Chapter 31

32 1 0
                                    

Jake's POV

Agad na inihinto ni tita Nimpa Ang sasakyan Ng makarating na kami sa aming destinasyon.

Bumitaw muna Ako Ng Isang malalim na hininga Bago Ako nag simulang mag lakad papasok sa Bahay nila kuya Adan.

Sa aming pag pasok mga taong nag dadalamhati sa kaniyang pagka Wala Ang agad na bumungad sa amin. Parang kakapusin Ako Ng hangin sa Lugar na ito habang Sila ay aking pinag mamasdan.

Agad na hinanap nang aking mga Mata si tita Cecil, Ang Ina ni kuya Adan.

Natagpuan ko siyang naka upo sa gawing kanan malapit sa kabaong kung saan naka himlay si kuya Adan.

Muli naman akong humugot Ng lakas Saka Ako nag lakad papalapit Kay tita. Nang Nasa kaniyang harapan na Ako ay agad Kong iniyuko Ang aking ulo bilang pag bigay galang sa kaniya.

Naikuyom ko naman Ang aking mga kamao nang maramdaman ko Ang panginginig nang mga ito.

"P-" Hindi ko na natuloy pa Ang pag hingi ko Ng tawad dahil hinawakan nito Ang aking balikat Saka Ako hinila upang maupo sa kaniyang tabi.

Sandaling katahimikan Ang namumuo sa pagitan naming dalawa Hanggang sa dumating Sila kuya at ginawa Rin Ang pag yukong ginawa ko kanina.

Ngunit katulad Ng ginawa sakin ni tita Cecil, hinila lang Niya Sila kuya at pinaupo sa tapat naming dalawa. Nagka palitan pa kami Ng mga tingin dahil sa pag tataka Ng Isang malungkot na ngiti Ang siyang umukit sa mga labi ni tita Cecil.

"Inaasahan ko nang mangyayari ito." Halos pabulong nalang nitong Sabi.

"Nung Araw na nag paalam siya sa akin upang sumama sa inyo sa Davao alam ko nang may mangyayari sa kaniyang masama. Gusto ko siyang pigilan noon na umalis. Pero Ang mga paa ko ay nanatiling naka tayo at Ang mga kamay ko ay nanatiling naka baba at Hindi gumagalaw. Maging Ang aking bibig ay nanatiling naka tikom." Panimula nito.

"Gustong-gusto ko s'yang pigilan sa pag-alis at balaan na may mangyayari sa kaniyang masama kapag tumuloy pa siya. Pero Hindi ko magawa.." natawa pa siya Ng mahina sabay iling.

"Pero alam n'yo ba mga bata. Hindi ko siya nagawang pigilang umalis dahil Nakita ko sa kaniyang tabi Ang kaniyang mga yumaong na kapatid. Naka ngiti Sila sa akin at naka titig sa aking mga Mata na parang sinasabi nila sa akin na 'oras na nang kanilang kuya."

Oo, naalala ko Ang kinuwento sa Amin ni kuya Adan noon. May mga kapatid daw siya noon na mas bata sa kaniya. Dalawang babae ito. Kumbaga kambal Ang mga kapatid niya.

"Pasaway kung Minsan si Adan pero mabait siya. Malambing na Kuya at nakikipag laro sa mga kapatid niya. Kung Minsan panga inihihinto pa Niya Ang kaniyang ginagawa para lang makipag laro sa kaniyang mga kapatid. Ginagawa Niya Ang lahat para lang matugunan Ang pag kukulang nang tatay nila sa kanilang mag kakapatid." Pag ku-k'wento ni tita Cecil.

"Ang tatay nila ay Isang lasingero, walang pangarap sa Buhay at mainitin Ang ulo. Hindi ko nga alam kung bakit ko nagustohan Ang taong 'yon, Samantalang mahilig siyang manigaw at manakit." Umiling ito Saka kami binigyan Ng Isang malungkot na ngiti.

"Kakauwi ko lang non galing sa trabaho Ng maabutan Kong maraming pulis at taong naka palibot sa labas Ng Bahay namin. Ang Akala ko noon ay may nakaaway Nanaman Ang aking Asawa kaya kalmado akong naglalakad papalapit sa kaniya. Pero kada hakbang na ginagawa ko ay bumibigat Ang aking pakiramdam hanggang sa Makita ko Ang nasa Loob Ng aming Bahay." May tumulong luha Mula sa kaniyang mga Mata na agad Niya ding pinunasan.

"Ikinuwento lang sa akin Ng mga pulis at Ng aming mga kapitbahay Ang nangyari habang Wala Ako sa aming Bahay. Laking pasasalamat ko noon na natira sa akin si Adan. Na kahit papaano may natira sa pamilya ko. Pero Hindi ko din Naman inaasahan na agad din siyang kukuhanin sa akin. Hindi pa siya nakaka graduate, Hindi ko pa siya nakikitang umakyat sa entablado tulad Ng pangarap Niya." Sandali siyang huminto sa pag sasalita kaya agad siyang dinaluhan ni tita ni Nimpa Saka siya hinagod sa likod.

Napa tingin Naman Ako sa kabaong na Hindi lang kalayuan sa Amin. Nakita Kong naka Tayo doon si kuya at Makikita sa kaniya Ang madilim niyang awra Dala Ng kalungkutan.

Agad din Naman akong tumayo Saka tumabi Kay Kuya at pinag masdan si kuya Adan na parang natutulog lang sa kaniyang kama.

Alam Kong masakit para Kay Kuya Ang nangyari Lalo na at Isa siya sa matatalik na kaibigan ni kuya Adan. Silang tatlo nila kuya Aron ay kilala bilang 'the Great Trio' dahil kahit saan ay talagang Makikita mo ang pagkakaisa nilang tatlo. Hanggang sa isali nila Ako sa grupo Nila.

Pero ngayon kaming dalawa nalang ni kuya Ang natira sa grupo. Hindi ko inaasahan na ganito Ang mangyayari sa Amin matapos Ang lahat Ng pangyayaring ito.

"Patawad.." sandali akong napa lingon Kay Kuya at kita ko Ang hinanakit sa kaniyang mukha habang naka tingin Kay Kuya Adan. Yumuko ito Bago siya tumalikod at nag simulang mag lakad papaalis.

Binigyan ko na din nang Isang huling sulyap si kuya Adan Bago Ako tumalikod at mag paalam Kay tita Cecil na aalis na kami. Nag paalam na din si tita Nimpa at sabay na kaming lumabas Ng kanilang Bahay.

Tahimik kaming nag lalakad ni tita Nimpa maging sa pag pasok namin sa loob nang sasakyan. Sa aming pag sakay ay agad na Pina andar ni tita Nimpa Ang makina nang sasakyan Saka nag simulang umandar ito at nilisan na din Namin Ang Bahay nila kuya Adan.

Habang kami ay nasa biyahe ay tanging tunog lang nang makina Ang maririnig. 'Ni Isang imik sa aming tatlo ay Wala. Minabuti ko nalamang na ibaling sa labas nang bintana Ang aking paningin Ng may mahagip Ang aking mga Mata na sandaling nakapag patayo sa aking mga balahibo.

"Sana mamayapa Sila Ng mas maayos." Ani tita Nimpa. Hindi lang pala Ako Ang naka kita sa kanila.

Lahat Sila..

Lahat Sila ay namamaalam na sa Amin.

*****
Author's Note:

Sorry po sa mga errors try ko pong i-edit pag may free time napo Ako.

No plagiarism. Plagiarism is a crime.

Umbrella Where stories live. Discover now