Chapter 31

14.2K 613 182
                                    

"I need to go to the company today, and I can't leave Brielle here alone. I can't take her either because I can't watch her there too. Yuna is in out of town, so even I don't want, you are the only option I have right now " paliwanag ni Miss ng itanong ko bakit ako pinapunta dito.

I mentally hissed because I thought she missed me kaya niya ako pinapunta dito.

But nevertheless, it's fine with me naman since si Brielle naman to. I don't care kahit ipabantay pa sa akin ito ng habang buhay.

Tumango ako kay Miss at ngumiti kay Brielle. "Is that fine with you baby? Ako muna bantay mo."

Mabilis naman itong tumango. "Of course, mommy pretty." Masiglang sagot niya.

Ngumiti ako sa kanya at pinunasan ang gilid ng labi niya. Nasa hapag pa kasi kami. Kumakain. Nagluto si Miss ng kalderetang manok and tocino, tapos may egg pa.

"Don't you like this?" Napatingin ako kay Mommy Miss ng tanungin niya ako at tinuro yung kaldereta.

"Eh? Why po? Kumakain naman po ako." Takang tanong ko.

"'cause you eat a little."

Napatingin naman ako sa pagkain ko. Ay. Oo nga. Kaunti lang ang kinuha kong kaldereta. Puro tocino at egg ang kinakain ko.

"Ha... Hindi po kasi ako mahilig sa may sabaw o sarsa, Mommy. Mas gusto ko po yung mga fried lang." Napakamot pa ako ng pisnge ng sagutin siya.

Siya naman ay nagsalubong ang kilay pero hinayaan na ako at kumain na ulit.

"How about sama nalang po kami sayo, mommy? Tapos doon ko nalang bantayan si Brielle." Tanong ko kay Miss ng nag-aayos na ito ng gamit niya. Mabilis naman itong napatingin sa akin at tinaasan pa ako ng kilay.

Tama naman diba? At least doon, makikita ko pa siya. Hehe.

Para-paraan ~~

"Yes mommy! Sama nalang po kami ni Mommy Pretty. Please mommy? Promise, magbebehave po kami doon. Diba po mommy pretty?" Patalon talon pa ang bata, ang cute.

"Yes baby." Sagot ko dito at ginulo ang buhok.

Sabay kaming tumingin ni Brielle kay Miss at ngumiti ng malawak...

"No, just stay here. I won't be long, so that I can go home immediately. Mackenzie, don't go outside, even if you're with Brielle. You know your conditions."

Sabay naman kaming napanguso ni Brielle sa sagot nito.

"Please, mommy, please? Maboboring lang po kami ni mommy pretty dito." Anak ng! Akalain niyo yon, bata pa lang alam na yung pakiramdam ng maboring?

"No, baby. Just play here, watch or whatever you want to do." Pag-aro naman ni Miss pero itong isa naman ay suminghal lang at nagcrossed arm at pinahaba pa ang nguso. Ang cuteee. Para siyang bibeng nagtatampo. HAHAHAHA.

"Baby.." malambing na tawag ni Miss kay Brielle pero hindi ito pinansin ng bata at lumapit sa akin. Niyakap ako nito at isiniksik ang ulo sa leeg ko.

Napatingin ako kay Miss ng bumuntong hininga ito. Sa itsura ngayon ni Mommy Miss parang nagdadalawang isip na siya kung isasama kami o hindi. Hehe.

"Fine. Come here and let's change your clothes first before we go." Pag suko ni Miss.

Mabilis namang humiwalay sa akin si Brielle at malawak na ngumiti sa mommy. Ang galing! Ang galing niyang umarte. Itong si mommy naman niya, uto-uto. Hehe.

"Yayyy! Thank you mommy. I love you." Masiglang saad niya at hinalikan pa si Miss.

Pumunta sila sa kwarto upang bihisan si Brielle. Ako naman ay nagpaiwan na dito.

Her SaviorWhere stories live. Discover now