Chapter 6

32K 1K 1K
                                    

SINUGOD ni Sage si Trevor sa condo unit na tinutuluyan nito. Walang kahirap-hirap siyang nakapasok sa loob dahil nakasalubong pa niya sa pintuan ng condo unit ni Trevor ang isa yata sa mga fuck buddies ng binata na papalabas na rin sa loob ng unit.

Natulala pa ang maganda at sexy na babae nang makita si Sage pero hindi nalang niya ito pinansin at tumuloy na hanggang sa makarating siya sa kwarto ni Trevor.

Naabutan niya ang kapatid na nagsasara ng zipper ng pantalon nito. Nang mapansin siya nito ay nginitian naman siya na para bang wala itong ginawang masama sa kanila ni Rica.

"What are you doing here, my younger brother?" nakangiting tanong ni Trevor kay Sage na nagtitimpi lang ng inis at galit.

Katulad ni Zian ay mahaba rin ang pasensya ni Sage. Hindi siya katulad ni Ran na bayolente at maikli ang pasensya. Si Wenhan ay maikli rin ang pasensya ngunit hindi naman ito bayolente habang si Yruma naman ay palaging kalmado at tahimik lang ngunit maikli rin ang pasensya ng isang iyon.

Magkakaiba sila ng personalidad pero nagkakasundo sila bilang magkakaibigan. Ngayon ay hindi na niya alam ang gagawin dahil mukhang pati ang mga matalik niyang kaibigan ay nagalit na rin sa kanya nang dahil sa maling nagawa niya sa kanyang nobya na si Rica. Hindi kinukunsinti ng mga ito ang kasalanan niya at hindi nga siya nagkamaling pagkatiwalaan ang mga ito.

"Ikaw ba ang nagsend kay Rica nang picture kung saan ay hinalikan akong bigla ni Krissy. Ikaw ba, Trevor?" madiing tanong ni Sage kay Trevor na kaagad tumango sa sinabi niya.

"Yes. Ako nga. I'm just doing you a favor dahil may balak ka naman talagang makipaghiwalay kay Rica para kay Krissy, hindi ba?" kaswal na sagot ni Trevor saka nito pinulot ang puting sando shirt na nagkalat sa sahig at isinuot iyon pagkatapos.

Kumuyom ang mga kamao ni Sage at sobrang sama na ng titig nito sa kapatid.

"Wala kang karapatang gawin 'yon! Alam mo ba na sa ginawa mo ay nalaglag ang anak namin ni Rica?" galit na saad ni Sage.

Nagkunwari pang nagulat si Trevor sa sinabi niya.

"Oh? Really? I'm so sorry to hear that, Sage pero hindi ko naman kasalanan kung hindi nag-ingat si Rica nang-"

Hindi na napigilan ni Sage na lapitan at kwelyuhan si Trevor. Sobra nang nanlilisik ang mga mata niya sa galit sa nakatatandang kapatid. Kung si Ran siguro siya ay kanina pa niya napatay sa bugbog itong si Trevor.

"Tell me, Trevor! Ginagawa mo ba 'to para sirain ang relasyon namin ni Rica at maging miserable ako? Hindi ako ipinanganak kahapon lang para hindi ko makita na may lihim kang galit sa akin. Ano? Tama ba ang hinala ko, ha?" sigaw ni Sage sa mukha ni Trevor.

Ngumisi naman si Trevor at tumango ito. "Wow! I'm impressed dahil nahalata mo na pala 'yon. Well, it's not my fault kung nagpadala ka sa sinabi kong balikan mo si Krissy. If you are faithful and loyal to Rica ay hindi ka papayag sa suggestion ko nung una na makapagbalikan ka sa ex-girlfriend mong pinagsawaan ko na."

Napahinto naman doon si Sage. "What do you mean? Ilang beses nang may nangyari sa inyo ni Krissy?" hindi niya makapaniwalang tanong.

"Yes, brother. Nang maghiwalay kayo ni Krissy ay hindi ko sinayang ang pagkakataong sundan siya sa England para naman pakinabangan ko ang katawan niya. You know na interesado ako noon kay Krissy pero inagaw mo siya sa akin, 'di ba? We had sex too many times in London at hindi ko alam na madali lang pala siyang bibigay sa akin." mapaglarong sabi ni Trevor.

Hindi malaman ni Sage kung ano ang dapat niyang sabihin at hindi rin niya alam na magagawa iyon ng sariling niyang kapatid mismo. Alam niya noon pa na may gusto si Trevor kay Krissy pero ang akala niya ay okay lang sa kapatid na naging nobya niya ang dalaga dahil playboy naman talaga si Trevor at hindi ito pumipirmi sa isang babae lang.

Wished One, But Got Five (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon