Chapter 8

29.3K 1.1K 1K
                                    

KAKAUWI lang ni Yruma galing sa klase sa unibersidad na pinapasukan niya at naabutan naman niya si Sage na umiinom ng alak sa sala ng condo unit nito.

"It's only an afternoon pero binubusog mo na 'yang sarili mo sa alak." sabi ni Yruma saka ito umupo sa tabi ni Sage at inilapag ang sukbit niyang bag sa gilid ng inuupuan nila.

"I need to drink to ease this pain in my heart. Rica broke-up with me. I'm alone again!" tumatawang sabi ni Sage at iniangat pa nito sa ere ang hawak niyang bote ng beer.

"Because it's your fault. Magpasalamat ka pa nga dahil mas pinili nalang niyang magstay dito sa condo unit mo dahil wala na siyang mapupuntahan." Yruma sighed and crossed his arms.

"Yes! I'm happy because she's still here pero hindi ko na siya mahahalikan at mayayakap pa dahil wala na kami!" Sage looks wasted right now na mas lalo pang ikinailing ni Yruma.

Kagabi pa ito lasing at ngayon ay nagpapakalasing na naman. Yruma can't blame him tho. Sage truly loves Rica pero nasaktan niya ang damdamin nito at nawalan pa sila ng anak. Hindi na maibabalik pa ang dati sa kanila at na kay Rica lang ang desisyon kung gusto pa ba niyang magkaayos pa sila ni Sage o hindi na.

Yruma feel that something's aching in his inner system right now nang maisip iyon. He shook his head to erase his thoughts at saka na ito tumayo sa tabi ni Sage at kinuha ang bag niya sa gilid ng sofa.

He was about to leave nang biglang magsalita si Sage.

"I hope na hindi mahulog ang loob niyo kay Rica. Pinagkakatiwalaan ko kayong apat, Yruma and don't break my trust or else hinding-hindi ko kayo palalampasin." Sage said with his warning tone.

Sandali namang natigilan doon si Yruma. Hindi rin siya makaisip ng tamang sasabihin sa banta sa kanya ni Sage na para na rin sa tatlo pa nilang mga matalik na kaibigan.

Nagpatuloy nalang siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa kwartong tinutuluyan niya.

He sighed at naupo ito sa edge ng kama niya.

"I don't know, Sage. I don't know."

Ngayon ay nasa condo unit ni Trevor si Rica. Nilibot ni Rica ng tingin ang kabubuan ng condo unit ng binata at mas maliit ito ng kaunti kumpara sa condo unit ni Sage. Kung sa bagay ay nakatira doon ang iba pa nitong mga kaibigan kaya kailangan nito ng malaking space sa loob samantalang si Trevor naman ay mukhang mag-isa lang na nakatira sa condo unit niya.

"B-bakit mo ba ako dinala dito?" tanong ni Rica kay Trevor. May kaba pa rin siyang nararamdaman dito dahil baka mamaya ay may kung ano itong gawin sa kanya gayong ayaw na ayaw sa kanya nito.

Alam niyang malaki ang galit sa kanya ng binata kaya hindi niya kayang magtiwala dito.

Tumawa naman ng mahina si Trevor saka ito umupo sa isang single couch na kaharap lang sa inuupuang couch ni Rica.

"Alam ba ni Sage na nag-apply ka ng trabaho sa flower shop nila Maru?" tanong nito.

Tumango si Rica. "Alam niya 'yon at wala na rin siyang pakialam pa sa ginagawa ko dahil hiwalay na kami." sagot niya.

"Then why you're still living in his condo unit? Hindi ba't parang ang akward naman na nakikita at nakakasama mo pa rin 'yong taong nagcheat sa'yo at naging dahilan para makunan ka at mawalan ng anak?" sabi ni Trevor at tinaasan nito ng kilay si Rica na biglang natahimik sa sinabi niya.

Trevor hates Rica. Hindi niya matanggap na minahal nito ang kapatid niyang walang ibang ginawa kundi ang kunin at agawin sa kanya ang lahat ng gusto niya. Sage is not a saint at all but he's acting like a one while Trevor is expressing his true self to everybody.

Wished One, But Got Five (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now