Chapter 28

31 1 0
                                    

Adan's POV

Madilim. Wala akong Makita kung Hindi kadiliman lamang Dito sa loob Ng selda.

May liwanag man na nang gagaling sa buwan halos Hindi Naman ito naiilawan Ang apat na sulok Ng seldang ito. Maliit lang Ang bintanang mayroon Ako sa silid kung saan naroroon Ako upang mapasukan Ng liwanag.

Nag pakawala Ako Ng Isang malalim na buntong hininga Bago tumayo sa kama at naupo sa sulok Ng silid.

Ayoko na Dito, pero Wala Naman akong magagawa kung Hindi Ang manatili Dito sa loob.

Napa ngiti Naman Ako Ng may halong lungkot. Gusto ko.... Gusto kong bumalik kami sa dating Buhay Namin. Payapa at Walang kaguluhan. Kaso mukhang malabo na.

"Kuya..."

Napa iktad Naman Ako sa gulat nang may marinig akong boses nang Isang bata na parang tinatawag Ako.

"Kuya..."

Dali-dali akong napa Tayo at lumayo Mula sa aking pinag kakaupuan. Inilibot ko Ang aking paningin sa aking buong paligid ngunit Wala akong makitang bata.

Masyadong maliit Ang silid na ito upang pag taguan nang mga bata. Baka Naman guni-guni ko lang?

"Hihi! Kuya! Kuya!"

Napa takip Ako nang aking mga Tanga dahil sa paulit ulit na pagtawag nito sa akin. Bawat salitang lumalabas Mula sa kaniyang bibig ay tila umuugong sa aking isipan.

Ilang sandali pa Ako nitong paulit-ulit na tinatawag Hanggang sa dumami Ang boses nito. Mga tinig nang mga bata na umiiyak Ang iba Naman ay tumatawa. Nag sasabay Ang mga ito na siyang umuugong at nag papasakit sa aking ulo.

"T-tama na... Tama n-na..."

Dahan-dahan akong napa upo habang naka takip parin Ang aking mga kamay sa aking mga Tainga.

Nanginginig Ang aking mga tuhod at kamay habang nilalabanan Ang mga boses na paulit-ulit paring umuugong sa aking isipan.

Tuwing Gabi lagi ko nalang silang naririnig. Nag mamakaawa na tulungan ko Sila. Umiiyak Sila habang naka upo sa sulok Ng silid ko at tumatawa habang naka silip sa dulo Ng kama ko.

Hindi Kona kaya, natatakot na Ako. Ayoko na Dito. Tulungan ninyo Ako... Parang awa ninyo na.

Naipikit ko na lamang Ang aking mga Mata sabay dukdok nang aking mukha sa sahig at pilit dinidiinan Ang pagkakatakip nang aking mga kamay sa aking mga Tainga.

Ilang sandali pa at nawala narin Yung mga tinig na naririnig ko. Naka hinga Naman Ako nang maluwag Saka dahan-dahang umayos Ng upo.

Ngunit sa aking pag angat nang aking ulo ay dalawang batang babae Ang siyang bumungad sa aking harapan. Duguan at mapuputla Ang kanilang mga mukha.

Ngunit imbis na makaramdam Ako Ng takot ay parang nakaramdam Ako nang awa sa kanila. Dahan-dahan kong itinaas Ang aking mga kamay at inilagay ito sa kanilang mga pisngi.

Hindi nawawala Ang nakakakilabot na ngiti sa kanilang mga labi ngunit Hindi man lang Ako nakaramdam Ng takot dahil mas nananaig Ang awa ko para sa kanila.

Umbrella Where stories live. Discover now