Chapter 1

215 6 2
                                    

"Bakit..."

"T-tulung-an n-yo ak-o..."

"AHHHHHH!!"

Mabilis akong napa bangon mula sa aking higaan nang makarinig ako sa aking utak nang isang babae na umiiyak habang humihingi nang tulong.

Naka yakap siya sa kaniyang mga tuhod habang nanginginig siya dahil sa sobrang lamig.

Pero may isang bagay ang naka kuha ng aking atensyon.

Yung damit niya, yung kamay, at maging ang kaniyang mukha ay puno ng dugo. Pakiramdam ko kanina ay kasama ko lamang ang batang iyon.

Napa kusot naman ako ng aking mga mata at sa aking muling pag mulat Isang Hindi inaasahan Ang s'yang bumungad sa akin. 

Naitikom ko nalang ang aking labi habang ramdam ko ang panginginig ng aking buong katawan. Muli akong  napa kurap at sa aking pag dilat ay bigla nalang itong nawala na parang bula.

Napa hawak ako sa aking dibdib dahil sa matinding kaba na aking naramdaman. Nag palinga linga pa Ako upang hanapin Ang nakita kong mukha kanina. 

Maputla ito, Wala siyang mga Mata at tanging butas lang Ang mayroon. Gulo gulo Ang ayos nang kaniyang buhok at tila na aagnas na Ang kaniyang mga balat.

Napa kapit Naman Ako sa aking dibdib. Mukhang namamalik Mata lang ako. Kakanood ko ito Ng horror kagabi. Akala ko tuloy totoo yung nakita ko. Buti nalang hindi.

Napa buntong hininga naman ako saka umayos ng upo at saka binuksan ang kurtina ng aking bintana. Katabi lang naman kasi ng kama ko ang bintana kaya't kahit na naka upo ako ay kaya kong hawiin ang kurtina ng bintana.

Pag hawi ko rito ay iyong mukha nanaman ang sumalubong sa akin. Halos maluha ako sa aking nakikita.

Tila ba ay binuhusan Ako nang tubig malamig sa aking nakikita. Naka pako sa kaniyang kamay at sa bitbit n'yang Bagay Ang aking mga mata. Ako yun...

U-ulo ko Yung h-hawak n'ya...

"Aahhhhh!" Napa Hiyaw nalang ako ng malakas dahil sa takot hanggang sa marinig ko nalang ang pag bukas ng pintuan ng aking silid.

"Chary! Anong nangyari?! May namasok ba?! Bakit ka sumisigaw?!" Sunod sunod na pag tatanong sa akin ni Kuya.

Maluha luha akong nag angat sa kaniya ng tingin ngunit sa aking pag angat ng tingin sa kaniya ay ibang mukha nanaman ang bumungad sa akin.

"Ahhhhh!!!"

Halos takot na takot akong bumaba sa aking kama habang tumatakbo papalabas ng bahay. Tumakbo ako sa labas kahit na umuulan hanggang sa napadpad ako sa isang park.

May nakita akong pulang payong malapit sa may bench. Walang tao ni isa ang naririto kaya't kinuha ko na lamang ito saka binuksan.

Umupo ako sa may bench habang pinapanood ang ulan. Nang may isang tinig akong biglang narinig— tinig na nag bibilang nang Isa Hanggang sampu.

"Nanay, Tatay gusto ko tinapay..."

Nailingon ko Naman Ang aking paningin Banda sa aking kanan nang makarinig ako nang mga batang nag lalaro nang 'nanay, tatay'.

"Hmmm, hmmm, hmmm,"

Napa takip Naman Ako nang aking mga tainga. Ano bang meron? Bakit may naririnig akong ingay nang mga bata kahit na Wala Naman akong Kasama Dito?

May nag papatahan nang bata, may mga nag lalaro. Nilalamig na Ako at para bang maiihi na Ako sa aking salawal dahil sa  matinding takot na aking nararamdaman.

Umbrella Where stories live. Discover now