Chapter 51

15.1K 611 85
                                    

"Damn. Shit!" Hiyaw ko ng may makabanggaan ako.

Tumatakbo kasi ako dahil late na ako sa first subject namin. Ilang gabi na akong hindi nakakatulog kaya lagi din akong puyat.

"I'm sorry. Hindi kita napansin. Pasensya na." Saad nito sa akin.

Pinagpag ko ang pwetan ko dahil napaupo ako sa lakas ng impact.

"Okay lang. Sorry din." I said to her bago tumakbo papunta sa room.

Kaso, pag minamalas ka nga naman... Since more than 30 minutes na akong late ay hindi na ako pinapasok ng teacher namin.

Lumakad nalang ako paalis at dumaretso sa garden. Hindi naman mainit ngayon kaya mas okay tumambay doon.

Kung alam ko lang na hindi din pala ako makakapasok ngayon, dapat pala ay mamaya nalang ako pumunta sa school.

It's been a week since me and Miss broke up. Since then, hindi ko na rin siya nakakausap. Well, nakakausap pala kapag recitation lang, aside from that, wala na.

About Brielle, hindi ko alam kung hinahanap ba ako ng bata or what but I always watch her from a far. Kapag wala akong ginagawa dito, or kapag halfday lang kami, I always go to her school.

Bumuntong hininga ako at pumikit. I miss them. I miss my girl. I miss my daughter. Ang daya naman kasi... Bigla nalang nagka-ganon.

"Why are you here?"

"Anak ng!" Singhal ko ng bigla nalang may magsalita sa harap ko dahilan para mapamulat ako.

Naka indian-sit ito at patawa tawang nakatingin sa akin.

"Hi? I'm Saige." She said then she extended her arm towards me to offer shake hands pero tinignan ko lang ito. Siya yung nakabanggaan ko kanina.

Muli siyang natawa at binawi ang kamay nito. Tinukod niya ito sa magkabilang gilid niya at tinuwid ang mga paa.

"Gold ba yung pangalan mo at ayaw mong sabihin sa akin? Wala din namang virus yung kamay ko." She said while smiling.

"Hindi ka naman pipi diba? Narinig na kita kanina nung nakabanggaan kita, at kanina lang na nagulat ka, yun nga lang, puro mura." She then giggled.

I sighed bago umayos ng upo. Wala naman sigurong masama kung makipagkaibigan ako sa kanya right? Mukha naman siyang mabait.

"I'm Ash." Simpleng sagot ko bago umiwas ng tingin. Hindi ko din alam bakit yun ang nasabi kong pangalan ko.

"Nice name. Bakit nandito ka, wala ka bang klase?" Bakit ang dami naman niyang tanong?

"Late." Simpleng sagot ko.

"Oh. Okay." She said while nodding. Siya, bakit nandito din siya?

"You? Don't you have class?" I asked her. Nacurious lang.

I heard her chuckled. Masyado siyang masiyahin.

"I don't study here." Mabilis ko siyang tinignan and oh... Kaya pala hindi siya nakauniform.

"What are you doing here, then?" I asked again.

"Sinamahan ko lang yung mahal ko. Pinuntahan yung kaibigan niyang professor dito. Kaso ginutom ako. Pupunta na sana ako sa cafeteria, kaso nakita kita." Pakiwanag nito.

Tumango lang ako sa kanya bilang sagot hanggang sa maalala ko.. mahal? Boyfriend niya o asawa? Wait... Wala naman nakakapasok na lalaki dito ha? Don't tell me...

"Are you gay?"

Tila nabilaukan siya kahit wala naman siyang kinakain kaya mabilis kong binigay sa kanya yung bottled water na hindi ko pa naiinoman.

Her SaviorWhere stories live. Discover now