Chapter 3

77 5 0
                                    

Sino ba siya sa inaakala niya? Sino ba siya para ganito siya makaasta?

Marahas akong nagpumiglas sa kanya. Binitawan naman niya ako.

Doon ako nakakuha ng pagkakataon na itulak siya sa inis at disgusto. 

Tiningnan ko pa si Mrs. Mylyn na malaki ang ngiti at napailing na lang ang ulo bago tumalikod para puntahan ang iba pang kabayo. 

Nilipat ko ang tingin kay Oliver na may ngisi pa rin sa labi niya. 

"You shouldn't kiss me, Oliver. I have a boyfriend already, Ayokong magkaroon ng kasalanan sa kasintahan ko. Saka masyado ka 'atang over the line? Feeling close ka rin e?" mataray kong sabi. 

"May kasintahan ka na pala? Hindi halata," mapanuyang tugon niya. "Okay, I'm sorry kung masyado akong mabilis...at natakot 'ata kita. Ang akala ko lang kasi ay pwede, hindi na pala." naging mahina ang boses nito sa dulo ng pananalita niya. 

Hindi na ako nagsalita pa. His deep stares are still on me. Dahil sa nakaramdam ako ng hindi magandang pakiramdam sa paninitig niya ay tumalikod na ako.

Ewan ko, mayroon talagang kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag. 

Parang may kinukuha siya sa akin na dapat kong ipagdamot.  

Sa paglalakad ko ay saktong pagpasok ni Oliverio sa house barn. Lahat ng inis at pagdadalawang isip ay naglaho nang makita ko siya. 

"Babe!" I ran towards him and hugged him. I wrapped around my legs to his waist.

He carries my weight perfectly. I kissed every inch of his face that made him laugh.

"It's nice to see you again." I whispered and kissed his lips. 

"Ang dami ko namang halik na natanggap mula sa kasintahan kong ubod ng ganda." aniya. 

Naikot ko ang mata dahil sa pagbobola nito.

Hahalikan ko pa sana siya pero may biglang tumikhim na ikinatingin ko sa gawi ni Oliver na mariin ang titig sa akin.

Palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Oliverio. Maingat akong ibinaba ni Oliverio bago hinawakan ang kanang kamay ko at naglakad palapit kay Oliver. 

"Oli! Glad you're back, bro!" Kilala ba nila ang isa't-isa?

Magkatunog pangalan pa silang dalawa. Oliverio and Oliver, grabe talaga. Dinagdagan lang ng dalawang letters yung name ng boyfriend ko.

Nakakabaliw naman ito. 

Oliverio glanced at me for a moment and smiled.  "I want you to meet my girlfriend, Oli. This is Laura, and Laura, this is Oliver, my little brother." pagpapakilala ni Oliverio. Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. 

What?! Magkapatid sila?! 

Nakurap-kurap ko ang mata dahil sa gulat. 

"Wow. Wow...what a fucking coincidence?" matabang na tugon ni Oliver. Gusto kong siyang sang-ayunan sa sinabi nito pero hindi ko ang alam na dapat sabihin.

Hindi ko rin mabuka ang bibig ko para magsalita. 

Hindi ko napansin na same black almond eyes ang dalawa. Ngayon lang talaga nagsi-sink-in sa utak ko na may pagkakahalintulad ang dalawa.

Ang pinagkaiba lang nila ay ang aura nila. Si Oliverio kasi, ramdam mo na palangiti at palakaibigan siya pero ang hinayupak na lalaki na nagngangalang Oliver ay maldito talaga.

Nasabi naman sa akin ni Oliverio na may mga kapatid siya. Isang ate at may isa siyang nakababatang kapatid na nasa Maynila raw.

Ang problema ay hindi ko nakita noon pa man ang kanilang mukha kaya wala akong ideya na nagtapo na pala ang landas ko sa dalawang kapatid ng kasintahan ko. 

Think of Laura ✔️Where stories live. Discover now