Chapter 12

27.2K 1K 826
                                    

NANG makauwi na sina Rica at Yruma sa condo unit ni Sage ay naabutan nila sa sala sina Sage, Wenhan at Ran na nakaupo sa sofa at parang may importanteng pinag-uusapan. Lumingon naman sila sa pinanggagalingan nila Rica at Yruma.

Kaagad umiwas ng tingin si Sage sa dalawa at patay malisya nitong ininom ang hawak niyang soda in can. Si Wenhan ay nakangiti sa mga ito habang si Ran naman ay seryoso lang na nakatingin sa kanila.

"Nandito na pala kayo. Kumusta na nga pala ang first day of work mo, Rica?" nakangiting tanong ni Wenhan kay Rica.

"Ayos naman, hindi ako gaanong nahirapan sa trabaho ko." sagot ni Rica at nginitian rin nito si Wenhan.

"That's good. If you want another job, I can refer you to our company. Even if you're not a college graduated ay marami naman akong paraan para makuha ka sa trabaho." suhestiyon ni Wenhan.

"Salamat, Wenhan pero ayos na rin sa akin ang trabaho ko sa flower shop. Nakakahiya naman na magpapasok ka ng undergraduate sa kompanya niyo. Huwag kang mag-alala sa akin, kaya ko ang sarili ko." sabi ni Rica at nang mapatingin siya kay Sage ay nahuli niya itong nakatingin sa kanya na kaagad ring umiwas ng tingin.

"Ikaw ang bahala. Nga pala, kumain na ba kayo ni Yruma? I cooked a dinner for us since maaga akong natapos sa trabaho ko. Let's eat together." paanyaya ni Wenhan sa kanila.

Dahil hindi pa kumakain ng dinner sina Rica at Yruma ay tinanggap na nila ang paanyaya sa kanila ni Wenhan. Hindi pa nakakakain ang tatlong lalake dahil hinihintay raw sila ng mga ito para sabay-sabay na silang kumain.

Napansin ni Rica na kanina pa tahimik si Ran na hindi naman ganoon ang personalidad sa pagkakakilala niya rito. Palasalita kasi ito at palaging energetic. Tahimik lang itong kumakain sa tabi ni Sage na makailang-ulit niyang nahuhuling nakatingin sa kanya.

Ipinagpapasalamat naman niyang umaakto nang normal ngayon si Sage hindi katulad noong nalalasing ito at nakakapagsalita ng mga masasakit sa kanya. Kailangan nalang niyang tanggapin ang pagkawala ng anak nila at ang hindi magandang sinapit nang relasyon nila.

Pinapatawad na rin niya ito sa kamuntikan na nitong pananamantala sa kanya. Palalampasin niya iyon alang-alang sa dati nilang pinagsamahan at sa mga matalik nitong kaibigan pero kapag naulit pa iyon ay walang pag-aalinlangan na siyang aalis sa condo unit ng binata.

"Palagi nalang talagang wala si Zian dito at hindi natin siya makabonding. Workaholic talaga ang isang 'yon!" umiiling na sabi ni Wenhan. Ito lang ang kanina pa nagsasalita sa kanilang lima dahil hindi naman sila kumikibo.

"He's going to be a CEO of their company that's why the pressure brought him," sabi naman ni Sage na abala sa kinakain nito.

"Ahuh? I can't handle being a CEO in our company right now. Mas ayos na sa akin ngayong tauhan lang ako nina Mom at Dad but I know that someday ay magiging CEO na rin ako because my sisters doesn't have any heart for working in our company." sabi ni Wenhan at bumuntong-hininga ito.

Ang mga kasamang lalake ngayon ni Rica ay mga anak mayaman at may sari-sariling kompanya ang pamilya ng mga ito. Alam niyang hindi siya nababagay na kasama ng mga ito pero sa kabila nang lahat nang iyon ay pinahalagahan at itinuring na rin siyang parang isang nakababatang kapatid nila Zian, Wenhan, Ran at Yruma.

"You can do it, Wenhan. Ikaw pa?" ngumiti si Sage kay Wenhan at doon ay nakita ulit ni Rica ang lalakeng una niyang minahal.

Nararamdaman naman niyang may pagtingin pa rin siya kay Sage pero tila nabawasan na iyon simula nang makunan siya at mawalan sila ng anak. Alam niyang mahal siya ni Sage pero nakikita niya na may pagka-immature pala ito at mukhang hindi pa handa sa buhay mag-asawa. Nakipaghiwalay siya sa lalake dahil sa tingin niya ay mas makabubuti na muna iyon para sa kanilang dalawa.

Wished One, But Got Five (Published under PSICOM)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt