Chapter 9

29.5K 1.1K 927
                                    

TRIGGER WARNING! ⚠︎

NAKAPASOK si Rica sa condo unit ni Sage gamit ang passcode na ibinigay sa kanya ni Wenhan. Pagkapasok ni Rica sa condo unit ay naabutan niya na naman si Sage na nakaupo sa sofa ng sala at mukhang hinihintay nito ang pag-uwi niya. Napansin niya rin ang mga paperbags at groceries na nakapatong sa lamesa.

Nang madaanan niya si Sage ay kaagad siyang nginitian ng lalake. Namumula ang mukha nito at namumungay ang mga mata. May ideya na si Rica na lasing na naman si Sage at mukhang hindi na ito pumapasok sa trabaho niya at sa pagpapatakbo ng sarili nitong restaurant.

"Wifey, nagpabili nalang ako sa sa mga maids namin sa bahay ng mga damit para sa'yo saka may groceries na rin diyan para sa lahat ng kakailanganin mo dito." nakangiting sabi ni Sage saka ito tumayo at akmang yayakapin na sana si Rica nang kaagad itong umiwas sa kanya.

"Hindi mo na kailangang gawin 'to, Sage. Kaya ko nang tumayo sa sarili kong mga paa. Magtatrabaho na rin ako sa lunes kaya hindi na ako magiging pabigat sa'yo." sabi ni Rica at bumuntong-hininga siya.

Kahit papaano ay naaawa rin naman siya kay Sage. Gusto lang nitong bumawi sa mga pagkukulang niya at sa nawala nilang anak pero sa ngayon ay hindi pa niya ito kayang patawarin. Masyado siyang nasaktan sa mga nangyayari ngayon sa kanila. Darating rin naman ang araw na mapapatawad niya ito pero hindi na siguro niya kayang ibalik ang masaya at perpekto nilang relasyon noon.

Tumiim-bagang naman si Sage at naging seryoso na ang ekspresyon ng mukha. Muli siyang humakbang papalapit kay Rica at hinawakan ang isang braso nito nang mahigpit. Pilit namang tinatanggal ni Rica ang braso niyang hawak ni Sage pero hindi pa rin ito binibitawan ng binata.

Namumula at nanlilisik ngayon ang mga mata ni Sage at base iyon sa galit at nagtitimping emosyon. Biglang kinabahan si Rica dahil hindi siya sanay na nakikitang nagagalit si Sage sa nakalipas na isang taon nila bilang magkarelasyon.

"What do you want me to do, Rica? Patayin ang sarili ko sa alak at umiyak ng umiyak para ipakita sa'yong sobra akong nagsisisi sa lahat ng kasalanang nagawa ko sa'yo? Oo! Nawala ang anak mo pero anak ko rin naman 'yong nawala! Kagagawan nating dalawa kung bakit siya nawala dahil hindi ka rin nag-iingat-"

Sinampal ni Rica si Sage at napaiyak na siya dahil pinaalala na naman nito ang mali rin niyang nagawa.

"Paano mo nasasabi ang mga bagay na 'yan, Sage? Kung hindi ka nakipagkita sa ex-girlfriend mo at nakipaghalikan sa kanya edi sana hindi ko naisipang umalis at tumakbo papaalis dahil sa sakit at bigat na naramdaman ko nung araw na 'yon!" umiiyak na sigaw ni Rica.

Tumawa naman si Sage. "Rica, minahal ko ng tatlong taon si Krissy. Nabigla lang ako nang makita ko siya ulit na kaagad nalang sumulpot sa tapat ng restaurant ko at ang akala ko ay mahal ko pa rin siya but after that, narealized ko na ikaw talaga ang mahal ko. Yes, nagkita kami sa isang Coffee shop to talk about us and she kissed me suddenly na ikinabigla ko rin but I didn't kissed her back. I left her after that para puntahan ka dito sa condo unit nang hindi ako nagpakita sa'yo ng ilang araw. You can asked Zian about it dahil sinabi ko rin 'yon sa kanya. Ikaw lang ang mahal ko, Rica so please? Let's fix our relationship." mahabang paliwanag ni Sage at hinawakan na nito ng marahan ang dalawang palad ni Rica.

Sa mga narinig ni Rica mula kay Sage ay medyo nalinawan na rin siya sa nagawang kasalanan nito sa kanya. Hindi niya alam na tumagal pala ng tatlong taon ang relasyon ni Sage at nang dati nitong nobya na si Krissy. Hindi niya ito masisisi kung nagkaroon man ito ng confusion sa nararamdaman niya para kay Krissy at sa kanya pero mali pa rin talaga ang ginawa ni Sage na pakikipagkita sa babae.

Mabuti sana kung hindi siya nabuntis ay matatanggap niya ang paliwanag nito ngayon pero umasa siya na magiging mabuti itong ama sa bata, aalagaan siya at babantayan sa oras na kailangan niya ito at hindi iyong mahigit dalawang araw na hindi ito nagpakita sa kanya at basta nalang siyang iniwan at pinabayaan sa mga matalik nitong kaibigan. Mabuti nalang at mababait sila Wenhan, Ran at Yruma at hindi siya pinabayaan ng mga ito sa sama ng loob na naramdaman niya noon kay Sage.

Wished One, But Got Five (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon