Chapter 13

38 1 0
                                    

At saan naman kami pupunta? Tsaka sasamahan ko ba siya? Baka anong masamng balak ang gawin niya sa akin. Pero...I've been with him for a few weeks, and all I could say is he is well-mannered yet stubborn and has a bit of a childish attitude. 

Nakita ko siya na tulalang nakatingin sa kawalan. Nakapamulsa pa siya. Katabi niya ang bisikleta nito na pamilyar sa akin. 

Bumuga ako ng marahas na hininga bago naglakad palapit sa kanya. 

Nang maramdaman niya ang presensya ko ay lumipat ang tingin niya sa akin. Saglit na nanlaki ang mata niya pero mabilis na napalitan ito ng kagalakan nang ipakita niya sa akin ang ngiti niya.

I stopped for a moment when I saw his smile. It's like...his smile is contagious. 

"Sakay na," 

"Sabihin mo muna sa akin kung saan tayo pupunta?" 

He smirked. "Balak ko nga na i-surprise e." Kinamot pa niya ang likod ng ulo niya. 

"Wala akong pakialam sa pa-surprise mo. Safety ko ang uunahin ko rito. Kung ayaw mo sabihin e di hindi ako sasama sa'yo. Tapos ang usapan." mataray kong sabi. 

"Sa arcade kita dadalhin. Dapat talaga ako lang, kaso naisip ko na bakit hindi ka isama, kasama na rin sa pangliligaw ko. Lahat libre ko na rin." 

Nanliit ang mata ko. Arcade? I haven't been to the arcade in a long time. Tiningnan ko ang kalangitan. Papalubog na ang araw, ilang oras na lang ay magdidilim na ito. 

Hindi kaya na delikado kapag sumama ako sa kanya? Paano ko ba siya tatanggihan? Saka baka kapag sumama ako ay sermon ang abot kila Mommy and Daddy pag-uwi ko. 

I bit my bottom lip, hesitating to speak. 

Tumikhim si Oliver na ikinaagaw ng atensyon ko. 

"Inaalala mo na naman ba ang mga magulang mo?" sinsiridad niyang tanong. 

"Yeah. Siguro next tim-"

"For once, Laura, think about your freedom...huwag mo masyado idepende ang lahat ng mga bagay sa mga magulang mo, o sa ibang tao. Isipin mo rin ang pagiging malaya mo. At saka, hindi ka na grounded 'di ba?" 

Nagsalubong ang kilay ko at tiningnan siya ng puno ng pagtataka. "Paano mo naman nalaman?" 

"Kuya Oliverio's told me before the day of your break up," aniya. "Pero, kung ayaw mo talaga na sumama sa akin...it's okay. Siguro sa susunod, papayag ka na ng walang pag-aalinlangan."

Ewan ko pero nang sabihin niya iyon ay ramdam ko na nadismaya ko siya, na parang naging kasalanan ko pa na ayaw kong sumama sa kanya. 

I closed my eyes and let out a deep sigh, and after calming myself, I slowly nod my head. 

"Payag ka?" Oliver asked, his eyes spark in excitement. 

"Huwag lang tayo gabihin," banta ko. Bigla itong malakas na pumalakpak at tinuro ang upuan na inupuan ko nung unang sakay ko sa bisikleta niya. Patagilid akong umupo dahil naka-skirt ako. Ayaw ko naman na masilipan. 

Sumunod si Oliver. 

"Promise, I'll make this day memorable for both of us," he said then he starts pedaling. Maliit akong napangisi sa likuran niya. 

Siguraduhin mo lang talaga na memorable 'to...

Humawak na ako sa malapad nitong braso upang hindi mahulog. Nilingon pa nga niya ako nang maramdaman niya na humihigpit ang kapit ko sa kanya sa tuwing dumadaan kami sa highway at kailangan niyang bilisan ang pag-pedal. 

Think of Laura ✔️Where stories live. Discover now