Chapter 27

28 1 0
                                    

Jake's POV

"Ayos naba Ang lahat?" Pag tatanong sa Amin ni tita Nimpa. Kakalabas lamang nila nung nakaraang linggo sa ospital at ngayon na nga ay napag desisyonan na naming dumalaw Kay kuya Adan sa presinto.

Sumakay Naman na kami sa loob nang sasakyan at pagka sakay palamang Namin ay agad na pinaandar ni tita Nimpa Ang makina nito at umalis.

Tahimik lamang Ang naging biyahe Namin Hanggang sa narating Namin Ang presinto kung saan naka kulong si kuya Adan.

May kakilala si tita Nimpa na Isa sa mga pulis na nag ta-trabaho Dito na ngayon ay kinakausap na Niya. Bakit kaya Ang daming kakilala Ng taong ito?

Mayamaya pa ay nag simula na silang mag lakad. Tinanguan kami ni tita Nimpa Kaya't sumunod na kami sa kanila. Habang nag lalakad kami Dito sa loob ay kitang kita mismo nang mga Mata ko Ang paraan nang pag titig nang mga preso Kay tita Nimpa. Napaiking nalang Ako Saka nag patuloy sa pag lalakad.

Napa hinto nalang Ako sa pag lalakad nang huminto na din Sila. Tinanggal nung mamang pulis Ang lock nung Isang selda at Saka may tinawag sa loob nito.

"Bata may dalaw ka." Saad nito. Hindi ko Makita Ang Loob Ng selda dahil sobrang dilim Dito na halos Wala talagang Makita.

Ilang sandali pa at may lumabas na Mula rito at si kuya Adan na nangangayayat Ang agad na bumungad sa Amin.

Halos bumagsak Ang aming mga panga habang naka masid sa kaniya. Sobrang laki Ng pinag Bago Ng kaniyang pangangatawan. Mahahalata din sa kaniyang mukha Ang matinding pag hihirap at kalungkutan.

Agad namang hinahawak ni tita Nimpa Ang kaniyang kamay Saka nag simulang mag lakad papunta sa silid kung saan nag uusap Ang mga dalaw at Ang mga preso.

Nakaramdam Naman Ako nang matinding awa habang pinag mamasdan si kuya Adan. Ang payat payat na Niya. Yung mga pisngi Niya ay halos Wala na ring laman. Naikuyom ko nalang Ang aking mga kamao.

Gusto kong tulungan siya ngunit alam ko sa sarili ko na Wala Naman akong magagawa para sa kaniya.

"Ayos lang Ako Jake. H'wag kang mag-alala." Biglang Sabi nito. Napa Iwas nalang Ako Ng tingin sa kaniya dahil sa napansin pala Niya Ako.

"Kamusta kana?" Pangangamusta sa kaniya ni tita Nimpa.

"Haha, okay pa Naman Ako. Pero Alan Kong nalalapit na." Sagot nito na Hindi ko gaanong naintindihan.

"Inaasahan Mona ba?" Muling tanong sa kaniya ni tita Nimpa.

"Opo." Magalang nitong pag sagot.

Nakikinig lang Ako sa kanilang pag-uusap dahil Wala Naman akong maintindihan sa mga pinag uusapan nila. Hindi ko din gets kung Ano man Ang topic na mayroon Sila.

"Ano bang nangyari?" Curious na tanong ni tita Nimpa Kay Kuya Adan.

Mahina muna itong napa tawa Bago napa iling Saka siya nag simulang mag kwento sa Amin.

"Simula nung malaman ko Ang makakatapos sa sumpa na ito ay agad Kong itinatak sa isip Kona Ako Ang tatapos sa lahat Ng ito. Dahil ginusto ko na Bago Ako mamatay ay may nagawa man Ako para sa grupo. Kaya isinagawa ko Ang planong pag patay sa dalawang guro. Hinanap ko Sila nung gabing natutulog kayo sa ospital. Umalis Ako noon at sinimulan silang hanapin. Hindi Ako tumigil mahanap lamang Sila Hanggang sa natagpuan ko Sila malapit sa Tulay. Nilinlang ko Sila sa pag sasabi na nais ko lamang silang makausap. At nung malapitan ko Sila doon Kona nagawa Ang Bagay na Hindi Naman dapat. Pasensya napo. Patawad." Kwento nito sa Amin.

"Hindi na maibabalik Ng 'sorry' mo Ang Buhay na nawala na. Pero maraming salamat sa ginawa mo at maging sa sakripisyo mo. Nang dahil sa'yo ay natapos na Ang sumpa." Pasasalamat sa kaniya ni tita Nimpa at bahagyang yumuko.

Muling napa tawa Ng mahina si kuya Adan. "Nakakatuwa lang isipin na ganoon na lamang kabilis matatapos Ang lahat Ng ito." Naiiling niyang Sabi.

"Tama ka, napaka bilis nang mga pangyayari." Pag sang-ayon sa kaniya ni tita Nimpa.

"Oo nga po pala. Nasaan po si Aron? Bakit Hindi ko siya Nakitang dumalaw? Galit poba?" Lahat Naman kami ay natigilan sa kaniyang tanong.

Oo nga pala, Wala pa siyang alam patungkol Kay Kuya Aron. Wala pang nakakapag Sabi sa kaniya sa sinapit ni kuya Aron.

Nilingon ko Naman Ang mga kasama ko Hanggang sa pareho na kami ni kuya na naka tingin Kay tita Nimpa. Mukhang nakuha Naman Niya Ang nais naming sabihin Kaya't siya na Ang nag Sabi Kay Kuya Adan Ng lahat.

Ikinuwento Niya simula sa pagka gising nila Hanggang sa nabalitaan nilang patay na si kuya Aron.

Sandaling bumaling sa akin si kuya Adan na nakapag paiwas sa akin Ng tingin.

"Ganoon po pala. Nauna na pala siya" Aniya matapos niyang marinig Ang kwento ni tita Nimpa.

"Hindi ko aakalain na ganito Ang sasapitin nating lahat. Parang kahapon lang ay Masaya tayong nag lalaro sa bakanteng lote at ngayon heto.." naiiling niyang Sabi Hanggang sa may marinig kaming bell sa bandang likuran Namin.

"Tapos na Ang Oras nang pag dalaw mo bata." Ani Ng Isa sa mga pulis habang naka tingin sa Gawi Namin.

Agad Naman siyang tumayo ngunit Bago siya tuluyang umalis ay hinarap muna kami nito. "Patawad sa mga nagawa Kong pagkakamali." Pag hingi Niya nang tawad Bago siya tumalikod at nag simulang mag lakad papaalis.

"Hindi mo kailangang humingi Ng tawad." Nabaling Ako Kay Kuya na naka tingin Kay Kuya Adan na naka Ali's na.

Ilang sandali pa at tumayo na din si tita Nimpa na siyang aming pinag masdan. "Tara na, dadalaw pa Tayo sa Bahay nila Aron upang makiramay." Pag-aaya sa Amin ni tita Nimpa at nauna na siyang umalis sa Amin. Sumunod Naman si kuya na sinundan ko din.

Gusto ko sanang bumalik sa loob ngunit may mga Bagay pa kaming gagawin Kaya't minabuti ko na lamang Ang mag patuloy sa pag lalakad.

Pagka labas Namin Ng presinto ay agad kaming dumiretso sa kotse na agad namang pinaandar ni tita Nimpa.

Ang tahimik lamang naming tatlo. Hindi katulad noon na walang minuto na Hindi natahimik sa loob Ng sasakyang ito basta't Sila Ang Kasama.

Nakaka-miss Ang dating mayroon kami ngunit ngayon ay mawalabong mangyari Muli.

Isinandal ko nalang Ang aking ulo Dito sa passenger seat Saka pinag masdan Ang mga punong nadadaanan Namin.

Sana maging okay na Ang lahat.

*****

Author's Note:

No plagiarism. Plagiarism is a crime.

Sorry po sa mga errors try ko pong i-edit pag may free time napo Ako.

Umbrella Where stories live. Discover now