Chapter 21

14.9K 585 163
                                    

"T-teka, Miss. Baka po mapagalitan ako kay mommy at mag--"

"She was the one who said it, idiot. Besides, it's raining heavy outside, can you drive?" Mataray na tanong nito sa akin. Pa-ika-ikang hinahabol ko siya ngayon na papuntang sala.

Teka! Pinoproseso ko pa yung sinabi niya. Si mommy? Pumayag siyang dito muna ako? Bakit? Kilala ba niya si Miss para pagkatiwalaan ito?

"W-what did she said po ba... Tsaka.. b-bakit niya po ako pinayagan?" Nagugulohang tanong ko dito. Umupo ako ngayon sa kabilang upuan at ayaw kong tumabi sa kanya baka bigla nalang tong manapak.

Sa pang-ilang pagkakataon ay umirap nanaman ito sa akin. Pag ako di nakapag pigil, papatirikan kita sa kwarto. Joke! Bad yon.

"Are you deaf or idiot? I just said that she asked if you can stay here for tonight! Arghhh!!! Why don't you asked her, instead? Am I her? Tsk!"

Woahh! Galit na galit, gustong manakit. Nagtatanong lang e!

Nanahimik nalang ako dahil baka palayasin pa ako at hindi nga ako makakapagdrive dahil sa lakas ng ulan.

Yung panahon, parang si Miss, paiba-iba ng mood. Kita? Kanina, may pahaplos haplos pa sa likod ko, ngayon, konti nalang bugahan na ako ng apoy. Parang gusto ko nalang tuloy laging ganon... Para sweet siya. Hehe

Kumulo naman bigla ang tiyan ko na nagpabaling ng tingin ni Miss sa akin. Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa hiya.

Oo nga pala, ilang subo lang ang nakain ko kaninang lunch dahil nga iniisip ko si Miss. Tapos maga-alas otso y medya na hindi pa ako kumakain.

Tumayo itong muli at nagpunta ng kusina. Ha! Bahala nga muna siya at medyo nahihilo na ako dahil sa gutom at nararamdaman ko rin yung hapdi ng talampakan ko.

Sumandal ako sa sandalan ng inuupuan ko at pumikit. Iniisip ko kung kakayanin kong matulog dito. Malaki naman ang tiwala ko kay Miss na hindi niya ako sasaktan o gawan man lang ng masama, pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan dahil ito ang unang beses na makikitulog ako sa ibang bahay maliban nalang sa bahay ng mga pamilya ko.

Nakakagulat lang din na pumayag si mommy na mag-stay ako dito kung pwedi niya naman akong ipasundo kay daddy or kay kuya.

Nakakapagtaka ring hindi ako tinatawagan ni kuya or nung kambal.

Natigil ang pag-iisip ko ng tawagin ako ni Miss kaya napatingin ako sa kanya na ngayo'y nasa may bandang kusina.

"Come here and let's eat." Malamig na saad niya at tumalikod na. Tsk.

Ang lamig lamig na nga ng panahon, nakikisabay pa siya!

Tumayo na ako at nagtungo na sa table at umupo sa tapat ni Miss. May plato na rin sa harap ko at kutsara't tinidor. Buti nalang pala at medyo marami ang inorder ko.

Nag-umpisa ng magsandok si Miss ng pagkain niya at hindi ko nanaman maiwasang tignan siya. Kahit kailan siguro ay hindi ako magsasawang tititigannang magandang babaeng ito.

"Quit staring, Mackenzie. I'm not the food."

Mabilis akong umiwas ng tingin dahil sa sinabi niya at nagsandok na rin. Nakakahiya!

"Why do you eat so little? Eat more."

Palautos talaga tong babaeng to.

Umiling ako sa kanya at nagpatuloy lang sa pagkain. Hindi ako malakas kumain, gaya niya. Siguro yung kinakain ko ay 1/4 lang ng sa kanya. Hehe. Sabi naman sa inyo heavy eater to, hindi lang halata dahil sexy siya.

Patapos na ko sa kinakain ko ng maglagay siya ng panibagong pagkain sa plato ko kaya napalaki ang mata ko.

"M-miss, busog na po ak--"

Her SaviorWhere stories live. Discover now