Chapter 13

26.7K 1K 313
                                    

IKWINENTO na ni Rica kina Emily at Maru ang lahat ng mga kaganapan na nangyayari ngayon sa buhay niya. Nagulat ang mga ito nang sinabi niyang nakatira na siya ngayon sa condo unit ni Sage at hiwalay na rin silang dalawa.

Inamin niya rin na nalaglag ang anak nila ni Sage sa sinapupunan niya dahil aksidente siyang nalaglag sa baitang ng hagdanan ng condo building nito nang dahil sa nakita niyang litatro ni Sage na kahalikan ang dating nobya.

"Hiwalay naman pala kayo ni Sage edi bumukod ka na at maghanap ng ibang matitirhan, friend. Tutulungan ka namin ni Maru sa paghahanap ng bagong apartment na pwede mong tuluyan. Hindi ako makapaniwalang magagawa kang saktan ni Sage. Nababaliw na yata siya!" umiiling na sabi ni Emily.

"Aalis rin naman ako sa condo unit ni Sage pero nakiusap sa akin ang mga kaibigan niya na pansamantala muna akong makitira doon. Malapit lang rin kasi sa flower shop ang condo building ni Sage." sabi naman ni Rica.

Napailing si Emily. "So, mali pala talaga ang first impression namin sa lalakeng 'yon? Ang amo-amo ng mukha tapos malalaman nalang namin na sinaktan ka pa niya physically at balak pagsamantalahan? Paano nalang kung may gawin ulit sa'yong masama ang lalakeng 'yon?" nagtitimping singhal nito.

Ramdam ni Rica ang pag-aalala ng matalik niyang kaibigan na si Emily. Apektado rin ito sa mga nangyayari sa kanya at sigurado siyang walang pag-aalinlangan itong tutulong sa kanya.

"Nag-usap na silang magkakaibigan tungkol doon. Hindi na raw ulit gagawin ni Sage sa akin 'yon. Hindi na rin naman niya ako ginugulo pa. Ito na rin naman ang huli dahil kapag ginawa niya ulit sa akin 'yon ay aalis na talaga ako sa condo unit niya." sabi ni Rica at napapikit ito ng mariin.

"Rica, you're living with five guys in one space. Kahit sabihin mo pang pinagkakatiwalaan mo ang mga kaibigan ni Sage at hindi siya ay posibleng gawan ka rin nila ng masama. You're beautiful and attractive woman, paano nalang kung sa isang iglap ay naisipan nilang pagsamantalahan ka?" sabi naman ni Maru na sinang-ayunan ni Emily.

Naisip na rin ni Rica iyon pero lubos talaga siyang nagtitiwala kila Zian, Wenhan, Ran at Yruma. Wala siyang nakikitang dahilan para iwasan na ang mga ito lalong-lalo na si Zian na ilang beses na siyang iniligtas sa kapahamakan nang dahil sa ginagawa ni Sage.

"Kaya ko na ang sarili ko, Emily at Maru. Marunong naman ako ng self-defense kaya kung may gawin man silang masama sa akin ay makakaya kong ipagtanggol ang sarili ko." sabi ni Rica sa dalawang magkasintahan.

Hinawakan naman ni Emily ang kamay niya habang si Maru ay napaiwas nalang ng tingin.

"Kung ganon, ikaw ang bahala, Rica. Kung kailangan mo ng tulong ay sabihan mo lang kami, ha?" ngumiti si Emily kaya napangiti na rin si Rica.

"Salamat, Emily."

Nang matapos na silang mag-usap ay nagpresinta ang magkasintahan na ihatid si Rica sa condo building ni Sage. Kakatapos lang rin ng duty nito sa flower shop nila Maru at kanina pang 6pm nakauwi sina Lilian at Cyrus.

Nang maihatid na si Rica nang dalawa sa condo building ay pagod na nag-elevator ang dalaga papunta sa floor ng condo unit ni Sage. Pagkapasok niya sa condo unit ay wala siyang naabutan sa magkakaibigan. Malamang ay nasa eskwela at trabaho ang mga ito.

Nagpalit lang siya ng damit at pagkatapos ay naghanap siya ng makakain sa kusina. Mayroong beef steak doon at baka niluto iyon ni Wenhan dahil ito ang pinakamagaling magluto sa magkakaibigan. Marami pa namang kanin sa rice cooker kaya kaagad siyang nakakain ng dinner.

Pagkatapos niyang kumain at maghugas ng mga pinagkainan niya ay sakto namang tumunog ang visitor alarm ng pintuan ng condo unit. Paulit-ulit sa pagtunog iyon at mukhang galit na galit kung sinumang pumipindot sa visitor button ng pintuan.

Wished One, But Got Five (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now