a private talk?" Professor Lortis asked.

I nod my head. Sinarado ko ang pintuan ng room para mabawasan ang ingay na nagmumula roon.

"I'm so impressed by your performance in our first activity. Isa ka sa mga estudyante na sobra kong hinahangaan. Kaya ngayon, ikaw ang napili kong representative sa darating na Division Piano Contest sa susunod na linggo. Okay lang ba sa'yo? Kung hindi ay maari ko pa naman na palitan ang pangalan mo."

I shook my head. "It's fine with me. I'll gladly accept the opportunity to be the representative of our school. Kailangan ko po bang dumaan sa training?"

"Sa tingin ko naman ay bihasa ka na sa pagtugtog ng piano," aniya.

Tumango ako. Salamat naman kung ganoon. Ayoko rin mag-training lalo na't paulit-ulit lang naman ang tinuturo sa akin mula sa basics hanggang sa pro.

Baka ipahiya ko pa ang magtuturo sa akin.

Saglit na pag-uusap lamang iyon. Papasok na sana ako sa loob nang bumukas ang pinto. Niluwa ang dalawa at inakbayan ako ng sabay.

"W-Wait! Where are we going? May next class pa tayo!" singhal ko sa dalawa. Para na nila akong kinakaladkad habang akbay ako.

"Wala raw si Sir e. May meeting kaya free natin. Pero bukas, tatambakan niya tayo panigurado." ani Galvin.

Think of Laura ✔️Onde histórias criam vida. Descubra agora