Chapter 7

76 4 0
                                    

Aron's POV

Matapos ang mga sinabi ni Adan sa amin ay agad siyang tumayo at lumabas nang bahay. Nanatili naman kaming dalawa ni Jerome na naka tulala sa lamesa hanggang sa basagin niya ang katahimikan.

"U-um... A-ano sa tingin mo?" Napa angat naman ako sa kaniya nang tingin saka napa buga nang hangin bago tumayo.

Sinundan naman niya ako ng tingin hanggang sa pintuan nang silid. "Hindi ko'pa alam." Tanging nasagot ko nalang bago ako lumabas nang tuluyan sa silid na iyon.

Nag paalam naman muna ako kila Lola Eki at Lolo Martin na lalabas muna ako para lumanghap nang sariwang hangin at upang makapag isip-isip narin.

Nang makalabas na ako ay pumasok ako sa kakahuyan at saka nag lakad lakad. Wala naman sigurong mag tatangkang sumulpot sa harapan ko diba?

Nag palinga linga naman ako sa aking paligid upang sana mag hanap nang punong pwedeng tambayan nang maka rinig ako nang isang boses na pamilyar.

"Nababaliw kana ba?!
Patahimikin mona kami!"

"Hindi."

"Hindi kaba naaawa sa amin?!"

"Hindi."

Mabilis naman akong nag tago sa damuhan saka sila dahan dahang sinilip. Ngunit sa aking pag silip ay mga mata nila ang sumalubong sa akin.

"Aron/Kuya."

****

Jerome's POV

Wala na akong nagawa pa kung hindi ang mag buntong hininga. Naaawa lang kasi ako sa kaibigan ko. Sana mapag isipan niyang mabuti kung ano ang magiging desisyon niya.

"Hay! Ang hirap nga naman nang buhay!" Sambit ko saka ako nagpaunat unat at muling umayos nang upo.

Tinitigan ko naman ang tasa ko na may laman paring kape ngunit malamig na ito dahil sa hindi ko naman ito ginalaw.

"H'wag kang masyadong mag alala."

Rinig kong sambit nang katabi ko. Napa iling naman ako nang maraming beses saka sinagot ang sinabi niya.

"Bakit naman ako hindi mag aalala? Eh mga kaibigan ko kaya sila." Sagot ko rito. Ilang sandaling katahimikan pa ang namayani bago ko naramdaman ang malamig nitong kamay na humawak sa aking kamay.

Nag taka naman ako kung bakit ang lamig nang kamay niya. Nang muli nanaman siyang mag salita.

"Naririnig mo pala ako?"

Kumunot naman ang aking noo sa sinabi niya. "Malamang! Ano ba sa tingin mo?" Napa iling nalang ako Bago Ako napa isip sandali.

Teka nga? Diba ako lang mag isa sa silid na ito? Kung ganon...

Naramdaman ko naman ang mabilis na pag tibok nang aking dibdib at ang pag tulo nang malalamig kong pawis sa aking leeg at noo. Sunod sunod din ang aking pag hinga nang malalim dahil sa kaba. Hindi ko rin maigalaw ang aking katawan dahil hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang malalamig nitong mga kamay na naka hawak sa aking kamay.

Ilang sandali pa ako huminga na malalim bago ako dahan dahang lumilingon sa aking gilid.

"Wag! Wag kang lumingon!" Pag pipigil nito sa akin na aking ikina taka. "B-bakit?" Sa wakas ay nakuha ko naring mag salita.

Umbrella Where stories live. Discover now