Chapter 3

34.2K 1.2K 1.9K
                                    

SAGE couldn't help but to think his ex-girlfriend who visited him earlier in his restaurant. Masaya na siya kasama ang kanyang nobya na si Rica, magpapakasal na rin sila at magkakaanak na. Everything is perfect until his ex-girlfriend Krissy said that she still loves him at umaasa pa itong magkakabalikan sila.

Krissy was his first girlfriend. Tumagal rin ng tatlong taon ang relasyon nila hanggang sa maghiwalay sila noong mag 4th year high school sila dahil titira na sa London, England ang dating nobya at doon na ipagpapatuloy ang pag-aaral nito.

LDR didn't work for them dahil makalipas lang ng isang buwan simula nang tumira sa England si Krissy kasama ang pamilya nito ay nakipaghiwalay na ito sa kanya dahil hindi na rin siya nito magawang kontakin palagi at i-update siya sa mga nangyayari sa buhay nito sa England.

Masakit man pero binitawan na ni Sage si Krissy. Krissy was his first love, his first kiss, first experience and he's already thinking about their future pero nang dahil sa hindi sumang-ayon ang kapalaran sa kanila ay nasayang ang tatlong taon nilang relasyon hanggang sa nakipaghiwalay na si Krissy sa kanya.

He is her first heartbreak kaya nang maghiwalay sila ay hindi na muli pang sumubok sa isang relasyon si Sage hanggang sa makilala niya ang maganda at mabait na empleyado sa restaurant niya na si Rica.

Rica is not an easy-to-get girl. Makailang beses niyang sinuyo ang dalaga para lang maging nobya niya ito. Who wouldn't like Rica Kyla Pillada? Kahit ang mga lalake niyang empleyado sa restaurant na pagmamay-ari niya ay lantarang nagpapakita ng interes at pagkagusto kay Rica.

Rica is the most beautiful woman he'd ever seen. Maganda naman ang dati niyang nobya na si Krissy ngunit kayang-kaya itong higitan ni Rica. Rica doesn't look from a poor family at all because of her american features and blue-grayish eyes. He did everything his best to prove how much he likes Rica.

Bago pa man mamatay si Lola Pacita ay nag-usap na rin sila nito at nangako siya na aalagaan at poprotektahan niya si Rica habang nobya niya ito. Rica didn't like him at first dahil nga sa katayuan ng buhay nila. Mabuti nalang at sa huli ay sinagot na siya ng dalaga at dahil sa hindi rin naman tumitingin sa estado ng buhay ang mga magulang niya ay buong puso nilang tinanggap si Rica na magiging future daughter-in-law na nila.

Sage's mother comes also from a poor family at nagsikap lang ito sa maliit nitong
business noon na restaurants at cafe shops para umangat sa buhay habang ang kanyang ama naman na si Sergio Dela Vega ay nagmula na talaga sa mayamang angkan ng mga Dela Vega.

He loves Rica but he's still confuse about his feelings for his ex-girlfriend, Krissy. Wala naman kasi silang naging proper closure ni Krissy nang maghiwalay sila. Kumbaga naputol ang relasyon nila na may kaunti pa rin siyang sama ng loob sa babae.

Ngayong nagpakita ito sa kanya ay hindi niya maitatangging namiss niya ito. Mas lalo itong gumanda, sumexy at tumangkad sa mahigit anim na taon nilang hindi pagkikita.

Napailing nalang si Sage at saka nito tinungga ang bote ng beer na kanina pa niya iniinom sa loob ng bar na pinuntahan niya ngayon.

"Woah! What are you doing here, my brother?"

Napalingon si Sage sa biglang nagsalita at ang troublemaker at black sheep ng pamilya nila na si Trevor ang bumungad sa kanya. Umupo ito sa bakanteng upuan na malapit lang sa kanya at nginitian siya nito.

Hindi pinansin ni Sage ang nakatatandang kapatid at nagpatuloy lang ito sa pag-inom niya.

"Don't tell me, nag-away kayo ng girlfriend mo? Hmm.." banggit ni Trevor nang hindi siya umimik.

Kasundo naman ni Sage ang kapatid ngunit hindi ito makasundo ng mga magulang nila. Nagrerebelde kasi ito at walang ibang ginawa kundi ang gumimik at makipag basag-ulo lang sa kung kani-kanino. Hindi kasi sila nagabayan ng tama ng mga magulang nilang palagi nalang abala sa trabaho at business trips ng mga ito. Sila lang dalawa ni Trevor ang halos magkasama sa buhay kaya malapit talaga silang magkapatid.

Wished One, But Got Five (Published under PSICOM)Место, где живут истории. Откройте их для себя