Chapter 2

119 4 0
                                    

Aron's POV

Nandito ako ngayon sa aming classroom at naka tulala sa labas ng bintana dito sa third floor ng senior building.

Nag pakawala naman ako ng buntong hininga dahil sa nangyari sa aking kapatid. Nalaman Namin nang dahil sa Isang masamang panaginip ay namayapa siya.

Ganoon rin ang sinabi ng doctor. Pero hindi parin talaga ako makapaniwala na namatay ang kapatid ko nang dahil lang sa masamang panaginip.

Ano naman kaya ang napanaginipan niya at nangyari sa kaniya ang ganitong pangyayari?

"Bro ayos kalang ba?" Nagising lang ako sa malalim na pag iisip ng isang tinig ang biglang pumasok sa aking isipan. Nilingon ko naman ang aking kaibigan na may dala-dalang kape Ng Starbucks at inabot ito sa akin.

Naupo naman siya sa aking harapan bago naki tingin sa labas. "Bro, nakikiramay ako sa nangyari sa kapatid mo." Malungkot nitong sabi.

Napa ngiti nalang ako nang malungkot saka ako nag pasalamat sa kaniya. Namuo naman ang katahimikan sa aming pagitan.

Kahapon lang nailibing ang kapatid ko dahil ilang beses umayaw si mama na ipalibing si Chary. Ayaw sana ni Mama ipalibing si Chary pero pinilit lang siya ni papa. Hay buhay nga naman.

"Oo nga pala pare, diba nabanggit mo sa akin na nag pakita sayo ang kapatid mo kahapon lang? Tapos may bitbit bitbit siyang pulang payong at may kasama pa siyang isang babae? Ano naman ibig mong sabihin sa bagay na iyon?" Tanong nito sa akin na hindi ko masagot.

"Naku! Pare baka ibig sabihin no'n ay isusunod kana niya?" Napa iktad naman ako nang bigla biglang magsalita sa pagitan namin si Adan.

"Ano ka ba naman?! Hindi magandang biro iyon pare!" Inis na saad ni Jerome.

"Pero malay ninyo nga ayon ang ibig sabihin?" Curious kong tanong. Pareho naman silang napatayo dahil sa sinabi ko saka ako sinamaan ng tingin.

"Bro! Wag kangang mag biro! Paano mo nasasabi ang ganiyang kasamang bagay?! Saka kung sakaling mamamatay ka mauubos ang mga gwapong nilalang sa mundo!" Tinuro turo naman ako ni Jerome na tila hindi makapaniwala na nasabi ko ang bagay na iyon.

"Oo nga naman pare! Saka biro ko lang naman iyon kanina eh!" Dagdag ni Adan.

Napa tawa naman ako nang mahina saka tinapik pareho ang kanilang mga balikat dahilan upang mapa kalma silang dalawa at muling maupo sa kanilang kinauupuan.

"Haha, biro lang iyon!" Saad ko saka muling tumawa. Napa iling naman sila ng sabay habang naka ngiti.

"Sira ka talaga!" Natatawang saad ni Jerome habang humihigop ng kape na dala-dala niya kanina.

"Magagawa ko ba namang iwanan ang mga kaibigan ko? Kayo talaga!" Sambit ko saka humigop narin ng kape bago pa ito lumamig.

"Dapat ba kaming kiligin sa sinabi mo?" Mapang-asar na tanong ni Adan na sabay sabay lang naming tinawanan.

Ilang minuto pang pag tawa at muli namang may namuong katahimikan sa aming paligid nang malalakas na hiyawan ang nanira sa katahimikang namumuo sa aming mag kakaibigan.

Nagka palitan muna kami nang tingin tatlo bago kami sabay sabay na sumilip sa bintana at nakita namin kung papaano mag takbuhan ang nga estudyante papalayo sa isang lalaki at sa isang babaeng naka hilata na sa sahig.

Muli naman kaming nag palitan ng tingin bago tumakbo papalabas ng building namin at nag punta papalapit sa pinanggalingan ng mga sigawan.

Pagka baba palang namin ay mga nag kukumpulang estudyante ang aming nadatnan. Nakipag siksikan naman kami sa mga kumpulang estudyante hanggang sa marating na namin pare-pareho ang gitna.

Nang marating namin ang gitna ay isang babaeng malamig na bangkay nalang ang aming nasalubong. May katabi siyang isang lalaki nasa tingin ko ay kuya nung babae dahil magka hawig sila ng mukha.

Dilat ang mukha nang babae habang may nakatarak na malaking basag na salamin sa kaniyang tiyan. Natulala naman ako sandali sa aking nasaksihan hanggang sa mapadako ang aking mata sa pulang payong na katabi lang nang babaeng patay.

"Pare, y-yung payong...." mahinang bulong sa akin ni Adan habang si Jerome ay tulala sa mag kapatid.

"Huh?"

Ilang sandali pa at naka rinig kami ng sirena ng pulis at ang boses nang aming principal. Ang lahat ay mabilis na nagsi balikan sa kanilang mga classroom nang dumating ang principal.

Inaya naman ako nang mga kaibigan ko na pumasok narin kaya tumango nalang ako saka binigyan ng huling tingin ang babaeng walang buhay na naka hilata sa hita nang kaniyang kapatid.

Habang nag lalakad naman kami pabalik sa aming classroom ay napa gawi sa may field ang aking mga mata at isang babae ang aking nasilayan.

"Oh? Pare bakit ka napahinto? May naiwan kaba?" Takang tanong nila Jerome saka ako nilapitan ngunit nanatiling naka tingin sa babaeng may hawak na pulang payong ang aking mga mata.

Mabilis namang kumilos ang aking mga paa saka tumakbo papunta sa direksyon ng babaeng iyon. Nang malapit na ako sa kaniya ay isang mapag larong ngisi ang nakita kong sumilay sa kaniyang mga labi bago umihip ang malakas na hangin dahilan upang mapa pikit ako. At sa aking pag dilat ay wala na yung babaeng kanina lang ay naka tayo sa aking harapan.

Nagpa linga linga naman ako upang hanapin ang babaeng iyon. Pamilyar siya sa akin. Hindi ako pwedeng magkamali.

Narinig ko naman ang boses nang aking mga kaibigan na tumatakbo rin papalapit sa akin. Hindi ko muna sila pinansin dahil hinahanap ko parin ang babaeng kakakita ko lang kanina na naka tayo rito.

Nasaan na siya? Anong ginagawa niya rito?

"Pare! Ano bang problema mo at bigla ka nalang tumatakbo?" Hinihingal na tanong sa akin ni Jerome habang si Adan ay naka tukod sa kaniyang tuhod at nag hahabol parin ng hininga.

Huminto naman ako sa kanilang harapan habang iginagala parin ang aking mga mata sa paligid namin at patuloy parin siyang hinahanap.

"Pare!" Sabay na nilang tawag sa akin. Mabilis ko naman silang binalingan saka binigyan ng nag aalalang tingin.

"P-pare, ano bang klaseng tingin iyan? Pinapakaba mo naman kami eh." Kabadong tanong sa akin ni Adan.

Muli naman akong nag palinga linga saka sinagot ang kanilang katanungan.

"Mga pare, Nakita ko... nakita ko siya." Saad ko habang patuloy sa pag hahanap sa babaeng naka pulang payong na nakatayo rito kanina.

"Sino naman pare? Crush mo?" Mapang asar na tanong sa akin ni Adan. Mabilis naman akong umiling saka sila hinarap.

"Si Chary... Ang kapatid ko."

Sabay na nawala ang mapang asar nilang ngiti ay napalitan nang takot habang naka titig lang nang maigi sa akin at pinag aaralan ang aking ekspresyon kung nag sisinungaling ba ako.

"A-ano kamo...?"

A/N:

Sorry po sa mga errors try ko pong mag edit pag may free time napo ako.

No plagiarism. Plagiarism is a crime.

Umbrella Where stories live. Discover now