Chapter 49

13.5K 589 155
                                    

"Let's break up. Let's end this."

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" hindi ko alam bakit ako natawa. Kita ko ang pagtaas ng isang kilay nito.

"Joke ba yun, baby? Ilang araw mo lang akong hindi pinapansin, natuto ka ng magjoke? Sino nag turo sayo? Yung special someone mo na kasama mo kanina? Pft! Ang pangit ng turo niya. Hindi nakakatawa!" Seryosong saad ko dito.

"I'm serious, Mackenzie!" Malamig na tugon nito pero hindi ko siya sinagot. Tinupi ko yung damit ni Karina at tumalikod kay Miss para mailagay ko sa bag ko na nasa couch.

Pagkatapos kong maayos ay kinuha ko ito at muling humarap kay Miss ng seryoso. Lumapit ako sa kanya...

"If you want to talk to me. Talk to me later, not now. Pupunta nalang po ako sa unit niyo mamaya. Pag-isipan niyo po muna yang gagawin niyo... At sana, last na yung joke niyo na yon. Hindi nakakatawa, promise. You're still my girlfriend, okay?" I plainly said.

I bend down to kiss her forehead before leaving her office.

Pagsarado ko palang ng pinto, kusa ng nagsilabasan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Mabilis ko itong pinunasan at naglakad papuntang room. Sinigurado ko munang hindi ako nagmukhang umiyak bago pumasok.

"Kumusta? Okay ka lang ba?" Tanong agad ni Rei sa akin, pag-upo ko.

Tumango lang ako dito at nagdukmo.

Nanghihina ako. Natatakot ako.

What if makipag break talaga siya sa akin mamaya? I don't know what to do...

Nakaramdam ako ng pagsiko mula sa katabi ko, kasabay ng pagtahimik ng nga kaklase ko. Nang i-angat ko ang ulo ko, sakto ang pagtama ng tingin ko kay Miss na nakatingin din sa akin.

Mabilis akong nag-ayos ng upo at ngumiti sa kanya... Kahit pilit... Malay niyo kasi diba, magbago yung isip niya mamaya?

Mabilis lang at natapos agad ang klase ni Miss. Nagpaparticipate ako pero kahit ni isang beses ay hindi niya ako tinawag. Hindi na rin siya muling tumingin sa akin mula kaninang nag-umpisa siyang magdiscuss. Maging si Rei ay napapailing nalang.

Papunta na ako ngayon sa condo nila. Galing ako sa office ni mommy, nagpaalam lang ako na sa condo ko muna ako matutulog ngayon.

Mahaba-habang paglalambing pa ang ginawa ko para lang payagan niya ako. Malinis naman doon dahil every week ay may naglilinis doon kahit hindi ko pinupuntahan. Natawagan ko an rin kanina yung nag-aayos doon at sinabihan kong maglagay siya ng maaaring kainin dahil baka anytime, maidala ko doon sina Brielle.

Pagdating ko sa floor nila Miss, agad akong nagdoorbell.

Nakailang tunog din ako, bago ako pagbuksan ni Miss.

"Hi?" I smiled at her.

Lalapit na sana ako sa kanya para halikan yung pisngi niya pero mabilis itong humakbang paatras at naglakad papunta sa kusina.

Ouch. Pain. Lumbay. Pighati.

Tang ina, ang sakit. hahaha.

"Mommy prettyyyyy!!!"

"Baby, careful!" Mabilis kong sabi ng makita itong muntikan ng madulas dahil tumatakbo ito papunta sa akin.

"Hihi. I miss you, mommy pretty." She said, then rained me with kisses.

"I miss you too, baby. How are you?"

Binuhat ko ito at dinala sa couch. Umupo ako kaya nakakandong na siya sa akin paharap.

Nilalaro nanaman niya yung mukha ko.

"I'm good po, mommy pretty. Look, I got five stars earlier. Hindi ko po muna pinatanggal kay mommy because she said you'll go here and I want to show it to you po." Pinakita pa sa akin yung mga stars niya sa kamay.

Her SaviorWhere stories live. Discover now