Chapter 18

42 2 0
                                    

Aron's POV

Napa kuyom Ako Ng aking kaamo Saka lakas Loob na lumapit Kay Jake at Saka nag tanong sa kaniya.

Kanina kopa Kasi siya napapansin na palinga-linga at napansin ko din Ang pag-aalala sa kaniyang ekspreyon. Hindi Ako mapakali dahil sa kaniya kaya minabuti ko nalang na mag tanong sa kaniya.

"Jake? Ayos ka lang ba? Kung may masakit Sayo--" Hindi Kona natapos Ang aking pangungusap Ng bigla Ako nitong hinarap na may seryosong ekspreyon.

"Kuya Aron, h'wag Mona akong alalahanin. Ang mas mabuti ay mag focus ka sa goal natin ngayon. Ayos lang Ako kaya h'wag kang mag-alala." Sagot nito na Malala pa sa babae.

Nag tataka man Ako ay isinawalang bahala ko nalang Ang naging ugali nito at nag patuloy sa pag lalakad.

Nandito na kami ngayon sa loob Ng Yumso Island o mas Kilala bilang Yumso Province.

Tahimik lamang kaming nag lalakad habang taimtim na ino-obserbahan Ang bawat Lugar na aming madadaanan.

Sira-sirang mga Bahay, mga walang buhay na mga halaman, malamig na simoy Ng hangin at kung ano-ano pa. Talaga ngang abandonado na Ang Lugar na ito dahil sa itsura nito.

Nakakapang Taas balahibo Ang atmosphere Ng paligid nito. Kakaiba talaga Ang aura na bumabalot sa Lugar na ito. Masyadong nakakatakot at napaka misteryoso Rin.

Muli Kong iginala Ang aking mga Mata at Mula sa aming kinaroonan ay nahagip Ng aking mga Mata Ang Isang napakalaking mansion na tila isang kastilyo na dahil sa sobrang laki nito.

Malayo pa lamang ay mapapansin na agad ito dahil sa laki nito. Napag Alam Ko Kay ate Nimpa na ito Ang Lugar kung saan nananahan Ang family Yumso at kung saan din Ang aming destinasyon.

Tinahak Namin ang Daan papunta sa palasyo na pag mamay-ari Ng mga Yumso. Sa totoo lang ay itong buong Isla na ito ay pag mamay-ari Ng Yumso. Maituturing nga'ng Isang mayamang angkan Ang pamilyang Yumso.

Halos kalahating Oras din kaming naglakad papunta sa aming pinaka destinasyon dahil sobra Ang layo nito.

Nang marating Namin Ang mansion o mas maganda kung tatawagin nating palasyo nang mga Yumso, nang marating Namin ito ay halos mabali na Ang aking leeg dahil sa Taas nang aking pagkaka tingala.

"Tara na." Malamig na Sabi ni ate Nimpa at nauna nang pumasok sa lumang gate nang palasyo. Agad Naman Namin siyang sinundan papasok habang patuloy lang kami sa pag mamasid sa aming paligid.

"Papasok na Tayo." Nabaling sa harapan ang aking atensyon nang Hindi ko mapansin na nasa harapan na pala kami Ng pinaka pintuan Ng palasyo.

Tumango nalang kami sa kaniya bilang tugon saka marahang pinasok Ang Loob Ng palasyo. Umugong Naman nang pagka lakas lakas Ang pag bukas Ng malaking pintuan Ng palasyo.

Humugot muna Ako Ng Isang malalim na hininga Bago ko itinapak sa loob Ng palasyo Ang aking mga paa.

Sa aming pag-pasok sa loob Ng palasyo ay sumalubong agad sa Amin Ang napaka laking Sala nito. May malaking chandelier din Sila sa gitna nito na mukhang isinawsaw pa sa gintong likido.

Mapapansin na talagang matagal nang abandonado Ang Lugar na ito dahil sa dami Ng agiw na nasa paligid at alikabok.

Nilapitan na kami ni ate Nimpa at Hindi na kami binigyan pa Ng pag kakataon na ipasyal Ang aming mga Mata sa paligid. Napag desisyonan namin na mag hiwalay hiwalay Ng direksyon upang mag hanap nang mga maaaring sagot sa kalagayan Namin ngayon.

May pinapahanap din sa Amin si ate Nimpa na Isang Bagay. Isa itong libro na may cover na kulay pula at may tatak na malaking bungo sa harapan nito.

Matapos Ang aming mga pag-uusap ay agad kaming nag hiwa-hiwalay upang malibot lahat Ng parte Ng palasyo.

Magkasama kaming dalawa ni Adan, habang Sina Jake at Jerome Naman Ang magkasama. Samantalang mag-isang mag hahanap si ate Nimpa.

Pumunta kami pakaliwa ni Adan at pakanan Naman Sina Jake at Jerome. Habang si ate Nimpa Naman Ang mag hahanap sa TaaS mag Isa.

Tahimik lang kaming dalawa ni Adan habang sinusuri Ang aming paligid at lahat Ng gamit. Kung saan-saan narin kami napunta ngunit ni Isang clue ay Wala kaming Nakita. Kahit na Yung librong sinasabi ni ate Nimpa ay Hindi Namin nakita. Ilang Oras na din Ang naka lipas simula Ng mag hiwalay hiwalay kami at Hanggang ngayon ay Wala parin kaming nakikita.

"Nag sasayang lang Tayo Dito Ng Oras. Wala Naman tayong nakikita kahit ano. Tara bumalik na Tayo kala Jerome." Pag-aaya sa akin ni Adan habang tila inaantok na.

Sumasangayon nalang Ako sa kaniya dahil Wala Rin Naman kaming makitang kahit na ano Dito na konektado sa Amin. Pagka balik Namin ay nandoon nadin pala Ang magkapatid at hinihintay kami.

Umuling kami gayon din Sila. Tumango Naman si Jerome na aming tinanguan din Saka sabay sabay kaming umakyat sa hagdan upang sundan si ate Nimpa.

Nang marating namin Ang ikalawang palapag ay Nakita agad namin si ate Nimpa na naka tulala sa Isang malaking litrato na naka dikita sa pader.

Nilapitan Namin ito at sinabing Wala kaming Nakita ngunit agad kami nitong pinatahimik at maigi pang pinag masdan Ang malaking litrato.

Nilingon Kona Rin Ang malaking litrato na kaniyang pinag mamasdan at napansing Isa pala itong family picture Ng pamilyang Yumso.

Malaking pamilya pala Ang mayroon Ang mga Yumso. Ang laki Ng angkan nila.

Habang tinitignan Ang lumang family picture Ng mga Yumso ay may napansin akong kakaiba Mula rito.

Napansin ko Mula rito Ang isang babae na naka hiwalay sa mga Yumso na nasa litrato nasa bandang likuran ito habang may yakap na libro, may Kasama Rin siyang Isang katulong Mula sa likuran. Pinag masdan ko ito Ng mabuti dahil may kakaiba sa kaniya. Siguro ay iyon din Ang pinag mamasdan ni ate Nimpa??

Ilang minuto pang katahimikan at nakuha ko rin kung ano Ang nais ni ate Nimpa. Ang mas nakakagulat pa ay Kilala Namin kung sino Ang babaeng nasa litrato at may hawak ng libro na aming hinahanap. Maging Ang Kasama nito.

Nilingon ko Naman Yung apat at napansing naka tingin Rin pala Sila sa akin. Mukhang alam narin nila.

"Ang tagal nating nag hanap Ng kasagutan. Nasa kanila lang pala."

****
A/N:

Sorry po for no long update. Sorry din po sa lame update masyado lang pong busy sa school.

Sorry po sa mga errors try ko pong i-edit pag may free time napo Ako.

No plagiarism. Plagiarism is a crime.

Umbrella Where stories live. Discover now