Chapter 11

28.2K 1K 538
                                    

IPINIKIT nalang ni Yruma ang kanyang mga mata nang rinig na rinig niya ang pagtatalo ng mga magulang niya sa ibaba ng living room nila. Sa tuwing umuuwi siya sa Cavite kung saan ay dito na nakatira ang mga ito at hindi na sa Maynila ay wala yatang araw na hindi nag-aaway o nagsusumbatan ang mga magulang niya.

Alam niyang rinding-rindi at sawa na rin ang dalawa niyang mga nakatatandang kapatid sa pagtatalo ng mga ito. Simula mga bata palang sila ay ganito na ang kinalakihan nilang pamilya. Ni wala yatang matandaan si Yruma na naging masaya siya sa sariling pamilya habang lumalaki siya.

Kaya nga naisipan nalang niyang bumukod sa mga ito at tumira sa condo unit ni Sage para maiwasan niya ang ganitong klaseng mga eksena sa araw-araw niyang pamumuhay. He only want a peaceful and happy life but he can't because of his parents.

Masyado kasing selosa ang Mom niya na lahat nalang ng mga babaeng nakakasalamuha ng Dad niya ay sasabihing kabit nito. Yruma knows that his father is a good, loyal and decent man kaso masyado lang talagang over thinker at paranoid ang Mom niya. His mother is already 45 years old but acting like a childish one.

"Do you want to stay here just for a day?" tanong ng nakatatandang kapatid na babae ni Yruma na si Joyce.

"Uuwi ako mamaya." sagot naman ni Yruma na nanatili pa ring nakapikit at nakatakip ang isang braso sa mga mata nito.

"I'm sorry kung ganito pa ang maaabutan mo dito sa bahay. You know Mom, she's always being like that. Gusto nang mag file ng annulment ni Dad kay Mom kaya naghi-hysterical na si Mom at kagabi pa umiiyak at inaaway si Dad." Joyce sighed while looking at her younger brother.

"I can't blame Dad for doing that." sagot ni Yruma.

Well, hindi masisisi ni Yruma kung sumagi na sa isipan ng Dad niya na makipag-annul na sa Mom niyang nagger, selosa at malisyosa. He wants his Dad to be a free man. Ilang dekada ang tiniis nito sa pamilya nila para lang maging buo silang pamilya. He saw how his father suffered from his annoying and jealous mother.

"Me too but Calvin is mad right now to Dad's decision. Mas lalo lang raw kasing sasaktan ni Dad si Mom kung gagawin nito ang annulment. You know? He's a mama's boy since then." Joyce shrugged.

Joyce is right, si Calvin ang panganay sa kanilang tatlong magkakapatid at mama's boy nga iyon. Calvin is now a Licensed Engineer at the age of 28. Wala pa itong asawa't-anak while Joyce already have a fiancé at the age of 27 at magpapakasal na ito sa susunod na taon.

Hindi ganon kaclose sina Joyce at Yruma kay Calvin dahil palagi itong wala sa bahay nila dahil sa pagkaabala nito sa trabaho at kung may libre man itong oras ay mas pipiliin nalang na makipagkwentuhan sa Mom nila nang buong magdamag at hindi sila pansinin o kausapin man lang.

Dahil mas pabor sila sa Dad nila ay mukhang hindi gusto iyon ni Calvin na palagi namang pinapaburan ang Mom nila.

"Si Dad pa rin ang magdedesisyon sa buhay niya. Calvin and Mom can't interfere to his life anymore." nagmulat ng mata si Yruma nang marinig ang boses ni Calvin na tinatawag ang pangalan nila ni Joyce.

Tuluyan na itong nakapasok sa loob ng dati niyang kwarto kung nasaan sila ni Joyce. May halong galit ang ekspresyon ng mukha ni Calvin na ikinagulat naman ni Joyce.

"Ano ba kayong dalawa? Pwede bang kumbinsihin niyo si Dad na 'wag nang ituloy ang annulment niya kay Mom?" sigaw nito sa kanila.

Bumangon na si Yruma sa kama at tinignan lang nito ng mariin ang kanyang nakatatandang kapatid na lalake. "We have nothing to do against that-"

Hindi na naituloy ni Yruma ang sasabihin niya nang kaagad lumapit sa kanya si Calvin at kwinelyuhan siya nito.

"Minsan ka na nga lang magpakita dito pero hindi mo pa matulungan si Mom para makipag-ayos kay Dad! Wala ka talagang silbi sa pamilya na 'to kahit kailan!" galit nitong sabi na ikinatahimik ni Yruma.

Wished One, But Got Five (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now