Chapter 2

40.4K 1.1K 694
                                    

NAKAILANG balikwas na si Rica mula sa pagkakahiga niya sa kama pero hanggang sa magmadaling-araw na ay hindi pa rin siya makatulog ng maayos. Siguro ay dahil sa namamahay pa siya sa condo unit ni Sage.

Nasa restaurant ngayon ang kanyang nobyo na busy sa pagmamanage ng business nito. 24/7 kasing bukas ang restaurant na pinagtatrabauhan niya na kung saan ay si Sage ang nagmamay-ari nun.

Gustuhin man niyang magtrabaho sa restaurant ay hindi na niya iyon magawa dahil pinatigil na siya ni Sage na magtrabaho doon. Nakakasama raw kasi sa kanyang buntis na mapagod at baka raw magkaroon pa ng komplikasyon ang panganganak niya sa huli.

Dahil first time naman niyang mabuntis at magiging mommy ay natakot rin siya doon kaya sinunod nalang niya ang sinabi ni Sage na magpahinga at kumain raw siya ng marami para sa kalusugan nila ni baby.

Bigla ay nakaramdam siya ng uhaw kaya bumangon siya sa pagkakahiga niya sa kama at tinignan ang loob ng ref ni Sage. May mga lalagyan nga ng tubig doon pero wala namang laman. Kahit ang ref ni Sage ay walang laman ni isa.

Naalala pala niya na hindi na nakapag-grocery pa ang nobyo dahil busy ito palagi sa trabaho at kanina ay kaagad pa siyang pinuntahan sa bahay nilang nasunog ng lola niya. Mamayang umaga raw ay mag-gogrocery sila ni Sage, bibili ng mga kakailanganin niya at ni baby at magpapacheck-up na rin sila sa isang Obstetrician. Wala na talagang mahihiling pa si Rica dahil sapat na si Sage sa kanya. Isa itong mabait na nobyo at responsableng ama sa kanilang magiging anak.

Naisipan nalang ni Rica na lumabas mula sa kwarto ni Sage at magtungo sa kusina ng condo unit nito. Panatag naman ang loob niya na tulog na ang mga kaibigan ni Sage sa ganitong oras at hindi siya makikita ng mga ito.

Pagkaapak palang ni Rica sa may bandang kusina ay muntik na siyang mapatalon sa gulat nang makita ang isang half naked na lalake na umiinom ng tubig sa hawak nitong baso. Katulad ng mga kaibigan ni Sage na sina Ran at Yruma ay gwapo at matangkad rin ang binatang nakikita niya ngayon. Moreno ito at may magandang pangangatawan. Hindi ito gaanong bulky pero masasabing malakas ang karisma at hatak nito sa mga kababaihan.

Nang matapos uminom ng tubig ang lalake ay napatingin ito kay Rica. Tila nagulat rin ito nang makita ang dalaga at napaawang pa ang bibig.

"Who are you?" tanong ng lalake kay Rica.

Nahihiya namang ngumiti si Rica sa lalake. Kaibigan rin siguro ito ni Sage na nakatira sa condo unit niya. Ang sabi kasi ni Sage sa kanya ay apat na kaibigan nito ang pansamantalang naglalagi sa condo unit niya at ang dalawa ay hindi pa niya nakikita. Malamang ay isa ito sa hindi pa niya nakikita na kaibigan ni Sage.

"Ah, ako nga pala si Rica. Girlfriend ako ni Sage at dito muna ako titira sa condo niya." mahinang sambit ni Rica na ikinatahimik sandali ng lalake habang nakatingin pa rin sa kanya at tila'y sinusuri siya.

Makalipas ng ilang segundo ay ngumiti ang lalake sa kanya at sumandal ito sa handler ng ref.

"I see. Ikaw pala 'yung girlfriend ni Sage na ikinikwento niya sa amin and I heard na buntis ka raw. Am I right?" tanong pa nito.

Tumango naman doon si Rica na ikinangiti lang ng lalake. "I'm Wenhan. Kaibigan at kababata rin ako ni Sage and we're at the same age. Nice to meet you, Rica." pagpapakilala nito kay Rica.

Katulad ni Ran ay mukhang mabait naman itong si Wenhan kaya napanatag na doon ang loob ni Rica. "Ikinagagalak ko ring makilala ka, Wenhan." sagot ni Rica sa binata at nginitian ito.

"Feel at home lang dito, ha? Kung tutuusin, ikaw ang mas may karapatan sa condo unit ni Sage at nakikisabit lang naman kaming mga bestfriend niya dito." nakangiting sabi ni Wenhan at natawa ito ng mahina.

Wished One, But Got Five (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now