Chapter 15

29.5K 970 463
                                    

HINDI pa rin makapaniwala si Wenhan na naisama nga ni Ran sina Zian at Yruma sa bakasyon nila ngayon sa Coron, Palawan. Nagleave ng tatlong araw ang magkaibigan para lang sundin ang pabor ni Ran sa kanila.

Para makasama rin sa bakasyon si Rica ay sumama na rin sa kanila ang kaibigan nitong si Emily at ang boyfriend nitong si Maru na may-ari ng flower shop na pinagtatrabauhan ni Rica. Nagleave rin ng tatlong araw ang mga ito sa klase nila katulad ni Yruma at hindi na alam ni Ran ang idinahilan ng mga ito makasama lang sa bakasyon nila. Nakapalagayan naman nila ng loob ang dalawang magkasintahan dahil mababait naman ang mga ito pero siya ay hindi niya maintindihan ang inis na nararamdaman niya kay Maru.

Nasa dagat sila ngayon at abala sa pagsi-swimming ang mga kasama nila. Nakatanaw lang naman si Ran habang naninigarilyo sa kinaroroonan nina Rica at Emily na tumatawa-tawa pa at nagkukulitan habang lumalangoy sa dagat.

Hindi niya mapigilang humanga sa ganda ni Rica maging pati na rin sa ganda ng katawan nito sa suot na two piece red bikini. Pinilit lang ito kanina ni Emily na isuot iyon dahil alangan naman raw na magsuot sila ng pajama sa beach. Hindi raw sanay magsuot ng revealing na damit si Rica na napapansin naman ni Ran. Simple lang kasi kung manamit ito at medyo conservative pa.

"She's gorgeous, right?"

Biglang sumulpot sa tabi ni Ran si Wenhan at umupo ito katabi niya habang tinitignan rin sina Rica at Emily na lumalangoy sa dagat.

"Gorgeous is a right term for her beauty." nakangiting sabi ni Ran.

Bigla ay inginuso ni Wenhan ang pwesto nina Yruma at iyong si Maru na nahuli pa nilang tinatanaw sina Rica at ang nobya nito. Abala sa pag-iihaw ng isda at karne ang dalawang lalake. Hindi nila alam kung nasaan sina Zian at Sage pero baka nasa resthouse lang ang mga ito o 'di kaya'y naglibot lang sa kabuuan ng beach resort dito sa Coron.

"Kanina ko pa napapansin sa Maru na 'yan na pasimple niyang tinitignan si Rica. Imbes na sa girlfriend niya nakabaling ang atensyon niya, sa nakikita ko ay hindi." Wenhan shook his head.

"And what does it mean?" tanong naman ni Ran.

Wenhan shrugged. "I don't know. I don't want to jump a conclusion. Naobserbahan ko lang naman." tinapik nito ang balikat ni Ran. "I need to swim now to enjoy our 3 days only vacation. Sumunod ka nalang sa akin kung gusto mo." he said na ikinatango nalang ni Ran hanggang sa lumusong na rin si Wenhan sa dagat.

Muling lumingon si Ran sa pwesto nina Yruma at Maru. Pinagmasdan niya si Maru at nahuli siya nitong nakatingin sa kanya. Si Maru ang unang nagbawi ng tingin sa kanila na tila napahiya nang mahuli niyang nakamasid ito kay Rica.

Ran clenched his jaw at itinapon na sa buhanginan ang hinihithit niyang sigarilyo. Napagdesisyunan niya na ring maligo sa dagat at samahan si Wenhan kasama sina Rica at Emily doon. Natapos na ring mag-ihaw sina Yruma at Maru at handa na raw ang mga pagkain nila para makakain na sila ng lunch.

Sabay-sabay silang kumain sa kubo na nirentahan pa nila. Habang kumakain sila ay hindi na naman maiwasan ni Ran na sipatin ang buong katawan ni Rica. Maging pati na rin si Wenhan na patay-malisyang umiinom ng hawak nitong soda at si Yruma naman na tahimik na naghihimay ng kinakaing hipon.

"Salamat talaga sa inyo at hindi niyo pinapabayaan 'tong kaibigan ko. Lubos na siguro niya kayong pinagkakatiwalaan kaya hindi na siya nagdududa pa sa inyo." nakangiting pasasalamat ni Emily sa tatlong magkakaibigan sa kabutihang pagmamalasakit ng mga ito kay Rica.

"No problem. We know how much Rica suffered from our jerk friend kaya babantayan at aalagaan namin siya habang nakatira siya sa condo unit." Wenhan said while smiling too.

"Mabuti nalang talaga at iba kayo kumpara kay Sage. Hindi ako makapaniwalang magagawa niya ang mga bagay na 'yon kay Rica sa loob ng isang taon namin siyang nakilala ni Maru." malungkot na sabi ni Emily at malamlam nitong tinignan si Rica na tahimik lang na kumakain sa tabi niya.

Wished One, But Got Five (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon