Chapter 9

59 4 0
                                    

Nag simula ang lahat sa isang pamilya na naka tira sa isang tahimik na baryo. Doon ay nag karoon nang bali-balita na may isang sanggol na ipinanganak ng may roong itim na bungo na pinapalibutan nang itim na awra.

Bawat mamamayan na naka tira sa maliit at tahimik na baryo ay nag kakagulo dahil sa pinaniniwalaan nilang isang salot ang sanggol. Lumaganap ang balita patukol sa sanggol na ipinanganak na mayroong itim na bungo na nababalutan ng itim na awra. Hanggang sa ang balitang ito ay umabot sa pinuno na siyang namumuno sa matahimik na baryong iyon.

Dahil nga sa pina niniwalaan nang lahat na ang pag kakaroon ng itim na bungo sa unang kapanganakan pa lamang ay isang sumpa, napag kasunduan nang lahat na ialay nalang sa pitong pinunong istatwa ang sanggol.

Ang lahat ay nag kaisang ialay ang sanggol habang ang mga magulang nang sanggol ay mahahatulan nang kamatayan dahil sa pag silang nang ganoong uri ng sanggol.

Ang pitong istatwa, ito Ang mga sumisimbolo sa 'Kapayapaan, kaligtasan, katarungan, karunungan, kaligayahan, kaginhawaan, at Ang kahirapan.'

Pinaniniwalaan Ng mga Taga baryo na Ang mga istatwang ito Ang siyang mag lalayo sa kanila sa kahirapan. Pinaniniwalaan din Ng mga ito na sa pamamagitan nang pag aalay nang may Buhay ay mas lalakas Ang kapangyarihan Ng pitong istatwa.

Isa na Dito Ang pag aalay Ng mga bagong Silang na sanggol na pinaniniwalaan nilang ipinanganak Ng may sumpa. Kahit na ito ay ipinanganak na may kapansanan ay Isa na din sa kanilang Gawain na ialay Ang mga ito sa pitong pinunong istatwa, sa paniniwala na mas titibay Ang koneksyon nila sa mga makapangyarihang istatwa.

Kinagabihan ng Unang setiyembre ay napag kasunduan na nang lahat na gawin na ang pag hahatol nang kamatayan at ang pag aalay ng sanggol sa pitong pinunong istatwa.

Mahirap ang sinapit nang mag asawa sa kamay ng mga guwardiya na siyang nag babantay sa kanila habang hindi pa dumarating Ang kaparusahan para sa mag anak. Nakaranas sila ng gutom at pag hihirap.

Maka ilang beses na 'ding nakaranas nang pambubugbog ang ama nang sanggol. Samantalang ang ina nang sanggol ay naka ranas nang paulit ulit na pang gagahasa sa kamay ng mga walang pusong guwardiya.

Araw-araw na pang aabuso ang naranasan nang mag asawa. Hanggang sa dumating na nga ang araw kung kailan magaganap ang pag hahatol nang kamatayan at ang pag sasagawa mismo ng pag aalay sa pitong pinunong istatwa.

Kinagabihan ng una nang sityembre ay dinala na ang mga hahatulan at iaalay sa ituktok nang bundok na pinaniniwalaang tahanan nang pitong pinunong istatwa.

Nang madala ang mag anak ay nag umpisa na ang pag aalay. Kumuha ang pinuno ng tahimik na baryo na nag ngangala Gato nang isang patalim at walang awang pinaslang ang sanggol sa harapan mismo ng mag asawa. Tanging pag iyak na lamang ang nagawa nang mag asawa habang pinanonood nila kung papaano patayin sa mismong harapan nila ang kanilang anak.

Matapos mapaslang ang sanggol ay inihulog ito sa hukay na parang isang basura samatalang ang mag asawa naman ay walang awang pinag hahampas nang pala sa ulo ng mga sakim na guardiya.

Umbrella Where stories live. Discover now