Chapter 19

14.4K 523 52
                                    

Badtrip! Oo! Inis ako dahil kung kailan naman naisipan ko ng umpisahan ang "Operation: Make Miss Harper Fall for me" saka pa ako nagkasakit. Dahil sa takot ko kahapon ay nawala sa isip ko na madali lang akong magkasakit lalo kapag naulanan at heto ako ngayon, balot na balot at halos hindi na makabangon sa kama.

Ala-una na ngayon ng hapon at nandito mula kanina ay hindi pa ako bumabangon.

I already informed Rei that I'm sick at kung pwedi, pa-excuse muna ako sa mga teacher namin. She even wants to go here, kaso sabi ko huwag na at baka mahawa pa.

Sa sama ng pakiramdam, hindi ko namalayang nakatulog nanaman ako at nagising lang ulit ng may naramdaman akong humahaplos sa pisngi ko. I opened my eyes and a beautiful woman is now smiling at me.

"How are you, princess?" Malambing na tanong nito sa akin.

"I'm fine, mom." Paos kong sagot dito.

Sinalat niya ang noo ko at napailing dahil siguro sa mainit pa rin ako. Bumuntong hininga ito at tumayo pero hindi ko na ito pinansin dahil parang ang bigat bigat ng talukap ng mata ko at pilit akong pinapatulog.

Pagkakinabukasan ay medyo nahihilo pa ako pero sinabi ko kina mommy na okay na ako at kaya ko ng pumasok. Napagalitan pa ako, but nagpumilit ako para  lang payagan.

The truth is, gusto ko lang talagang makita si Miss Harper kaya kahit ayaw ni mommy ay sige pa rin ako.

Nandito na rin naman ang kotse ko na naiwan nung martes sa school. Pinakuha ni daddy kahapon sa secretary niya.

Umalis na rin pala kahapon sina Kuya Sam at Kiya Kris. Hindi na ako nakasama sa paghatid sa airport pero dinaanan muna nila ako para magpaalam. Si Mama Alice naman ay nakila tito Jay na. Nung martes pa, kaya pala mabilis lang din akong napuntahan ng dalawang magkapatid dahil malapit lang sila.

"London? Kumusta? Okay ka na ba?" Salubong ni Rei sa akin pagpasok ko sa room.

Tumango ako dito.

"Buti naman. Pero yung crush mo, mukhang hindi pa."

Napatingin ako dito ng nagtataka. Crush? Sinong crush? Isa lang naman crush ko ha.

"Who?" I asked her.

"Edi si Miss Turn--hmm" tinakpan ko ang bibig nito dahil ang lakas ng boses at baka may makarinig pa. Tsk!

"Sana in-announce mo na sa buong room no?" Mataray na saad ko dito.

"Pwe! Ano ba yan. Ang alat ng kamay mo!" Reklamo nito pagtanggal ng kamay ko.

"Okay lang yan, kakatapos ko lang naman mag CR." Biro ko dito pero nanlaki naman ang mata niya at hinampas pa ako.

"Aww! Ano ba?" Inis kong sabi.

"Kadiri ka naman e!" Reklamo niya ulit. Kaya inikutan ko siya ng mata.

"Gaga. Naniwala ka naman? Uto-uto amp. Pero teka nga! Ano ibig mong sabihin kanina?" Tanong ko dito.

"Tsk. Si Miss Turner, absent siya kahapon dahil may sakit, nagulat nga din ako kasi sabay pa kayo. Tapos kanina, sabi ng mga may first subject sa kanya, wala pa rin daw ito." Paliwanag niya.

Damn. I did not know na nagka-sakit din siya. I know it's my fault dahil naulanan siya nung martes dahil sa akin.

At dahil sa nabalitaan, halos maghapon akong wala sa sarili at iniisip siya.

Kumusta na kaya siya? May nag-aalaga ba sa kanya? Ang pagkakatanda ko, silang dalawa lang ni Brielle ang nasa bahay and wala si Brielle ngayon, so siya lang mag-isa? Oh gosh!

Her SaviorWhere stories live. Discover now