Chapter 5

34.3K 1.1K 1K
                                    

WENHAN explained everything about what happened to Rica. Tahimik lang naman na nakikinig si Zian sa paliwanag niya. Pagkatapos magpaliwanag ni Wenhan ay walang imik pa rin si Zian doon. Sinulyapan lang nito si Rica na nakaratay sa hospital bed na walang malay at may mga nakakabit na swero sa iba't-ibang bahagi ng katawan nito.

"Where's Sage?" Zian finally speak.

"Naiwan sa condo unit niya." sagot naman ni Wenhan at bumuntong-hininga ito.

Zian hates the fact that Sage let Rica to stay with their bestfriends in one place. Hindi nga naman kasi maganda na may babaeng tumutuloy sa isang lugar na kasama ang mga lalake but he can't blame Sage for doing that dahil si Sage naman ang may-ari ng condo unit na tinutuluyan nila at base sa ikwinento na rin ni Wenhan ay nasunugan at namatayan pa ng mahal sa buhay ang babaeng ito na kasama nila ngayon.

Zian looks intently to unconscious Rica. He is not hypocrite to tell that this woman is beyond beautiful. Halatang-halata ang pagiging banyaga nito dahil sa maputing balat ng dalaga at brunette na buhok. Plus her blue-grayish eyes na nasilayan niya kanina bago pa man mawalan ng malay ng ito. No wonder that Sage fell in love with this girl. She looks shy and fragile too, iyong tipong modernong Maria Clara.

Tinignan naman ni Zian si Ran na tahimik lang na nakaupo sa tabi ni Wenhan. Hindi ito nagsasalita mula pa kanina. He can see the hatred and madness in Ran's eyes. Ngayon lang niya nakitang ganito magalit si Ran dahil masayahin at palangiti itong tao.

Rica's baby is gone. Nalaglag ang anak nila ni Sage nang matumba at humandusay si Rica sa hagdanan na nadatnan niya kanina. Hindi pa alam ni Sage ang tungkol dito at kapag nalaman nito ang nangyari kay Rica ay paniguradong masasaktan ang lalake at sisisihin nito ang sarili kung bakit nawala ang anghel sa buhay nila ng nobya.

"Call Sage to inform that their baby is gone." seryosong sabi ni Zian kay Ran.

Tumingin naman si Ran kay Zian at masama pa rin ang timpla ng mukha nito. "Hindi ko tatawagan ang gagong 'yon! Nang dahil sa kanya ay nalaglag ang bata sa sinapupunan ni Rica. Baka kapag nagpang-abot lang kami ay mabugbog ko pa siya. Kayo nalang ang tumawag sa kanya. I need to get out of here habang may kontrol pa ako sa sarili ko." matigas na sabi nito at nagmadali na itong lumabas sa confine room ni Rica.

Napailing nalang doon si Zian habang si Wenhan naman ay nagpakawala ulit ng malalim na buntong-hininga.

"Ako na ang tatawag kay Sage." pagsuko ni Zian dahil mukhang wala ring balak tawagan ni Wenhan si Sage. Halata rin ang galit nito ngayon sa kaibigan nila nang dahil sa nangyari kay Rica.

Zian called Sage na kaagad sinagot ng binata. He said na nalaglag ang baby sa sinapupunan ni Rica dahil natumba ito sa may hagdanan ng condo building. He heard how Sage sobbed on the other line. Sinabi ni Zian ang pangalan ng ospital at room number kung saan nakaconfine si Rica and he hanged up the phone after.

"Pupunta na ngayon si Sage dito. Do you want to stay here?" Zian concernly asked to Wenhan na nakayuko at makailang ulit na pumikit. He looks exhausted.

Really? Nang dahil sa nobya ni Sage ay nagkakaganito ang mga kaibigan niya?

"Lalabas muna ako. Baka kung ano lang rin ang magawa ko kapag nakita ko ang cheater na 'yon. Babalik nalang ako dito mamaya. I need coffee to relax myself." Wenhan said saka ito tumayo mula sa kinauupuan niya at umalis na rin.

"Tsk!" tanging nasabi nalang ni Zian. He looked once again at Rica.

"How can you do this to my friends, woman? What's with you?" Zian whispered to himself.

Makalipas lang ng kalahating oras ay dumating na rin si Sage sa ospital. Lumuhod ito sa tabi ng hospital bed kung saan nakaratay pa rin ang walang malay na si Rica at ilang beses nitong hinalikan ang palad ng dalaga.

Wished One, But Got Five (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now