Chapter 17

14.3K 575 187
                                    

Kasalukuyan gumuhuhit ngayon si Brielle sa tabi ko habang ako naman ay inuumpisahan ng sagutan ang mga dapat kong sagutan dahil nga halos buong week akong absent last week.

"Ate pretty?" Tawag pansin sa akin ng bata.

"Hmm?"

"Where were you last week?" Tanong nito sa akin. Napatigil naman ako dahil dito.

Should I tell her?

"I.. ahm..." Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi dahil hindi ko din alam kung maiintindihan niya. Pero sa talino ng batang ito, bakit pa ba ako magda-doubt, right?

Napabuntong hininga nalang ako at binuhat siya pakandong sa akin.

"Baby.."

"Yes?"

"Last week. My dada left us." Mahina kong sabi dito.

"Who's dada?" She asked.

"My man, my boy, my partner, my grandfather. One of my favorite person in the whole world." Nakangiti kong sagot pero alam kong nakikita niya yung lungkot sa mga mata ko.

"Where did he go po?" She innocently asked again. Damn. Naiiyak nanaman ako.

"Heaven." Simpleng sagot ko at muli, hindi ko nanaman napigilan ang umiyak kaya niyakap ako ni Brielle.

"I miss him, baby. I miss my dada." Sumbong ko sa bata na akala mo ay matanda lang na kasama at kausap ko.

"Don't worry ate pretty. I will tell daddy to look after your dada po. Because daddy is in heaven too." Napatingin ako bigla dito at nakita ko din ang ngiti ngunit alam mong pilit lang.

"I'm sorry to hear that, baby. I did not know." Sabi ko at niyakap itong muli. Kaya pala sabi niya wala na siyang daddy at iniwan na siya nito.

"Don't cry na po, ate pretty. Mommy doesn't want you cry po." Napangiti ako sa narinig ko sa kanya kaya lumawak na ang ngiti nito. This time, abot hanggang mata.

"Really? How can you say that?" Tanong ko.

"Kasi po kanina, I saw her staring at you while you were sleeping po. Tapos sad siya." Lalong lumawak ang ngiti ko. Damn. Ini-imagine ko palang, kinikilig na ako.

"Really?" Ulit kong tanong sa kanya na ikinatango nya.

"Yes po, ate pretty. So, don't cry na po ha? Wag ka na rin pong sad, para hindi na rin sad si mommy." Paki-usap nito sa akin. Tumango ako sa kanya at hinalikan sa pisngi.

"Let's continue na yung ginagawa natin, baby." Saad ko at ibinaba na muli mula sa kandungan ko. Itinuloy nya lang yung ginagawa niya at ganon din ako.

Ilang oras na kami dito sa loob ni Brielle at maga-alas kwatro y medya palang ng hapon. May kalahating oras pa bago bumalik si Miss Harper.

Tapos ko na rin gawin ang mga ginagawa ko at mukhang naiinip na rin si Brielle na nasa tabi ko dahil kanina pa siya paikot ikot. Nakatulog na rin nga siya at nagising kani-kanina. 

Ayaw ko namang iwan ito at umuwi na, nakakahiya naman kay Misis este kay Miss.

"Baby, what do want to do?" Tanong ko sa kanya. Para naman malibang kami pareho. Nag-isip pa muna siya bago ako tinignan.

"Ate pretty, do you know how to dance?" Nakangiting tanong nito sa akin.

"Aww. No, baby e. But I can sing and play instruments." Sagot ko dito.

"I'll teach you, then!" Masiglang saad niya at hinila ako patayo. "Wait there, ate."

Kinuha niya yung ipad niya at nagpipindot doon. Maya maya lang ay inilapag na niya ito paharap sa amin. What the? Tiktok? Ako? Magtitiktok? Juice colored! Help me.

Her SaviorWhere stories live. Discover now