Chapter 21

38 2 0
                                    

Nakisali pa ako sa laro nila na agawan pera raw ang tawag. Hinagis ni Ate Mabel ang matunog na barya sa mga bata.

Sumali ako dahil sumali din naman sa agawan si Oliver. Tres nga lang ang nakuha ko na binigay ko rin sa isang bata. 

Tili ako nang tili habang hinihigop ang flour paalis dahil sa may hahanapin akong 5 piso at ang reward nun ay 500 daw. Hinihila ako palagi sa mga laro nila. Wala naman ako magawa. It's not bad na rin for me dahil this is my first time to participate in their games. 

Hindi ako ang nanalo sa larong ihio-ihip na iyon. Sumuko ako agad nang mapasukan nang harina ang dalawang mata ko. Para akong bulag na naglalakad. 

Then a calloused hand hold my elbow softly. May basang tuwalya akong naramdaman sa mukha ko. 

I heard his chuckles. "Galing mo maghanap ah?" biro niya. "May nanigas pang laway sa gilid ng labi mo." at tumawa siya.

"Walang nakakatuwa, Oliver." saad ko. Kinuha ko ang tuwalya sa kanya at ako na ang nagpunas ng harina sa mukha ko.

Dinilat ko na ang mga mata ko nang wala na ito. Oliver was looking at me like he was stunned. He cleared his throat and looked away. 

"May iba pang laro? Game ka ba?" tanong niya. 

I rolled my eyes to him. "Kanina pa kaya ako sumasali, ikaw naman kaya! Tingin ka lang ng tingin e!"  

"Ang saya mo kayang panoorin na hirap na hirap sa laro," 

"Ah, basta! Time out muna ako sa pa-games niyo." Padabog kong binigay pabalik ang tuwalya sa kanya.

Inayos ko ang nagulong buhok. Isang pilyong ngisi ang huli niyang binigay sa akin bago siya naglakad papunta sa mga kamag-anak niya na may bago na naman palaro sa mga adults naman daw. 

"Laura? Pwede ba kita makausap?" 

Nilingon ko ang nagsalita sa kaliwang bahagi ko.

Si Mrs. Sandoval pala, may hawak na mansanas na may kagat na.

"Sure po." sagot ko. Tiningnan mo si Oliver na abala sa pagkain at sumasabay na sa ingay ng mga lalaking nag-iinuman sa loob ng bahay nila.

Naunang naglakad si Mrs. Sandoval. Sinundan ko lang siya. Ano kaya ang pag-uusapan namin? Bakit kailangan na umalis kami at magkaroon ng pribadong pag-uusap?

Siguro dahil sa hindi rin kami magkakaintindihan kung doon niya ako kakausapin?

Tanga-tanga lang, Laura?

Hanggang sa nakarating kami sa isang kwarto na walang pintuan pero may nakita akong maliit na bintana doon. May puting kutson sa kaliwa. Sa kanang bahagi ay isang mahabang upuan na gawa sa kahoy na sa tingin ko ay kasya ang tatlong tao. Ang simple lamang ng kwartong ito pero wala nga lang privacy kasi wala ngang pintuan. 

Kaninong kwarto ba ito? Bakit dito kami pumasok?

Ang dami ko namang tanong! 

Tumigil sa paglalakad si Mrs. Sandoval kaya napatigil na rin ako. Nasa kanang bahagi ko habang ako ay nasa kaliwa. May isang metro ang distansya namin. Kitang-kita ko ang mga bubong na dikit-dikit na bahay sa labas hindi katulad sa balcony ng kwarto ko ay purong puno na may matataas din balkonahe.

I saw people who were outside with a smile and full of laughter, include loud music too. 

That's different of my living to them.

"Sabi ko sa sarili ko noon, na kapag nakita ko ang anak nina Carson at Bridgitta ay bubuhusan ko ng tubig na mainit..." aniya. 

Nabaling ko ang tingin ko sa kanya nang magsalita siya. Kumagat siya ng mansanas na hawak niya kanina pa. Ngayon ko lang nakita ng malapitan ang mukha ng nanay ni Oliver. Ang kurba ng labi niya ang nakuha lang nina Oliver at Oliverio. I bet most of their features got from their father. Even though I haven't seen the face of Oliver's father. Her looks is intimidating for me, but I think she's open handed.

Think of Laura ✔️Where stories live. Discover now