Chapter 10

33K 1K 520
                                    

GUSTO nang sugurin ni Ran si Sage sa loob ng kwarto nito pero pinipigilan lang siya nina Wenhan at Zian. Hindi siya makapaniwalang magagawa iyon ni Sage sa dating nobya at hindi rin niya inaasahan na nagkakaganoon ang matalik niyang kaibigan.

Nag-uusap silang tatlong magkakaibigan ngayon sa sala at iniwan muna nila sa kwarto si Rica na nakatulog na.

Mukhang obsessed na nga si Sage na magkabalikan pa sila ni Rica pero hindi pa siguro ito handang patawarin ni Rica na hindi naman matanggap ni Sage.

"Kailangan nating ilayo si Rica kay Sage. Paano kung sa susunod ay may gawin na namang masama ang gagong 'yon sa kanya?" mamomroblemang sabi ni Ran at mariin itong napapikit.

Simula nang makilala niya si Rica ay alam niyang may nagbago na sa nararamdaman niya. Pagdating sa ibang babae ay mukhang nawawalan na siya ng ganang mag-entertain pa sa mga iyon na ilang beses na siyang tinatawagan at tinetext na hindi niya sinasagot.

Those girls wants to have a fun with him pero wala na siyang gana pang magpakasarap sa mga babae.

And it's all because of Rica na ilang araw nang laman ng isip niya!

What's happening to you, Ranver Cho?

"Rica will decide kung gusto niya bang umalis dito at hanapan nalang natin siya ng ibang matitirhan but I don't want her to leave here dahil delikado para sa kanya ang mamuhay mag-isa. Hindi rin naman pwedeng umalis tayong apat sa condo unit ni Sage at iwanan siya. After all, he's still our bestfriend." Wenhan said and sighed.

Napaisip naman do'n ang magkakaibigan. Mali man ang ginagawa ni Sage ngayon kay Rica ay kaibigan pa rin nila ang lalake at hindi nila ito kayang iwanan sa condo unit nito. Naging mabuti namang kaibigan si Sage sa kanila ayon nga lang ay nag-iiba na ito nang dahil sa pakikipaghiwalay ni Rica sa kanya.

They don't want Rica to leave as well. Hindi safe sa babae na tumira itong mag-isa sa isang apartment o boarding dahil kahit sinong lalake na makakakita dito ay paniguradong magkakainteres sa kanya at baka gawan rin siya ng masama katulad ng ginawa ni Sage.

Bakit ba kasi sobrang ganda at sexy rin ng babaeng ito sa edad lang na 18?

Hindi nakasagot si Ran sa sinabi ni Wenhan dahil may punto ito. Malapit talaga silang limang magkakaibigan at si Sage ang pinakamabait at pinakamatino sa kanila kung tutuusin. Kaya nga hindi maintindihan ni Ran ang inaakto nito ngayon.

Ang akala niya ay si Trevor ang malala sa magkapatid pero sa napapansin niya ngayon ay baka kaya pang gumawa ni Sage ng mga bagay na makasakit pang lalo kay Rica.

"Then we need to guard and protect Rica from Sage. Kapag naulit na naman 'to ay hindi ako magdadalawang-isip na isama ko si Rica sa pag-alis ko dito. I can't tolerate Sage's behavior anymore kung magtagal pa 'yang pag-akto niyang parang immature at baliw." Ran hissed and shook his head.

"Where's Yruma?" bigla namang pag-imik nang kanina pang tahimik na si Zian.

"Ang alam ko ay nakauwi na 'yon galing sa school nila. Wala naman siya sa loob ng kwarto niya when I checked it. Baka may pinuntahan siguro." sabi ni Wenhan at nagkibit-balikat ito.

Zian sighed. "Mabuti nalang at naisipan kong umuwi dito sa condo unit kundi baka naituloy na ni Sage ang binabalak niya kay Rica. I don't understand at all. Why we are acting this way to a one girl?" he asked in disbelief.

Bigla namang napangisi si Ran. "Bakit nga ba, Zian? You are not in your usual self too dahil ayaw na ayaw mo sa mga babae pero bakit pagdating kay Rica ay concern ka sa kanya?" seryoso nitong tanong kay Zian na napatigil sa sinabi niya.

Naghihintay naman si Wenhan sa sasabihin ni Zian kaya wala na itong ibang magawa kundi sabihin ang totoo niyang nararamdaman ngayon.

"I-I don't know pero dahil siguro sa nakikita ko si Rica sa katauhan ng pinsan kong namatay 1 year ago na nakunan rin. I can't stand to see her crying and hurting for the loss of her child and s-she's different from the girls I've met. I can't hate her because she's kind and down to earth person." medyo nautal pa si Zian nang sabihin niya iyon sa mga kaibigan niya.

Wished One, But Got Five (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now