Chapter 13

15.4K 570 158
                                    

Nandito ako ngayon sa library dahil tapos na ang first subject ko. Si Rei, nasa pangatlong subject na nya. Mamaya pang 1:30 ang next class ko at 11:09 pa lang. Matutulog na lang muna ako.

Kumuha ako ng isang libro at pumunta sa hindi madalas puntahan ng mga estudyante. Binuksan ko ito at ipinatayo saka ko inihiga ang ulo ko sa table at iniunan ko yung kamay ko. Sa ganitong oras ay talagang inaantok ako. Ayaw ko naman pumunta sa canteen dahil wala akong kasama. Ayaw kong pumila.

Galing na ako actually sa garden kanina, kaso ang ingay nung mga nandon malapit sa lagi kong pwesto kaya umalis nalang ulit ako at pumunta dito sa library.

Masarap na ang tulog ko ng maramdaman kong nagva-vibrate yung phone ko. Nang tignan ko ang caller, bigla akong napa-ayos ng upo. Si Miss Harper, tumatawag. Hala! Miss na ata ako.

Ehem.

"Hello, Miss." Sagot ko dito. Mahina lang ang pagsasalita ko dahil nasa library nga ako. Bawal mag-ingay.

Hindi ko mapigilang madismaya ng narinig ko ang nagsalita. "Ate pretty!" Masiglang tawag sa akin ni Brielle. Huhu. Sorry na baby, kala ko kasi miss na ako ng mommy mo.

"Yes, baby?"

"Dito ka na po mag lunch sa office po ni mommy, pleasssseeee" pinahaba pa niya yung please niya. Jsko po, paano ko matatanggihan kung ganyan ka-cute yan.

Tinignan ko muna ang oras at magt-12:10 na.

"Okay, baby. Wait me there."

Narinig ko pa siyang sumigaw at nag yes pagkarinig sa sagot ko. "Okay, ate pretty! See you here! Bilisan mo po ha?" Kung makautos naman to, oh.

"Okay po." Sagot ko na lang dito at pinatay na ang tawag.

Tumayo na ako at isinakbit ang bag ko. Kinuha ko rin yung book na kinuha ko kanina at sinauli sa shelf.

Chill lang ako sa paglalakad dahil kahit walang pake sa akin si Miss - joke! - ayaw ko ng magalit pa siya lalo. Baka mag transform na yon ng dragon tapos bugahan ako ng apoy.

Pagdating ko sa office ni Miss ay kumatok ako. Agad din naman akong pinagbuksan ni Miss.

"Good afternoon po." Bati ko dito.

"Afternoon" wow! Papahanda na ba ako at binati niya ako ng pabalik? Okay! At dahil diyan, bati na kami.

Haha.

"Ate, pretty!" Sinalubong agad ako ng yakap ng bata at halik sa pisngi. Ang batang to.. baka maubos na niyan pisngi ko kakahalik nito, wala ng matitira sa mommy niya soon.

Meron, sa labi!

Hala, self! Ang bastos mo mag-isip!

"Let's eat."

Sabay na kaming pumunta ni Brielle sa may table ng magsalita si Miss. Kinuha ko muna yung upuan sa tapat ng computer sa gilid at nilagay sa harap nila Miss. Nasa kanya si Brielle ngayon. Si Miss na raw ang magpapakain sa kaniya.

Inilabas ko yung baon ko at inilapag na sa harap ko.

"Wow! Is that nuggets po?" Tanong ni Brielle pagkabukas ko ng baonan ko.

Tumango naman ako sa kanya. "You want?" I asked her. Mabilis naman itong tumango din.

Itinulak ko palapit kina Miss yung nuggets at agad naman tumusok si Miss sa tinidor at ibinigay kay Brielle.

"Kuha din po kayo, Miss." Saad ko at inilapit pa yung iba kong pagkain. May rolled egg, chicken, and tocino. Puro fried lahat kasi mas gusto ko yon. May sauce din naman.

Her SaviorOnde as histórias ganham vida. Descobre agora