Chapter 59

18.5K 643 77
                                    

"Mommy, where are we going?" Brooke cutely asked me with her British accent. Cutiee.

I am currently looking for her outfit today because today is friday. I want to bring her with me sa event nila Brielle sa school.

"We're going to school, baby. May event sa school nila Ate Brielle and we're going to watch her." I answered her. I saw her nodding habang nakabalot sa kanya yung towel niya. Katatapos lang kasi niyang maligo.

"Which one do you want, this or this one or that?" Turo ko sa mga napili ko.

"The black one." She pointed at the last pair of clothes. I nodded before putting back the other sa closets niya.

Binihisan ko na ito and Dang! She is so cute!

"My baby is so pretty and cuteeee!" I said before hugging her and rained her kisses. Kiniliti ko din ito kaya tawa ng tawa.

"HAHAHA - Mommy! - HAHAHA - stoppp!" Tinigilan ko na ito ng makitang nasobrahan na siya sa kakatawa.

"Sorry, honey. Let's go?" I asked her.

"You forgot my shoes, mommy." She reminds me kaya natawa ako.

"Ohh. My bad. Go get the shoes you want to wear." Saad ko. Bumaba siya ng bed niya at pumunta sa mga sapatos. Pinili niya yung white shoes niya.

She already knows how to fashion herself. She by the way chose a black trouser partnered with white long sleeve with no sleeves knitted coat. One of my favorite styles.

Pinasuot ko na sa kanya yung sapatos saka na kami lumabas.

"Jacky, if you want to go somewhere, go on. I'm going to take Brooke to school and I don't know what time we'll be back." saad ko dito.

She's Brooke's nanny na nakilala ko din sa London. Since wala naman na siyang ibang pamilya din doon ay isinama ko nalang dito sa Pilipinas, and kung alam ko lang ay sana dati ko pa tinuruan ng tagalog. Hindi ko na dapat siya isasama dito pero nakiusap siya. Napamahal na din kasi sakanya ang bata.

"Okay, madam. Thank you." I nodded to her saka na kami umalis.

Sa office ko muna kami dadaretso since maaga pa naman. Hindi pa ko nagsstart mag turo, next week palang. Actually, wala pa palang pasok now since exam week nila and katatapos lang nila nitong myerkules.

Harper and I already talked. Alam na rin niyang hindi ko totoong anak si Brooke at nasabi ko na rin yung pagkikita namin ni Brielle sa Hong Kong. She got mad at first dahil bakit daw hindi ko pinasabi but in the end, naging okay din ang lahat.

Nakakatuwa lang dahil sa anim na taon kong nawala, sa ikalawang araw lang ng aking pagbalik ay naging kami na ulit. Walang suyo-suyo ang naganap at mas gusto ko na yon dahil alam ko naman doon din naman kami hahantong. Bakit pa nga ba naman patatagalin, right?

Alam na rin naman nila mommy yon dahil sinabi ko sa kanila pag-uwi ko. They're happy for me especially si Yawisss.

Now, sa penthouse ko na ulit ako nakatira. Kami pala, dahil kasama ko na si Brooke and Jacky, but Harper doesn't know it yet dahil kagabi lang kami nakalipat. Pinalinis ko muna kasi yon bago kami lumipat. Ayaw pa nga nila mommy but I told them na nasanay na akong independent, kaya wala na silang nagawa.

"Mommy, I want McDonald's." I looked at Brooke in my rear mirror and she smiled.

Nagpacute pa ito dahil alam niyang pag ginawa niya yon ay hindi ako makaka-hindi.

"Okay!" Patango-tango kong sagot kaya napahiyaw ito.

Maya-maya lang ay nakakita na ako ng McDo kaya lumiko ako para mag drive thru.

Her SaviorWhere stories live. Discover now