Chapter 25

40 2 0
                                    

Jake's POV

Lahat kami ay tulala at Hindi mahanap Ang dapat sabihin habang pinapanood namin Ang nag flash na balita sa tv.

May natagpuang patay na dalawang guro malapit sa Tulay at Ang Hindi Namin inaasahan ay ito Yung dalawang teacher na tumakas sa Amin at Ang sumaksak kala kuya. Sila teacher Bambi at teacher Stella.

Patay na Sila? Pero paano?

Ngunit agad ding nasagot Ang aking katanungan Ng Makita ko Mula sa tv si kuya Adan na naka yukyok Ang ulo habang tinatanong siya Ng mga reporter.

"K-kuya Adan"

Tinatanong siya Ng mga reporter kung bakit Niya iyon nagawa ngunit Hindi Naman siya nag abalang sumagot at nanatiling naka Yuko.

Duguan Ang kaniyang sarili na halos ipampaligo na Niya ito. Ang kulay brown niyang buhok ay halos magging kulay pula na.

Patuloy parin sa pangungulit Ang mga reporter sa kaniya ngunit hinaharang Naman Sila Ng mga pulis. At Bago pa siya isakay sa sasakyan ay lumingon siya sandali sa camera at ngumiti na para bang sa Amin naka tingin at alam niyang nanonood kami.

"T-tapos na. Wala n-na Ang sumpa." Saad nito at tuluyan na siyang ipinasok sa loob nang sasakyan Ng mga pulis.

Bakas Ang lungkot at pag hihirap sa kaniyang boses habang siya ay nag sasalita. Kita Rin Ang pag hihirap na kaniyang dinanas sa kaniyang ekspreyon.

"Ginawa Niya iyon para maputol Ang sumpa. Ginawa Niya iyon para sa kapakanan natin." Biglang Sabi ni kuya sabay patay nung tv.

Muli Namang may namuong katahimikan sa pagitan naming tatlo. Pano na? Ano naba Ang susunod naming gagawin?

Grabi na Ang mga ginawa Ng mga kaibigan Namin. Grabing paghihirap at pag sasakripiso na Ang ginawa nila matapos lang Ang lahat Ng ito.

Doon palang ay masasabi ko nang gusto na nilang matapos Ang kaguluhang ito. Mahirap. Hirap na hirap na Ang bawat Isa sa Amin pero nakuha parin nilang gumawa Ng paraan at kahit pa Buhay nila Ang maging kapalit handa parin silang gumawa Ng paraan at lumaban.

"Pagka labas na pagka labas natin Dito sa ospital tutunguhan natin agad si Adan. Gusto kong Makita Ang batang iyon." Nilingon ko Naman si tita Nimpa at mababakas sa kaniyang mukha Ang matinding kalungkutan.

"Masyado pa siyang bata para madanasan Ang Buhay sa loob Ng kulungan. Masyado pa kayong bata para naranasan Ang mga ganitong pag hihirap." Pinahid nito Ang kumawalang luha sa kaniyang mga Mata.

"Kaya kayong dalawa, mag pakatatag kayo. Matatapos din Ang mga Araw na ito at pagkatapos non babalik kayo sa pag-aaral ninyo at mag tatapos. Aabutin ninyo Ang mga pangarap ninyo sa Buhay. Para sa kanila." Pag bulong Niya sa bandang dulo nang kaniyang sinabi Bago ito yumuko.

Agad Naman akong tumayo Saka siya dinaluhan at hinagod Ang kaniyang likuran.

Nilingon ko Naman si kuya na mukhang malalim Ang iniisip habang naka tanaw sa bukas na bintana. Alam Kong nalulungkot din siya sa sinapit Ng mga kaibigan Namin. Lalong Lalo na at matalik na mag kakaibigan talaga Silang tatlo.

Simula pagka bata ay magkakaibigan na silang tatlo. Lagi silang mag kakasama, sabay na nag lalaro, tumatakas upang makapag laro at halos mag kakasangga na din Sila.

Umbrella Where stories live. Discover now