Chapter 4

70 4 0
                                    

Aron's POV

Tahimik lang ang aming biyahe. Nandito na kami ngayon sa Davao at nag mamaneho ngayon si Jerome. Nandito naman ako sa likuran katabi si Adan dahil sumama sa amin ang bunsong kapatid ni Jerome— Si Jake.

Naka tanaw lang ako sa labas nang bintana habang nasa biyahe. Kaninang madaling araw habang nag papaalam ako sa bahay ay ayaw sana ako payagan ni mama dahil baka daw sumunod ako sa kapatid ko.

Naalala kopa kung papaano niya sinabi sa akin ang mga napanaginipan niya.

"Aron anak ko! Parang awa mona! Wag mo nang ituloy iyang lakad ninyo." Pag mamakaawa sa akin ni mama habang naka kapit siya sa aking mga paa at tila wala siyang balak na pakawalan ako.

"Pero po mama..." Napa kagat naman ako sa aking pang ibabang labi nang biglang humagulgol nang iyak si mama.

"Aron! Bakit ba ayaw mong makinig sa akin! Hindi moba nararamdaman ang pag aalala ko sa'yo?! Kanina lang ay nanaginip ako nang masama patungkol sa lakad ninyong mag kakaibigan! Napaniginipan ko ang masaklap na pagka matay nang sarili kong anak habang nasa biyahe kayo. Hindi moba naiintindihan iyon?!!" Sigaw pa nito sa akin.

Napa tikom bibig naman ako nang lumapit sa amin si papa saka niya pinatayo si mama. Inalalayan naman niya itong tumayo saka ako binalingan.

"Sige na at umalis kana. Pero ipangako mo sa akin na mag iingat ka." Malumanay na sabi ni papa. Tumango naman ako saka nangako sa kaniya bago ako lumabas nang aming bahay.

Hindi ko alam pero nung sinabi ni mama na mamamatay ako ay bigla nalang kumabog nang malakas ang aking dibdib. Pero kung sakaling hindi ko naman ito gagawin ay malamang hindi matatahimik ang kaluluwa nang kapatid ko.

Napa hinga naman ako nang malalim saka napa baling sa kapatid ni Jerome. Ang sabi niya kasi sa amin ay bukas ang ikatlong mata nito at ilang beses na ding nagka totoo ang mga sinasabi nito.

Hindi ko alam kung totoo ang sinabi sa amin ni Jerome patungkol kay Jake. Pero kung sakaling makakatulong naman siya sa amin ay walang problema at pwede siyang sumama sa amin.

Muli naman akong nag pakawala nang isang malalim na buntong hininga nang maalala kong may isang tao pa pala ang pumigil sa amin na ituloy ang lakad naming apat.

Habang nag lalakad kami papunta sa kotse nila Jerome na siyang gagamitin namin para sa pag bibiyahe ay may isang matanda ang bigla nalang sumulpot sa aming harapan at hinawakan nito ang aking kamay maging ang kay Jake.

Tinitigan kami niyo ng diretso sa aming mga mata saka hinigpitan ang pagkaka hawak sa aming mga kamay. Nagka tinginan naman kaming apat dahil sa matinding pag tataka.

"Bakit 'ho? May kailangang pu'ba kayo sa amin lola?" Magalang kong tanong sa matandang nasa aming harapan.

Mas nagtaka naman ako nang mas humigpit ang pag kakahawak nito sa aming kamay. "Mga iho..." Mahina nitong sambit.

Napa titig naman kami sa kaniya. "Mga iho, mas mabuti pang umuwi na kayo sa inyong mga tahanan at h'wag na muling lumabas. Malalagay lang sa panganib ang inyong mga buhay kung sakaling itutuloy ninyo pa ang inyong lakad." Mahina nitong turan.

Nagka palitan naman kami nang mga tingin saka siya muling binalingan. "Lola? A-ano pong ibig ninyong sabihin sa amin?" Magalang kong tanong sa kaniya.

Hinawakan naman nito ang aking balikat saka ako kunuwelyuhan na aking ikina gulat. Mabilis nitong bitiwan si Jake saka ako hinawakan sa aking kuwelyo nang dalawa niyang kamay.

"Makinig ka bata! Kapag itinuloy ninyo ang lakad ninyo ay Mamamatay lang kayo! Sinusundan niya kayo! Hindi siya titigil sa pag paslang hanggat hindi ka namamatay! Makinig ka sa akin!" Sigaw nito nang may isang babae ang biglang dumating.

"Lola! Ano pu'bang ginagawa ninyo dito sa labas nang bahay? Haynako!" Anito saka tinanggal niya ang mga kamay ng lola niya sa aking kuwelyo.

"Pasensya napo kayo." Pag hingi nito sa amin nang tawad. "Wala iyon." Ani ko saka sila pinag masdan na paalis.

"A-ano... itutuloy paba natin ang lakad?" Tanong ni Jerome na may halong pag aalala sa kaniyang boses.

"Oo tuloy." Sagot ko nang walang pag aalinlangan.

Matapos ang ilang babalang aking natanggap ay parang hindi naman ako mapakali. Pero kung sakaling hindi ko malalaman ang dahilan nang aking kapatid...

Mas lalo lang akong hindi matatahimik at mapapakali.

Halos masubsob naman ako sa aking harapan nang malakas na prumeno si Jerome nang biglang sumigaw si Jake nang 'Hinto'.

Lahat naman kami ay napa tingin sa kaniya. Nanlalaki ang kaniyang mga mata at mahahalata sa kaniyang mukha ang takot at kaba. Namumutla din siya at pinag papawisan.

"Jake bakit?" Tanong ni Jerome kay Jake. Nilingon naman siya ni Jake ngunit mukhang hindi siya maka sagot. Nangangatog ang kaniyang mga labi habang pinipilit niyang mag salita.

"K-kuya... m-may nabangga tayo." Uutal utal niyang usal habang tinuturo ang labas nang kotse.

Mabilis naman kaming nagsi babaan at tinignan ang aming paligid. Mabilis naman siyang bumaba at tumulong na sa amin sa pag hahanap.

Tinignan ko naman ang ilalim ng kotse ngunit wala akong nakita kahit na anong nasa ilalim nito.

"Mukhang wala naman yata eh." Saad ni Adan saka lumapit sa amin. Tumayo naman ako saka nilapitan si Jake na hindi parin mapakali.

"Wala naman eh." Ani ko na inilingan niya lang nang mabilis.

"Hindi! Hindi! Nakita ko! Nakita mismo nang mga mata ko kung papaano nating mabundol yung babae kanina. Nakita ko! Nakita ko!" Paulit ulit niyang wika.

"Baka naman na malik mata kalang?" Tugon ni Jerome sa kaniyang kapatid.

"Oo nga baka nga namalik mata kalang. Wala namang babae dito eh. Saka baka kulang kalang sa tulog?" Dagdag ko. Napakawala naman siya nang malalim na buntong hininga saka siya naunang pumasok sa kotse.

Nagka tinginan muna kami bago kami sumunod sa kaniya. Nang makapasok na kaming lahat ay nagsimula na ulit si Jerome na paandarin ang makina.

"Malapit na tayo." Pag bibigay alam niya sa amin. Muli naman akong bumalik sa aking pag iisip sa maaaring mangyari sa amin mamaya.

Nang Muli nanamang nahinto ang aking pag iisip nang muling huminto ang aming sinasakyan.

"Hinto!!"

A/N:

Sorry po sa mga errors try ko pong mag edit pag may free time napo ako.

No plagiarism. Plagiarism is a crime.

Umbrella Donde viven las historias. Descúbrelo ahora