Chapter 15

46 2 0
                                    

Aron's POV

"Tara na."

Naramdaman ko Naman Ang pag init Ng aking mga pisngi nang Makita ko si ate Nimpa. Naalala ko Nanaman Yung panaginip ko.

Nagawi Naman sa akin Ang kaniyang paningin sabay Taas nito Ng kilay Kaya't agad akong napa iwas Ng tingin at napakamot sa batok. Napailing nalang Ako Saka Ako sumunod sa kanila papasok sa kotse.

Habang nasa biyahe kami ay ibinalita sa Amin ni ate Nimpa na nailigtas na daw Niya Sila lola Eki at Lolo Martin. Nung Araw na nawala siya ay Yun Yung Araw na humingi siya Ng tulong para malayo Yung mga magulang Niya. Mabuti nalang at okay lang Sila.

Sandali namang may namuong katahimikan sa pagitan naming Lima, Hanggang sa binasag ito ni ate Nimpa at nag paliwanag patungkol sa Marka Ng kamatayan.

"Sa totoo lang Hindi ko talaga alam kung saan nag simula Ang ispiritu ng Marka Ng kamatayan. Ikinuwento lang sa akin iyon ni nanay kaya ikinuwento ko rin sa inyo." Panimula nito habang naka tutok sa pag mamaneho Ang kaniyang atensyon.

Katabi ni ate Nimpa sa passenger seat si Jake habang kaming tatlo ay tabi tabi sa likod.

Tinignan kami nito sandali gamit Ang rear view mirror Saka muling nag focus sa kalsada at nag patuloy sa pag kukuwento.

"Medyo na curious Ako about sa Marka na sinasabi nila nanay kaya nag simula akong mag research about don. Pero kakaunting impormasyon lang Ang nalaganap ko." Nanatiling bukas Ang mga tainga Namin sa kaniyang mga sinasabi.

"Pero Ang lahat ay sinasabing galing ito sa Isang sumpa. Hindi ko maintindihan kung Ano Ang ibig nilang sabihing 'sumpa'. Sumasakit lang Ang ulo ko kapag pinipilit Kong makuha Ang buong meaning non." Sandali pa itong napa hawak sa kaniyang sentido Saka minasahe ito sandali.

"Pero sa pag kakaintindi ko Ang sumpa ay nag simula sa Isang pamilya. May koneksyon yata ito sa Family Yumso. Isa pa para sa akin Yung Marka Ng kamatayan na iyan..." Sandali pa itong huminto sa pag sasalita at Saka Ako pinasadahan Ng tingin sa rear view mirror na agad Kong iniwasan.

"... Para sa akin Isa itong pag sundo o pag hihiganti."

Sandali Naman Akong natigil sa sinabi Niya. "Pagsundo??" tanong ni Jerome sabay tingin sa akin.

"Pag hihiganti??" Tumingin Rin sa kin si Adan sabay muling baling Kay ate Nimpa.

"Oo, naisip ko lang Kasi na sa mga kapamilya nila Sila madalas mag pakita at sa mga kapamilya din nila madalas magkaroon Ng Marka Ng kamatayan. Base sa sarili Kong pananaw, may nais silang malaman or makuha. O maaari din namang gusto lang nilang mag higanti dahil may nagawa itong pagkakamali o kasalanan sa taong yumaong." Paliwanag nito sa Amin.

Sandali Naman akong napa Yuko at napa isip Bago Ako nag salita. "Pero bakit Naman Ako nag karoon Ng Marka Ng kamatayan gayong Wala Naman akong kasalanang nagawa o ginawa??" Tanong ko Kay ate Nimpa.

Muli naman Ako nitong pinasadahan Ng tingin gamit Ang rear view mirror Saka Ako siningkitan Ng Mata at nag focus sa Daan.

"Wala nga ba??" Balik na tanong nito sa akin.

Naikunot ko naman Ang aking noo at muling napa isip. Wala akong matandaan na ginawa ko. Wala talaga, Wala akong kasalanan. Alam kong Wala akong ginawa.

"H'wag mong isipin na Wala kang ginawang kasalanan dahil Hindi mo alam Ang buong pangyayari. Kahit na Ikaw ba mismo iyan at sarili mo iyan, may mga Araw talaga na Hindi mo alam na may nagawa kana palang pagkakamali Ng Hindi namamalayan." Napa iwas Naman Ako Ng tingin at ibinaling sa labas Ang aking paningin dahil sa sinabi Niya.

"Pero... Kung naiisip mo talaga na Wala kang kasalanan, maaari namang may gusto lang siyang malaman Sayo o kaya makuhang sagot." Napa sabunot Naman Ako sa sarili Kong buhok.

Argh! Ang gulo! Sumasakit lang Ang ulo ko. Ano bang nagawa ko at ginagawa sa akin ito ni Chary? May ginawa ba Ako sa kaniya? Hindi ko Naman siya ginalaw ah? Ano paba? Dahil ba sa mga pang-aasar ko sa kanya?? Ano ba?!??!

Nahinto lang Ako sa pag-iisip nang maramdaman ko Ang pag hinto Ng kotseng sinasakyan Namin. Simulip Naman Ako sa bintana at tinanaw Ang labas kasabay nito na bumungad sa Amin Ang up and down na Bahay.

Nag sibabaan Naman kaming lahat Saka kami pumasok sa loob Ng Bahay Ng iginaya kami ni ate Nimpa sa loob.

Mayroon din siyang Bahay Dito sa Davao at Dito muna daw kami maninirahan pansamantala habang Hindi pa daw Namin naaayos Yung gulong nagaganap sa Amin ngayon.

Pagka pasok Namin sa loob ay Hindi mahahalata na mahilig sa kulay itim na kulay si ate Nimpa. Ngayon ko lang Kasi napansin na madalas siyang mag suot Ng itim na damit.

Simula sa chandelier Hanggang sa sahig may kulay itim. May ibang kulay ka panamang Makikita sa Bahay na ito pero Hindi makakaila na mas lumalamang Ang kulay itim. Parang nakakatakot tuloy sa Bahay na ito.

Malawak din ito, Sala palang Ang laki na. "Maupo kayo." Natauhan lang Ako sa pag lilibot nang marinig ko Ang boses ni ate Nimpa.

Agad Naman Namin itong sinunod Saka naupo sa kulay itim niyang sofa. May inilapag siyang miryenda sa lamesa sa harapan Namin, ngunit may kasama itong mga piraso Ng papel na Hindi ko alam kung Anong laman.

Nagka tinginan muna kaming apat Bago bumaling Kay ate Nimpa na nag sisindi Ng sigarilyo. Nakakabigla talaga si ate Nimpa.

Napa kagat Naman Ako sa pang ibabang labi Saka napa Yuko. Ano ba?! Naalala ko Nanaman Yung panaginip ko! Buwisit!

Pasikreto ko Naman siyang pinasadahan Ng tingin. Naka suot siya Ng sandong itim na pinatungan Ng brown coat. Naka suot lang din siya Ng Fitted jeans. Mahaba Ang kulay brown niyang buhok. Medyo curly Yung shape nito. Mayroon din siyang color brown na Mata at medyo may katangusan.

Masyado Kona siyang na di-describe kaya nag iwas na Ako Ng tingin Saka kinuha Ang papel na naka patong sa may tray.

Agad ko itong binuklat at Ilang words Ang pumukaw sa aking atensyon. Napa Angat Ako Ng tingin Kay ate Nimpa habang naka kunot Ang aking noo.

"Family Yumso??" Nag tataka Kong tanong rito.

Bumuga muna ito Ng usok Saka Ako tinitigan pabalik. "Oo, may Plano Ako pagka tapos Kong nakuha yang ni-research Kong iyan." Sagot nito Sabay buga ulit Ng usok.

"Ano?? Payag ba kayo??" Tanong nito sa Amin. Nag palitan muna kami Ng tinginang apat Saka nag tanguan at binalingan si ate Nimpa.

"Sige, payag kami." Walang pag-aalinlangan Kong sagot.

A/N:

Sorry po sa mga errors try ko pong i-edit pag may time.

No plagiarism. Plagiarism is a crime.

Umbrella Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon